Chapter 04

25 1 0
                                    


Chapter 04

"How are you?"

Inilapag ko sa glass table ang baso ng tubig at umupo kaharap niya. Sir Glence was still looking at me with those worried eyes, waiting for me to talk. Magsasalita na sana ako nang bigla akong naubo, I took a piece of tissue on the side and covered my mouth.

"Kaya mo ba?" alalang tanong niya at lalapitan pa sana ako nang bigla akong umiwas, natatakot na baka mahawa siya.

"Okay lang." ngumiti ako. Tumango naman siya at bumalik sa pagkakaupo. "Ano nga palang sadya niyo dito?"

Pinagsiklop niya ang mga kamay. "Kakapalan ko na ang mukha ko, Gene." he licked his lips and looked at me intently. "I want you back in my company."

"I'm sorry Sir pero..." I trailed off and look away "I made up my mind."

I saw how his expression changed, yumuko siya at umiling-iling. Hindi tanggap ang desisyon kong umalis. Tiningnan niya ulit ako ng mariin.

"The company was never the same since you left. I need you back. Now." may diin sa mga sinabi niya. Tila ba nang-uutos.

"You can hire somebody new, Sir. Maraming gustong magtrabaho sa inyo." I tried to smile to lift the heavy atmosphere that's building up pero mukhang hindi nakatulong.

"Bakit hindi kaw Gene? Tell me what's the reason?" kumunot ang noo niya. Napalunok naman ako sa tanong na iyon.

"Gusto ko munang magfocus kay Reycon, sa anak ko." sagot ko. Kahit hindi naman talaga iyon ang unang rason.

"I can hire you the best babysitter." sabi niya na ikinagulat ko. Is he out of his mind? Bakit niya gagawin iyon?

"I'm sorry Sir, pero nakapagdesisyon na po ako." I said with finality in my tone. Talagang buo na ang desisyon ko.

Napag-isipan ko ang lahat ng sinabi ni Tori. Napili kong bigyan na muna ng espasyo ang sarili sa lahat ng bagay. Sa ngayon, gusto ko munang umalis at magpakalayo sa mga taong nais kong iwasan. Hinilot ni Sir Glence ang sentido niya.

"Look, if this is about my brother—"

"Wala na po akong pakialam sa kaniya." putol ko sa kanya. Totoo iyon. Noong una ay desidido pa akong gawin ang lahat para magmukha siyang masama sa aksidenting iyon pero mas pinili ko na lang na ipagsawalang bahala ang lahat. Ang importante na lang sa akin ay ang anak ko.

"He already apologized publicly. He face charges also. If you want more, sabihin mo lang." desperadong sabi ni Sir Glence. Mukhang hindi na niya alam ang mga sinasabi niya.

"Bakit ho bang desidido kayong bumalik ako sa kompanya niyo?" tanong ko.

He pursed his lips and talk "Because you're special to the company."

Natawa naman ako dahil hindi ko naiintindihan. Ako espesyal? Sa kapatid pa ng lalaking kinasusuklaman ko?

"I don't know what you're talking about Sir." pag-iling ko.

"I just want you to know that you're important to the company. Magaling ka sa trabaho mo, mabuting tao, at magaan kasama." ang sabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o iisiping may kapalit itong mga sinasabi niya.

"Salamat po sa pagiging mabait sa‘kin Sir Glence pero... " nag-iwas ako ng tingin "Buo na talaga ang desisyon ko."

"Hindi ko na ba talaga mababago ang desisyon mo?" he asked. Tired was evident in his eyes. Tila ba susuko na siya sa pangungumbinsi sa‘kin. Tumango naman ako.

He suddenly pouted. Sa una ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon pero bigla na lang siyang tumawa at yumuko. Kinusot niya ang mga mata at doon ko nakitang umiiyak pala siya.

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon