CHAPTER SIX

10 0 0
                                    

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng mall para puntahan sila Sorine at Olivia.

Tumawag sila kanina at nag aaya na naman gumala kaya pumayag ako since wala naman akong ginagawa sa bahay ngayon.

"Whaaaa Mikaa! tili ni sorine ng makita nya akong papasok sa Starbucks na palagi naming pinag tatambayan "Namiss kita! nakayakap na sambit nya.

"Kakakita lang natin nung isang araw Sorine huwag kang oa" iling na ani ko sa kanya.

Sa aming tatlo si Sorine ang pinaka oa at clingy.

sumimangot sya "kahit na noh hmp" natawa naman ako ng umirap ito sa akin.

"Maupo na nga kayong dalawa pinag titinginan na kayo baka akalain artista kayo." ani ni Olivia kaya napatingin kami sa mga taong nandoon na nakatingin sa amin.

"Alam nyo ba na may reunion tayo next week at sa mga president daw ibinigay ang mga invitation?" tanong ni sorine ng makaupo na kami sa table namin.

"Hindi eh, wala pa naman akong natatanggap na invitation." sagot ni olivia.

Tumingin naman sila sa akin.

"Ikaw mika"

"Nasabi ba sayo ni Liam yan?" tanong ni Olivia

"Ah ayan ata yung inaasikaso ni Liam this past few days, nakikita ko rin kasi na kausap nya yung dean ng school." paliwanag ko.

"So meron talaga? oh m gi! kailangan maganda tayo dun girls ah! ayoko matalbugan ni Cassandrangot no! maarteng wika ni Sorine umiiling iling na lang kami ni Olivia sa kanya.

"Olivia! sigaw ng kung sino sa pintuan ng starbucks.

"May fans ka ata rito Olivia." lokong sambit ni Sorine sa kanya.

Nanlaki ang aking mata ng makilala ko kung sino ito.

"Oh hi miss beautiful! kaibigan mo pala itong si Olivia? tanong sa akin ni James sabay upo sa bakanteng upuan katabi ni Olivia.

"Oo magkakilala kayo?" balik na tanong ko rito.

"Ah gustong nyang patulong  manligaw sa kakambal ko kaya kinukulit ako." sambit ni Olivia kaya tumingin ako kay James na nakangiti kay Olivia.

"Sige na kasi kahit sabihin mo lang sa akin mga favorite nya pero mas okay kung tutulungan mo ako please." pagmamakaawa nya kay Olivia.

"Hey ang cheesy nyo mamaya na kayo mag maglandian dito!" naiiritang ani ni Sorine.

Tumawa lang si James at tsaka kinurot ang pisngi ni Sorine kaya sinapok nya si James.

"We're not close noh!" sambit nito na ikinatawa ko

"Miss beautiful yung sinigang ko ah? lutuan mo ako nun kapag bumalik ako sa bahay nyo." ngiting sambit nya

"Oum tsaka nga pala anong oras na kayo nakauwi nun?" tanong ko rito.

"Mag aala una na ata bakit may nangyari ba?" tanong nito pabalik.

"Wala naman hindi ko na kasi kayo nakita nung nagising ako" sagot ko rito

Tumango lang ito at inumpisahan na ulit guluhin si Olivia na kinairita ng husto ni Sorine.

Ilang oras pa ang lumipas ng mag paalam na kami sa isa't isa.

Araw ng linggo ngayon dahil wala naman akong gagawin sa bahay ngayon dumiretso na lang ako sa simbahan para magsimba.

Habang nakaupo ako biglang may nagsalita sa aking gilid.

"Can i sit there? turo nito sa tabi kong bakante.

"Ahm sure" sagot rito nang hindi tinitignan ang kanyang mukha.

Nag sindi muna ako ng kandila nang matapos ang misa. bago nag pasyang lumabas ng simbahan.

Paliko na ako sa sakayan ng trycycle ng biglang may humablot ng aking braso kaya napahinto ako sa aking paglalakad.

Nagulat ako ng makilala ko kung sino itong nang hablot ng braso ko, "Hi im Kevin ako yung nagtanong kung pwede umupo sa tabi mo and you are?" pagpapakilala nya sa akin.

Ngumiti lang ako rito at tyaka sya tinalikuran. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla itong sumigaw.

"See you next time miss church girl! sigaw nito na nagpangiti sa akin.

Nang makauwi ako sa bahay umupo ako sa sofa at binuksan ang TV.

Nanood lang ako ng nanood hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa sofa.

The Martyr Wife (Series 1)Where stories live. Discover now