"Sissy don't forget later ah!" sambit ni Sorine sa linya.
"Teka wala pala akong maisusuot" may pag alalang ani ko rito.
"Don't worry Mika pupunta kami dyan para tulungan kang mag ayos magdadala na rin ako ng damit mo pang party." sambit ni Olivia kaya ngumiti ako rito at nagpasalamat.
"Pano girls mag kita na lang tayo mamaya sa inyo Mika" ani ni Sorine kaya tumango kami at pinatay na ang tawag.
Wala naman si Liam rito kaya pwedeng mag punta sila sorine. Naligo na ako at nag ayos para bumaba sa sala.
Habang inaantay sila Sorine nag handa muna ako ng makakain namin mamaya.
Kakatapos ko lang magluto ng pancake ng makarinig ako ng busina sa labas ng bahay kaya tinignan ko ito at nakita kong sila olivia at sorine ito pumasok kami sa loob at umakyat sa kwarto ko.
Inuna muna nila akong ayusan bago ang sarili nila.
"Hindi ba pwedeng huwag na lang mag make up? mahinang sambit ko.
"Baka gusto mong ipalo ko sayo itong pang kulot ni Olivia?" banta ni Sorine habang inaayusan ang aking buhok.
Wala na akong nagawa ng simulan na ni Olivia mag lagay ng make up sa mukha ko.
Hindi ko talaga magets kung bakit kailangan pang mag make up e party lang naman iyon.
Nang matapos kami sa pag aayos tinignan ko ang mag kabilang side ng aking mukha sa salamin. hindi talaga ako sanay na may kolerete sa aking mukha.
"Ang ganda na natin!" ngiting sambit ni sorine sa salamin.
Ano tara na baka malate tayo? excited na sambit ni olivia kaya tumayo na kami at lumabas ng bahay.
Pagkapasok namin sa dating skwelahan namangha ako sa aking nakita. napaka raming tao sa field at napaka saya nilang lahat. may mga nag sasayawan at nag iinuman na rin.
"Uy Mika, Olive, Sorine buti nakapunta kayo? napalingon kami sa nag salita.
"Syempre palalagpasin ba namin to? kahit na sinabotahe mo ang invitation card namin may ways naman kami para makapasok rito." mataray na sambit ni Sorine kaya siniko ko ito "Tara na nga baka masira pa ang gabi ko." nag umpisa na itong lumakad kaya sumunod kami ni olivia sa kanya.
Habang naghahanap kami ng mauupuan may isang lalaki na nakatingin sa akin kaya napatingin rin ako sa kanya.
"Hi sexy!" sambit nito at saka kumindat
Napangiwi naman ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
Naka hanap na kami ng mauupuan malapit sa stage pag kaupo ko pa lang iniwan na agad ako nila Sorine at Olivia para sumayaw doon sa stage.
Maya maya may isang lalaking huminto sa aking harapan
"Hi miss can i get your number?" Ito yung lalaking kumindat sa akin kanina.
"Hello pwede ba na umalis ka sa harapan ko?" naiinis na ani ko.
"Ang suplada mo naman miss" ani nya habang inilalapit ang kanyang mukha sa akin.
Napalunok naman ako at iniatras ang aking ulo samantalang sya ay nakangisi
Nang ilapit nya pa ang kanyang mukha naamoy ko ang alak sa kanyang hininga, lasing na ata to.
"What are you doing Derrick?"
Tumayo ito ng tuwid at tumingin sa nagsalita.
Napalingon rin ako rito at napasinghap ng nakita ko kung sino ito.
"A-Ahh.. Tinatanong ko lang ang pangalan nya K-Kevin sige a-alis na ko bye!" nauutal na sambit nito at nag lakad na papalayo.
"S-Salamat Kevin." pag papasalamat ko rito
"Miss Church girl? hindi ko alam na rito kita ulit makikita!" ngiting ani nya.
Nginitian ko lang din sya pabalik.
"Wala ka bang kasama? tanong nito
"Kasama ko ang dalawa kong kaibigan sumasayaw lang sila dun sa stage." sambit ko sabay turo sa mga kaibigan ko na sumasayaw.
"Okay mag ingat ka next time miss church girl alis na ako!" sambit nito tsaka umalis sa aking harapan.
Nakaupo lang ako hanggang sa matapos ang party, nag pasya na kaming umuwi nakita ko pa ang asawa ko sa parking lot kasama ang mga kaibigan nya na may ibat-ibang babae maliban lamang kay kevin nginitian nya ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

YOU ARE READING
The Martyr Wife (Series 1)
RomanceIsang babaeng nangarap ng masayang pamilya ngunit sakit at paghihirap ang naranasan. tunghayan ang storya ni Mikyla Bernice Delacruz