CHAPTER THIRTEEN

26 0 0
                                    

Nagising ako sa marahan na pagsuklay sa aking buhok. pag mulat ko ng mata nakita ko si Sorine na umiiyak habang nakatulala.

"Sorine." pag aagaw pansin ko sa kanya, napatingin naman ito sa akin at lalong umiyak.

"S-Sissy gising k-kana!" umiiyak nyang ani.

"A-Anong nangyari b-bakit ako nandito?" nanghihina kong tanong rito.

"Nakita ka nung kaibigan ni Olivia na si James sa daan na nawalan ng malay kaya isinugod ka rito sa hospital." sagot nito naalala ko na naman ang pangyayaring nasaksihan ko sa bahay.

"Uuwi na ako Sorine baka hinahanap na ako" sambit ko rito

"Sissy mag pahinga ka muna buntis ka baka mapano ka pa." ani nito

"B-Buntis ako?" tanong ko ulit rito. tumango naman ito kaya hinawakan ko ang maliit kong tyan at napangiti, "Kailangan malaman ni Liam to" sambit ko.

"Hindi pwede sissy! alam kong sya ang dahilan kung bakit ka nandito sa hospital ngayon! at alam mo bang may pinadala syang mga lalaking naka itim sa apartment ko at nag bigay ng salita na iparating ko daw sayo na layuan mo na sya! hindi ka nya mahal sissy ginagamit ka lang nya!" sigaw nito sa akin.

"Hindi nya magagawa yan Sorine! kilala ko si Liam hindi nya kayang gawin yan." umiiyak kong ani.

"Sa tingin mo mag sisinungaling ako sayo sissy? dadalhin ko ba ang mga gamit ko rito ng wala lang?" sabay turo sa likuran.

Nilingon ko ito nakita ko ang dalawang maleta at isang bag.

"Aalis na dapat ako nung pagka alis ng mga lalaking naka itim dahil natakot ako sissy!" kaya tumingin ulit ako sa kanya.

"S-Sobra akong natakot pero bigla yun nawala ng bigla kang tumawag. sobra akong nag alala sayo ng sabihin ng lalaking sumagot sa cp mo na nandito ka raw sa h-hospital kaya dali dali akong nag punta rito ni  hindi ko na naisip ang nangyari sa a-apartment basta mapuntahan ka lang." umiiyak nitong ani.

Bakit? bakit pati si Sorine nadadamay sa katangahan ko?

"S-Sorine s-sorry, n-nadadamay ka dahil sa katangahan ko." sambit ko rito

"Sissy sumama ka sa akin lalayo tayo rito, ilalayo kita sa hayop mong asawa." ani nito habang pinupunasan ang mga luha.

Napaisip ako sa sinabi nya. siguro tama na rin na iwanan ko na si Liam alam ko na masaya na sya dahil kasama nya na ang taong mahal nya.

Tama na rin siguro ang katangahang ginagawa ko sa sarili ko. tama na na sya palagi ang iniisip ko.

Iiwan ko man sya may isang anghel na dadating naman sa aking buhay.

"Sasama ako Sorine pero s-saan naman tayo manunuluyan? tanong ko rito.

Alam kong wala na rin pamilya si Sorine hindi nya rin kilala ang mga kamag anak nya.

"May kakilala akong nasa malayo kaya huwag kang mag alala hindi kita pababayaan." ani nito

"Salamat Sorine ah! palagi kayong andyan para sakin ang swerte swerte ko sa inyo ni Olivia." madamdaming sambit ko.

"Ano ka ba syempre kaibigan ka namin at saka nararamdaman ko yung feeling mo na walang pamilyang nasasandalan kaya eto ako nag hahanap ng pamilya sayo!" nakangiting sambit nito.

Simula noong nakilala ko sya't naging kaibigan sya  ang nag tatanggol sa akin kapag binubully ako at hanggang ngayon eto pa rin sya.

"Mamayang gabi aalis na tayo ang oras kasi ng dating ng bus sa terminal ay alas syete kaya alas sais pa lang aalis na tayo." tinanguan ko naman ito.

—————————————

Umalis kami sa hospital ng sumapit ang ala sais ng gabi, hindi na ako nakapag pasalamat sa taong tumulong sa akin dahil hindi pa sya bumabalik ang sabi naman ni Sorine kakilala ni Olivia ang taong yun kaya itinext ko na lamang sa kanya ito para maiparating sa tumulong sakin.

Nakatulala lamang ako sa bintana ng bus na aming sinasakyan umaandar na ito papunta sa aming tutuluyan iniisip ko pa rin si Liam alam ko na magiging masaya sya sa pagka wala ko sa kanyang landas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Martyr Wife (Series 1)Where stories live. Discover now