Chapter 09

26 1 0
                                    


Chapter 09

"Hindi pa rin nagpaparamdam?"

Inangat ko ang tingin kay Tori at napabuntong-hininga. It's been weeks pero hindi pa rin ako sinasagot o nirereplyan ni Glence. Kinausap ba talaga siya ng lalaking iyon?

"Ewan ko Tori, mukhang kinalimutan na nga talaga ako." ani ko habang nakatitig sa number niya sa phone ko. Ganun ba talaga kalaki ang tampo niya?

"Susuko ka na?"

"Hindi ko alam."

"Si Phriam?"

"'Wag mo nang babanggitin ang pangalan ng lalaking iyon, lalo lang umiinit ang ulo ko." napairap ako. Nagdududa na tuloy akong kinausap niya si Glence. Mukhang pati siya ay nag-e-enjoy na hindi kami okay eh.

"Bakit anong nangyari?" umupo sa tabi ko si Tori. Napabuntong-hininga naman ako bago nagkwento.

"We made a deal. Kakausapin niya si Glence kapalit ng pagpayag ko na pwede siyang makalapit kay Reycon." salaysay ko.

"Oh tapos?"

"Ewan ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni Glence, hindi pa rin nagrereply." malungkot kong ani.

"Baka need niya lang talaga ng time." sabi ni Tori na nagpataas ng kilay ko.

"It's been weeks, Tori."

"At bakit ka nagagalit kay Phriam?" usisa pa niya. May rason ba para hindi ako magalit sa lalaking iyon?

"Nagdududa talaga akong kinausap niya si Glence eh." sabi ko. Totoo naman talaga. Duda ako sa ginawa ng lalaking iyon. Hindi mapagkakatiwalaan eh.

"Paano mo nasabi?" tanong pa niya.

"Parang ayaw din niyang magkaayos kaming dalawa." sabi ko. Ayusin lang niyang hindi tumupad sa pinagkasunduan namin, hinding-hindi na talaga niya makikita pa si Reycon.

"Bakit siya aayaw? Eh di ba may kondisyon naman?" pag-interoga ni Tori sa'kin. Mukha na kaming nasa talk show dahil sa posisyon namin ngayon.

"'Yon na nga, sana nga kinausap na niya si Glence." iritang sabi ko. Napatango naman siya. Ilang segundo bago siya nagsalita ulit.

"Ready ka na ba talaga?" kalmadong tanong ni Tori. Napatingin naman ako sa kaniya at biglang bumalik sa isipan ko ang biglaan kong pagdedesisyon tungkol sa pagkikita nilang mag-ama.

"Ewan ko, masyado ba akong nagpapadalos-dalos?" takang tanong ko. Hindi pa man umaabot sa punto na malalaman ni Reycon na si Phriam ang tatay niya ay kinakabahan na ako.

"Hindi naman. Valid naman yung galit na naramdaman mo noon." saad ni Tori. Napangiti naman ako.

"But you can't change the fact that this time will come." seryosong ani ni Tori. "Kung sa tingin mo hindi deserve ni Phriam ng second chance, kahit sa anak mo na lang." suhestiyon pa niya. Napaiwas naman ako ng tingin at napag isip-isip.

Is this even worth it? Nagdadalawang-isip na ako.

Maya-maya pa'y hinawakan ni Tori ang aking kamay at marahan itong pinisil "Reycon needs to understand."

Nang gabing iyon, napagdesisyunan kong magtanong kay Phriam. Baka ito na din ang pagkakataon na pwede kong baguhin ang desisyon ko noong huli naming pagkikita.

Gene:

Kamusta?

Phriam:

I already talked to him. Kinausap ka na ba?

Gene:

Hindi pa.

Gene:

Kinausap mo ba talaga?

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon