Chapter 10

14 1 0
                                    


Chapter 10

"What's got into him?"

Pinagmasdan ko ang mukha ni Glence nang tanungin niya iyon. Tanaw ko ang buwan sa mga mata niya. Malakas ang hangin mula dito sa veranda habang tinatanaw namin ang mga sasakyan at mga gusali ng malaking siyudad. Nang lumingon siya sa‘kin ay nag-iwas ako ng tingin. I pursed my lips before talking.

"Ang totoo niyan Glence..." mahina kong usal.

"Hmm?" Inilapit niya ang mukha sa akin. Nagdadalawang-isip naman ako kung sasabihin ko ba o hindi pero sa huli ay naibigkas ko din.

"Nagkausap kami." sabi ko at tumingin sa reaksyon niya.

"I know." Tumango-tango siya at binalik ang tingin sa di kalayuan.

"Alam mo?" I asked. Hindi na ako magugulat kung alam nga niya. Baka tumupad nga talaga si Phriam sa usapan namin.

"He told me. He initiated to do this surprise kasi hindi ko alam kung paano ka kakausapin ulit." ang sabi niya. Ramdam ko ang guilt na bumabalot sa sistema ko ngayon. Akala ko walang ginawa si Phriam para magkaayos kami ng kapatid niya. Mali ako. Sobrang mali.

"I just never had the chance to talk to you. Sobra akong naging abala sa kompanya." saad ni Glence. Ramdam ko ang guilt sa boses niya ngayon. Hinawakan ko ang balikat niya.

"Naiintindihan ko." ngumiti ako.

"But choosing to ignore you was the worst. I should've just reach out. Truth is, sobrang nagtatampo ako ng mga panahon na iyon." pag-amin niya. Hindi ko talaga siya masisisi.

"Mali naman kasi yung ginawa kong pagpapaalis sa kapatid mo dati."

"I must understand it. Kasi nanay ka ni Reycon. Hindi ko inintindi yung nararamdaman mo." nagbaba siya ng tingin.

"Okay na 'yon... sobrang naiintindihan ko." I assured him. Pareho naman kaming may mali, at kung nagkausap lang kami ng maayos noon ay matagal na sana kami naging okay.

"Pasensya na, naghalo-halo lang talaga yung mga nangyayari, sa kompanya, sa pamilya..." his voice broke. Ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya ngayon. Niyakap ko siya at hinagod ang likod.

"Sshh... "

"And I hate my self for avoiding you. Hindi ko dapat ginawa yun." his deep voice were muffled because of sobbing. Hindi ko akalain na ganito kabigat ang dinadala niyang problema ngayon.

"Ayos na iyon." pag-alo ko "Ang mahalaga... " hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi niya "magkasama na ulit tayo."

"Y-yeah." mahina siyang natawa at hinalikan ang palad ko. Hindi mapigil ang pagngiti ko.

"Glence."

"Hmm?" nag-angat siya ng tingin sa akin. I took a quick kiss on his cheek.

"I love you." bulong ko. Nakita ko naman ang pagngiti niya at pamumula ng kanyang tainga.

"You don't know how happy I am that we're finally official." binaba niya ang kamay naming dalawa at pinagsiklop ito.

"I cannot wait to tell my family about this." ang saad ni Glence. Napatitig ako ng matagal sa kanya. Hindi alam ang magiging reaksyon.

"Ayos lang ba?"

"H-ha? Oo naman." napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring ngumiti. Humigpit ang pagkakahawak niya sa‘kin at ramdam ko ang init ng palad niya.

"Then can we have a dinner with them? I'll tell Lola." tanong niya. Hindi pa nga nagpoproseso sa‘kin ang una niyang sinabi ay ito na naman at may panibago.

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon