Prologue

46 2 0
                                    


Prologue

TW: Sexual Harassment, Trauma, Verbal Abuse.

"Mommy will do everything she can to give you a better life, anak."

Ginawaran ko ng halik sa ulo ang mahimbing na natutulog kong anak. Sa kabila ng nakakapagod kong araw, siya ang nagsisilbing pahinga ko. Sa tuwing nakikita ko ang inosente niyang mukha, napapanatag ako. Bumalik naman ako sa sala kung saan nakaupo si Tori.

"Tinanggal ka na naman sa trabaho?" inabot sa'kin ni Tori ang isang basong puno ng beer. Agad ko itong tinungga at binalik sa kaniya.

"Teka, hinay hinay lang, ano ba kasing nangyari?" alalang tanong niya sa'kin at nagsalin ulit para uminom.

I wiped the side of my lips before I started talking, explaining every detail of what happened today.

"I will promote you in one condition." mapang-akit na saad ng boss ko sa'kin.

Alam ko na kung saan papunta 'to kaya bago pa niya matuloy ang sasabihin ay tinalikuran ko na siya. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay nahatak na niya ang siko ko at mabilis na isinandal sa pader ng opisina niya.

Nagpumiglas ako at sinubukang sumigaw ngunit sa pag-aakalang may dadating na tulong, bagong problema na naman ang dumating. Bumukas ang pinto at dumating ang kaniyang asawa, magkasunod na sampal ang isinalubong sa'kin.

"Ang bababoy niyo! Dito pa talaga sa opisina niyo gagawin ang kahayupan ninyo?!" nanggagalaiti sana siyang sugurin ako ngunit pinigilan siya ng hayop niyang asawa.

Hindi ako makapagsalita. Tinatakpan ko ang sarili at tila ba'y tumigil ang mundo ko saglit. Nanginginig akong lumabas sa silid na iyon habang patuloy na nagsisisigaw ang babae. Hindi ko man lang nagawang depensahan ang sarili.

Sinalubong ako ng mga tingin ng pandidiri mula sa mga katrabaho ko. Siguro masyado na akong malandi sa isip nila kahit hindi nila alam ang buong nangyari. Bumalik naman ako sa desk ko at nagsimulang magligpit ng mga gamit kahit taranta na.

Natapos ang araw na iyon na ako ang naging laman ng balita sa buong kompanya. Malandi. Sipsip. Homewrecker. Hindi ko na kailangan pang magpasa ng resignation letter dahil kahit ang mga guard ay mahigpit ang hawak na iginigiya ako palabas ng building.

Mga putangina.

"So, ayun, wala na naman akong trabaho." I tried to hide the pain pero hindi iyon nakaligtas at isa-isang bumagsak ang mga luha ko.

Agad naman akong inalo ni Tori at naiiyak ding niyakap. Hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko. Paulit-ulit na lang ganito. Kamalasan ba talaga ang pagiging isang babae o kamalasan ang mabuhay sa mundong dinodomina ng kalalakihan at mga taong sarado ang isipan?

I was traumatized. I was the victim, yet I was the villain. Sa susunod na araw, malalaman ko na lang na nagpapatuloy na ang hayop na lalaking 'yon sa buhay trabaho at pamilya niya, habang ako ay nawalan ng trabaho at pinagmukha pang masama.

"Pumunta ako sa opisina niya, after the promotion of my co-workmate, I was asking kung bakit hindi ako nakuha when I was the one who did all the effort of my team." I was crying while talking, nakikinig naman si Tori at pinupunasahan ang mukha ko. "I just want a clear explanation."

"Ganoon talaga ang mundo, madaling mang-argabyado kapag may pera at kapangyarihan ka. Babaliktarin pa nila ang kuwento."

How the world could be this cruel? Maayos akong nagta-trabaho para sa anak ko, pero bibigyan pa ako ng sakit sa ulo ng mga lalaking hindi makuntento sa kung anong nasa pantalon nila.

"We can file a case." suhestiyon ni Tori na agad ko namang inilingan. Saan mapupunta kung lalaban pa ako? Dagdag gastusin na naman. Ayoko nang dagdagan pa ang problema ko, mabuti nang nakaalis na ako sa lugar na iyon at di ko na sila makikita pa.

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon