Chapter 06"Masakit pa ba?"
Nilalagyan ko ngayon ng maliit na bandage ang parte ng kamay niyang nasugatan. Hindi na muna ako umuwi dahil ayaw kong mag-alala sina Tori at Reycon kapag nakita nilang may sugat ako. May nakabalot na ding tela sa braso ko pagkatapos malagyan ng cold compress. Nasa convenience store kami ngayon at nakaupo sa labas.
"No." malamig niyang sagot. Nakatingin lang sa paglalagay ko ng bandage sa kamay niya.
"Ano nga pa lang ginagawa mo dun?" ang tanong ko at umayos ng upo. Doon ko lang napagtanto na napakaobvious ng tanong ko. Malamang nando'n siya dahil kakanta siya. May dala kasi siyang gitara. Gaya ng lagi niyang ginagawa.
"I should be the one asking you that." tinapunan niya ako ng tingin "Alam ba ni kuya na nando'n ka?" nagsalubong ang kilay niya. Napaiwas naman ako ng tingin.
"'Wag mo na lang sabihin sa kaniya. Baka mag-alala pa ‘yon." I swallowed hard. Baka ano pang isipin ni Glence at ayokong nadidistract siya lalo pa't abala sa trabaho.
"Okay." ang tanging nasagot na lang niya. Sabay naming binuksan ang binili niyang inumin mula sa loob kanina.
Ininom ko naman ito habang nakikita ko sa gilid ng aking mata ang pagtitig niya sa akin, parang may gustong sabihin na hindi niya maibigkas. Matagal ang katahimikang namutawi sa aming dalawa bago siya tuloyang magsalita.
"Hey... " pag-agaw niya sa atensyon ko.
"Hmm?" lumingon ako sa kaniya.
"Tungkol nga pala, uhm.. about the accident that happened a month ago, I am really sorry... " pagtukoy niya sa aksidente ng anak ko.
"'Wag mo nang banggitin, baka mas lalong magdilim ang paningin ko sa'yo... " biro ko lang sana iyon pero nanatili ang mukha kong seryoso.
"You hate me?" tanong niya, nakita ko ang kaunting kalungkutan at pagsisisi sa mga mata niya pero hindi ako nagpatinag.
"May rason ba para hindi?" ang matapang kong pagbalik sa tanong niya.
Inaalala ko lang ang lahat ng nangyari noon ay unti-unti na namang bumabalik ang lahat ng rason para magalit ako sa kaniya at sa pamilya niya, maliban kay Glence.
"Five years ago... " biglang ani niya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na nga.
"You do remember?" sarkastiko akong natawa. Tumango siya at nahihiyang tumitig sa mga mata ko. Naaalala talaga niya.
"Is it really true?" he asked which made me raised a brow at him. Naaalala niya pero hindi pa rin siya naniniwala.
"Can we have a DNA test?" ang sabi niya na nagpakuyom sa kamao ko. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para magtanong ng mga ganyan?
"Hindi na kailangan. Kahit ano pang resulta, hinding-hindi na ulit kayo magkakalapit." may diin sa mga sinabi ko. Sisiguraduhin ko iyon. Hindi naman siya umimik at nanatiling tahimik na lang.
"Uuwi na ako." tumayo na ako at naglakad papalapit sa kotse pero bago iyon ay muli akong lumingon sa kaniya.
"Salamat..." I paused "At sana ito na ang huli nating pagkikita." ang sabi ko bago tuloyang pumasok sa loob at pinaandar ang sasakyan.
Hindi ko na siya napansin at nagfocus na lang sa pagmamaneho. Ilang kilometro na ang layo ko nang bigla kong napansin sa side mirror na nakasunod pala ang kotse niya sa akin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero isa lang ang sigurado ako, I feel safe now that he's around.
Nang makarating sa condo ay hindi ko na nakita pa ang sasakyan niya. Pumasok na lang ako sa loob at umakyat sa unit floor namin. Pagkapasok ko sa loob ay tulog na ang anak ko at busy naman si Tori sa ginagawa niyang plates. Kinamusta ko siya pero gaya ng dati, malamig pa din ang kaniyang pakikitungo.
BINABASA MO ANG
Strange Destiny
RomantizmGenesis Rose Venturez, a single mother and a secretary who jump from one company to another, find herself working with the business owned by the Saveedras, a surname she later confirmed owned by the family she despise for a long time. What falls nex...