"Urgh! nakakainis talaga yang Cassandrangot na yan!" naiinis na sambit ni Sorine.
Nagpunta sila rito sa bahay para ibalita sa akin na wala silang natanggap na invitation para sa reunion party ng batch namin.
Nabigyan na daw ang lahat ng ka batch namin noon maliban daw sa aming tatlo na wala pang natatanggap.
"Halatang plinano nya na huwag tayong bigyan" ani ni Olivia na sinang ayunan naman namin.
"Kaya kailangan nating mag isip ng paraan kung paano tayo makakakuha ng invitation para masabunutan ko yang pangit na yon!" ani ni sorine.
"Olivia ang kambal mo ba may natanggap? tanong ko rito. may kakambal kasi sya kaso nasa ibang course sya kaya hindi namin naging kaklase.
"Yes, ang sabi nya nung nakaraan pa daw ibinigay ang lahat ng mga invitation." ani nito.
Nag iisip kami ng paraan ng biglang tumingin sa akin si Olivia kaya tinignan ko rin ito.
"Mika what if itanong mo kung kulang ba ang invitation na ibinigay nya sa section natin? suhestyon nito na kinatango ni Sorine.
"Pwede naman pero kailangan pa rin natin mag isip ng isa pang paraan dahil baka kumpleto ang ibinigay nya." sagot ko rito kaya tumango silang dalawa.
Nang magdilim na napagdesisyunan na nilang umuwi, inaya ko pa silang kumain pero humindi na sila kaya hinatid ko na lamang sila sa labas.
Pagkapasok ko sa loob dumiretso na ako sa kusina para mag luto ng kakainin. Saktong pag uwi ni Liam natapos akong makapag luto ng sinigang kaya inaya ko na itong kumain.
Habang kumakain binanggit ko na ang tungkol sa invitation ng party. hindi kasi kami makakapasok sa kung walang invitation.
"Ahm Liam may gusto sana akong itanong." ani ko rito
"What is it?" sagot nya habang sumusubo ng pagkain.
"Yung tungkol kasi sa gaganaping party ng batch natin? wala kasing invit-
"Nasa akin yung iyo." pagpapahinto nya sa sinasabi ko.
Bakit nasa kanya yung akin?
"Na sayo ang akin? yung sa dalawa kong kaibigan bakit wala itinabi mo na rin ba yung sa kanila?" tanong ko rito.
"I don't know. Sakto ang ibinigay kong invitation card sa bawat section noon." sambit nya, paano yun bakit hindi sila nabigyan?
"Ahm baka may extra invitation card ka pa kung meron hihingi sana ako ng isa tapos yung akin ibibigay ko na lang sa kaibigan ko baka kasi hindi sila makapasok kung walang invitation card gusto pa naman nilang sumama." mahabamg lintaya ko.
Hindi naman ako sanay sa party kaya naisip ko na ibigay na lang kila sorine yung akin kung wala man silang invitation card.
"I'll send it to their email." malamig na sagot nya ngumiti naman ako at tumango.
Mabilis ko namang ibinalita sa dalawa ang sinabi ni Liam.
"Oh m Gi! it means makakasama na tayo sa party! humanda sa akin yang cassandrangot na yon!" Naiiritang ani ni sorine sa linya.
"Bakit nga pala sa amin lang mika paano yung sayo?" tanong ni Olivia napatigil si sorine sa pagsasalita at sumeryoso ang mukha sa phone.
"Don't tell me hindi ka sasama?" seryosong sambit nya.
"Hindi noh! sasama ako na kay Liam yung akin at yung sa inyo lang ang nawala." nang sabihin ko yun nawala ang seryosong mukha ni sorine at napalitan ito nang nakakalokong ngiti.
"Minsan pala may pagka sweet din yang asawa mo." ani nya.
"Sabi ko naman kasi sa inyo mabait si Liam eh" Sambit ko sa kanila.
Nang matapos ang usapan naming tatlo bumaba ako para sana kumuha ng makakain.
"Naku ubos na pala mga snack dito" bulong ko sa sarili.
At dahil kumakalam ang tyan ko lumabas ako ng bahay para pumuntang 7/11 sa labas ng village na ito.
Wala akong makitang rumorondang trycycle kaya nilakad ko na lang ito.
Halos ilang minuto lang ng makarating ako sa 7/11 kumuha agad ako ng tatlong biscuit at dalawang chichirya kumuha na rin ako ng favorite kong c2 at pumila na agad sa counter.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain bumalik na ulit ako sa pag lalakad pauwi sa bahay.
YOU ARE READING
The Martyr Wife (Series 1)
RomanceIsang babaeng nangarap ng masayang pamilya ngunit sakit at paghihirap ang naranasan. tunghayan ang storya ni Mikyla Bernice Delacruz