CHAPTER ELEVEN

19 0 0
                                    

Dalawang linggo na simula ng umalis si Liam sa aming bahay at hanggang ngayon hindi pa din ito bumabalik

"Uy girl nawala ka na naman sa sarili mo" mataray na ani ni sorine

"Sorry ano nga ba ulit yun?" tanong ko sa kinukwento nya.

"Hay nako wala! alam mo tara na sa Starbucks magpalamig tayo dun!" natawa naman ako sa kanya ng hinila hila nya na ako papunta sa starbucks.



Nang nasa Starbucks na kami ang daming binili ni Sorina hindi ko tuloy alam king may pambayad kami neto.

"Hey alam ko yang iniisip mo! syempre mayroon akong pambayad neto no! singhal nya sa akin kaya natawa ako sa kanya sabay iling ng aking ulo.

"Wala naman akong sinabi na wala kang pambayad rine." natatawang ani ko.

"Hays kumain na nga tayo naiistress ang beauty ko sayo sissy!"

Habang kumakain ako biglang sumigaw si Sorine kaya nagulat ako at nabitawan ang hawak kong drinks na Nutella Frappucino.

"Bakit ka sumisigaw?" tanong ko sa kanya

"Look sissy ang walang hiya mong asawa!" mahina nyang sigaw sabay pakita sa akin ng cellphone nya.

"The CEO of Ty's Company is dating Maria Ellise Monteverde?" Tumulo ang aking luha ng makita at mabasa ko ang nasa larawan.

Akala ko ba nasa business trip sya bakit may ganito? nagsisinungaling ba sya sa akin? HAHAHA oo nga pala sino ba naman ako sa kanyaeh asawa lang naman nya ako pero hindi ang mahal.

Kaya pala hindi pa sya umuuwi dahil nasa China ang kaligayahan nya? kaya pala hindi sya nag paparamdam kasi kasama nya ang mahal nya?

"Aantayin ko ang paliwanag nya rine, hindi ako maniniwala sa balitang yan hanggat wala ang paliwanag nya." umiiyak kong sabi kay sorine.

"Sissy naman ano kaba! ayan na nga oh naka news na sila! mahinang singhal sa akin ni sorine. "Look mo pa yung mga comment oh."

"Bagay sila oh my god!"

"May new couple na ako!"

"Nakita ko sila kahapon grabe sobrang ganda ni girl bagay na bagay sila ni Mr Ty!"

Lalong tumulo ang luha ko ng mabasa ko ang huling comment na nagpapatunay na magkasama talaga sila kahapon.

"Shh sissy huwag kana umiyak halika na umuwi na tayo magpahinga ka na muna." itinayo ako ni sorine at sabay kami naglakad palabas ng Starbucks.

Nakauwi na kami sa apartment ni Sorine dito ako tumutuloy simula nang umalis si Liam sa bahay, hindi kasi ako sanay na mag isa lang kaya nakituloy ako sa apartment nya dumadalaw minsan dito si Olivia at minsan dito na din natutulog.

Sumalampak agad si sorine sa kama, "Nakakapagod pala kapag walang ginagawa hays." inaantok na ani nya umupo ako sa sofa at tinignan lang sya.

maya maya tumunog ang aking cellphone kaya tinignan ko ito.

"Im home where are you?"

Napatayo ako sa gulat ng makita ko ang message ni Liam sa akin kaya lumapit ako kay Sorine at niyugyog sya para gisingin

"Sorine, Sorine uuwi muna ako si Liam nasa bahay" ani ko sa kanya. kaya tumayo sya sa aking harapan at nameywang.

"Alam ko namang hindi kita mapipigilan sa paghahabol mo sa asawa mo sissy pero sige last na ito kapag sinaktan ka pa nya ulit ilalayo na kita sa kanya." Seryoso nyang sabi.

Napangiti naman ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit

"Maraming maraming salamat Sorine! Palagi kang nandyan kapag may kailangan ako" naluluha kong sambit sa kanya.

"Syempre best Friend kita kaya hindi kita pababayaan no! sige na shupi na baka magbago pa isip ko!" kaya humiwalay na ako sa kanya at nakangiting nagtungo sa pinto palabas ng kanyang apartment.

The Martyr Wife (Series 1)Where stories live. Discover now