Maaga akong gumising kinaumagahan para maipag handa ng makakain ang asawa ko. ininit ko ang pagkain kagabi at nag painit na din ako ng tubig para maipag timpla sya ng kape.
Narinig ko ang yabag ni Liam na pababa sa hagdan kaya tumingin ako sa kanya "Hubby kumain ka muna" nakangiting ani ko.
"Sa office na ako kakain" Malamig na sabi nya habang inaayos ang mga gamit na dadalhin nya.
Kinulit ko pa din sya na kumain kaya tinitigan nya ako ng matalim.
"Ah kahit inumin mo na lang itong kape na hinanda ko" dali dali kong kinuha ang mainit na kape at iniabot sa kanya, "Eto inumin mo muna para naman may laman ang tyan mo bago ka pumuntang opisina." ngiti kong sabi. ngunit tinabig nya ito at naitapon sa kamay ko na kinahulog sa lapag at nabasag.
"Sabi ko diba sa office na ako kakain bobo kaba o nagtatanga-tangahan lang!" bulyaw nya sa harap ko.
Napatulo naman ang luha ko "Sorry Hubby gusto ko lang naman na makakain ka muna bago pumasok sa trabaho" umiiyak na ani ko pero tinalikuran lamang nya ako sabay labas sa pinto ng aming bahay.
"Ang tanga tanga mo kasi mika nagalit tuloy ulit sayo ang asawa mo" bulong ko sa aking sarili.
Tumutulo ang aking luha habang pinupulot ang tasang nagkanda pira-piraso sa lapag ng aming sala.
Pagkatapos kong linisin ang sala umakyat ako sa aking kwarto. hihiga na sana ako sa kama ng may tumawag sa aking cp kaya kinuha ko ito sa table lamp sinagot ko agad ang tawag ng makita kong si Sorine ito.
"Hey sissy kong tunay!" Sigaw nya sa linya
"Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa dito
"Magkikita kami ni Livia sa mall syempre ayaw namin na hindi ka kasama kaya tinawagan kita" Napangiti ako sa sinabi nya dahil hanggang ngayon palagi pa rin nila akong inaalala.
"Ahm anong oras ba ang kita nyo hindi pa kasi ako naliligo atsaka wala akong damit pang alis" nahihiya kong sabi.
Totoo na wala akong damit pang alis ang palagi ko lang sinusuot ay ang mga pambahay kong damit. kahit noong bata pa ako mga pambahay lang ang ginagawa kong pang alis kaya minsan tinutukso ako dugyot at kung ano ano pa.
"Ang yaman-yaman ng asawa mo tapos hindi ka mabilhan ng damit!" bulyaw nya sa linya.
"Alam mo naman ang trato nya sa akin hindi ba?" malungkot kong ani.
Alam nila ang totoong nangyari sa amin ni Liam.
Noong una natutuwa pa sila pero kalaunan nagalit sila dahil sa trato ni liam sa akin sa skwelahang pinapasukan namin noon.
Nakita kasi nila nainaalila ako ni Liam noon sa skwelahan namin nagalit pa sila sa akin noon pero pinaliwanag ko sa kanila kung bakit ko ginagawa yon.
"Tsk, Sige na sissy maligo kana at pumunta dito Bibilhan ka namin ng damit ba-byee!" pinatay nya na ang tawag gusto kong tanggihan ang alok nya pero alam kong makulit sya at ipagpipilitan ang kagustuhan.
Naligo ako at nagbihis naglagay lang rin ako ng light na make up sa aking mukha at Lip gloss naman sa aking labi at ng matapos na ay bumaba ako at lumabas ng bahay.
Pagkadating ko sa mega mall nakita ko agad si Sorine na nakaupo kaya lumapit ako rito at niyakap sya.
"Bakit parang pumayat ka ata sissy hindi ka ba kumakain ng tama?" bungad nyang tanong sa akin.
"Hah kumakain naman ako ng tama rine" ngiting sambit ko nakatingin lang ito sa akin na parang hinuhuli ako kung nagsasabi ba ng totoo o hindi.
"Baka naman stress kaya pumayat" sabat ni Olivia sa aming usapan. hindi ko sya naramdamang dumating kaya tumayo ako at niyakap ito.
"hays tara na nga bumili na tayo ng damit mo sissy at pagkatapos kumain na tayo." nakangiting tumango naman ako sa sinabi ni Sorine.
Pagkatapos naming mamili ng damit huminto kami sa Starbucks at dito nagkwentuhan tungkol sa mga buhay namin.
Naiinggit ako sa kanila dahil nakakapag trabaho na sila pero ako eto taong bahay pa rin. gusto ko ngang sabihin kay liam kung pwede ba akong mag trabaho sa isang bake shop kaso baka magalit ito.
Nang maubos na namin ang kinakain namin napag disisyunan na naming umuwi sa kanya kanya naming bahay.
Sinamahan pa nila akong mag antay ng taxi bago sila sumakay sa kani-kanilang sasakyan.
YOU ARE READING
The Martyr Wife (Series 1)
RomantizmIsang babaeng nangarap ng masayang pamilya ngunit sakit at paghihirap ang naranasan. tunghayan ang storya ni Mikyla Bernice Delacruz