CHAPTER TWELVE

13 1 0
                                    

Nasa harap na ako ng aming bahay nakita ko na nakabukas ang ilaw ng aming sala kaya pumasok na ako sa pinto at nakita ko ang asawa ko na nakaupo sa sofa habang hawak ang kanyang cellphone.

"Hubby nandito kana pala anong oras ka dumating? sana sinabi mong uuwi ka para nakapaghanda ako ng makakain mo" agaw pansin ko sa kanyang pagkakatulala sa kanyang cellphone.

Nang magtama ang tingin namin nakita ko ang lamig sa kanyang mga mata

"Saan ka galing Bakit wala ka rito sa bahay? malamig na sambit nya.

"Ah nakituloy ako kay Sorine habang wala ka dito sa bahay, naboboring kasi ako dito kaya nagpunta ako sa kanya para makituloy" sagot ko naman sa kanya.

Nagulat ako ng sumigaw sya "Sa kaibigan mo o sa lalaki mo!"

"T-Teka ano bang sinasabi mo kila Sorine ako nakituloy at wala akong lalaki Liam"

"Sinungaling ano kating kati ka na ba kaya hindi mo mapigilan! magagaling ba sila kaya hindi ka na umuw–– " hindi ko na napigilan na sampalin sya kaya.

"Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na maghanap ng lalaki! kahit kailan hindi ko naisip na makipag siping sa iba! pero ikaw kayang kaya mo! Hind ba dapat ako yung magalit dito? kasi yung asawa ko ang paalam sakin may business lang daw na pupuntahan sa china! pero may ibang kinikitang babae na pala!"
umiiyak kong sambit.

"Bakit sino ka ba para magalit eh asawa lang naman kita sa papel at wala kang pakialam kung makipag kita man ako sa taong mahal ko." malamig nyang sabi saka ako tinalikuran.

May karapatan pa rin naman ako hindi ba kahit na kasal kami sa papel? asawa pa rin naman nya ako eh.

Umiiyak akong nagtungo sa aking kwarto iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakaramdam ako ng pagod at antok sa aking katawan.

Nagising ako na pawala na ang sikat ng araw kaya na pag desisyunan kong lumabas ng aking kwarto.

Pababa na sana ako ng hagdan ng makarinig ako ng ingay sa kwarto ni Liam naka awang ang kanyang pinto kaya dumungaw ako doon at hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Ang asawa ko nakaibabaw sa babaeng hindi ko maaninag ang mukha

Nakikita ko ang pag iingat na pag angkin ni Liam sa babaeng ito kumpara sa pag angkin nya sakin.

"A-Ahh b-babe uhm!"

"U-Uhm m-malapit na ako babe!" ungol ng babae

"U-Uhh Ohh I love you J-Jace!"

Hindi ko inaasahan ang pag sagot ng aking asawa sa sinabi nung babae sa kanya.

"O-Ohh I love you too Ellise!" Paungot nyang Sambit.

Hindi ko na nakayanan na manood sa kanilang ginagawa kaya patakbo akong bumaba't lumabas ng aming bahay. iyak lang ako ng iyak habang naglalakad hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa.

Hanggang sa bumuhos ang ulan nakikiramay pa ata sa kasawian ko inalala ko lahat ng mga nasaksihan ko kanina sa kwarto ni liam at iniisip na sana panaginip na lamang iyon.

Napahinto ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng hilo tatawag na sana ako ng tulong ng bigla na lang akong nawalan ng malay.

The Martyr Wife (Series 1)Where stories live. Discover now