Inilatag ko na ang mga pagkain sa mesa ng matapos ko ng iluto ang request ni Caleb na adobo. naglagay na rin ako ng mga plato kutsara't tinidor sa lamesa.
Nang matapos ay nagtungo ako sa sala para tawagin sila, "Kain na muna kayo" pang iistorbo ko sa ginagawa nila.
Tumingin naman sila sa akin at ngumiti bago nagsitayuan sabay panhik sa kusina.
Susunod na sana ako ng makita kong nakatingin sa akin si Liam sa likod kaya tumingin ako sa kanya.
"Kain kana rin" aya ko sa kanya. Nauna na syang pumasok sa kusina kaya sumunod na rin ako.
Kumakain kami ng biglang magsalita si James.
"Thank you sa masarap na pagkain miss beautiful! sobrang sarap ng niluto mo" masayang ani nya.
"Oo nga first time ko lang makakain ng ganito kasarap" sabat naman ni Caleb na habang kumukuha pa ng kanin.
"Ano nga palang pangalan mo miss beautiful?" tanong nito.
"Ahm ako si Mika" sagot ko rito
"Anong ginagawa mo rito sa bahay ni Liam?" tanong ulit nya.
Kaya napatingin ako kay Liam na naka tingin rin pala sa akin.
"Pumasok kasi ako bilang kasambahay kaya ako nandito." pagsisinungaling ko.
"Wow talaga maid ka rito? pwede rin ba kita ihire maging maid para maipag luto mo ako ng sinigang?" tanong nito na namamangha. "Please miss beautiful ako na bahala sa mga sangkap na kakailanganin hehe!" pamimilit pa rin nya.
Nagulat kami ng biglang pabagsak na ibinaba ni Liam ang kutsara't tinidor, "Shut up James! She's my wife!" bulyaw nito kaya napatingin sa akin ang apat nyang kaibigan.
"Totoo ba yung sinasabi ni Liam asawa ka nya miss beautiful?" tanong ulit nito kaya nahihiya akong tumango.
"Hindi naman sinabi sa amin ni Liam na may maganda pala syang asawa." sambit ni Isaiah habang nakangiti ng nakakaloko.
"Kaya nga ang daya ni Liam naglilihim na sa atin." pang gagatol ni felix na kinatango naman ng tatlo.
"Kumain na kayo bago ko kayo itapon palabas ng bahay." Seryosong ani ni Liam kaya tumahimik sila at nagsimula ng kumain ulit.
Nang matapos kaming kumain nagpresinta pa ang apat na sila na ang magliligpit ng pinagkainan na mabilis ko namang hinindian ang kaso makulit sila kaya nag paalam na lang ako sa kanila na aakyat na ako sa aking kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto nahiga lang ako rito at maya maya'y nakaramdam na ng antok kaya nagdasal muna ako bago ko ipikit ang aking mga mata.
_____________________________
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa ibaba kaya sinipat ko ang orasan at napag alamang alas tres pa lang ng madaling araw.
Naglakad ako palabas ng aking kwarto para bumaba at tignan ang nangyayari doon.
Nadatnan ko ang sala na puro basag na bote ng alak at nakita ko si Liam na nakaupo sa lapag habang iniinom pa ang natitirang mga alak.
Lumapit ako rito para sana patigilin na sya sa pag iinom. "L-Liam anong nangyari?" tanong ko rito
Hinawakan ko ito sa kanyang beywang para sana itayo sya ngunit hinawi nya lamang ito.
"Bitawan mo ako! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkanda malas ang buhay ko! ikaw ang dahilan kung bakit iniwan nya ako!" lasing nyang paninisi sa akin.
Binalewala ko lang ang kanyang sinasabi at inalalayan ulit ito para tumayo.
"Tama na yan Liam lasing kana magpahinga kana halika tulungan kitang makaakyat sa kwarto mo." sambit ko sa kanya.
Hinawakan ko sya ulit sa beywang at sinubukan ulit syang itayo.
Nang maitayo ko na sya inumpisahan na naming maglakad pa akyat sa hagdan. nakahawak ako sa beywang nya habang akay akay ko sya sa balikat.
Pagkapasok sa kwarto inihiga ko sya dumiretso naman ako sa banyo para kumuha ng pamunas at batsha na may lamang tubig.
Habang pinupunsan ko sya sa katawan may kataga syang sinabi na nagpatigil sa aking ginagawa.
"I miss you Elisse ko i love you!" lasing na sambit nya.
Tumulo ang luha ko at lumabas sa kanyang kwarto. bumaba ako sa sala para linisin ang mga nagkakalat na boteng basag.
Habang naglilinis sumasagi pa rin sa isip ko ang sinabi nya.
May girl friend na ba sya noong may nangyari sa amin? kaya ba sya iniwan non dahil nalaman ang nangyari sa amin? kaya ba galit sya sa akin.
Nang matapos na ako sa pag linis bumalik na ulit ako sa aking kwarto para sana matulog ulit.
YOU ARE READING
The Martyr Wife (Series 1)
RomanceIsang babaeng nangarap ng masayang pamilya ngunit sakit at paghihirap ang naranasan. tunghayan ang storya ni Mikyla Bernice Delacruz