Chapter 11

3 1 0
                                    


Chapter 11

"Nasaan ka?"

Iyon agad ang bungad ko kay Tori nang sagutin niya ang tawag. Rinig ko naman ang malakas na tugtog ng upbeat music mula sa kabilang linya at ang unti-unti niyang paglayo mula rito.

"Hi Gene, nandyan na ba si Reycon?"

"Where the hell are you Tori?" galit ang tono ko.

"Kalma ka nga, nasa party ako ng kaibigan ko. Alam mo naman na malapit na graduation namin... " paliwanag niya. Napasapo na lang ako sa noo ko dahil mukhang wala na akong magagawa pa.

"Uuwi ka ba?" tanong ko.

"Hindi, may sleepover din kami. Dyan na kayo ni Reycon, nandyan naman si Kuya Phriam." ang sagot niya.

Napataas naman ang kilay ko. K

uya?

"Hindi ka dapat pumayag na kunin si Reycon." dismayado kong saad.

"Ano? Para wala ako dito? Ayos ka din e 'no?" natawa siya.

"It's awkward." bulong ko.

"Kunwari ka pa, ayaw mo nun, isang pamilya kayo ngayon?" pang-aasapar pa niya. Nagsalubong ang kilay ko.

"Not funny."

"Arte mo. Teka, tinatawag na ako ng friends ko, bye na! Love you."

Napatitig na lang ako sa cellphone nang pinatay na niya ang tawag. Napabuntong-hininga na lang din nang  mapagtantong hindi ko na mapipigilan pa ang tadhana sa mga oras na ito. Gustohin ko mang umuwi kasama ang anak ko ay alam kong magagalit na naman si Phriam. Maayos na kami at may kasunduan din.

At isa pa, inaasahan akong makita ni Glence bukas. Ibinilin pa niya ako sa kapatid niya. Ngayon iniisip ko, anong mangyayari? This is so awkward. Isang gabi kaming magkakasama sa iisang bubong ng lalaking ama ng anak ko. Still, that doesn't make us a family.

"Hey."

Napaigtad ako sa kinatatayuan ko dito sa balcony nang magsalita si Phriam mula sa likod. Napapikit ako sa inis ngunit nanatili pa din akong kalmado nang lingunin ko siya at ngumiti.

"Hmm?"

"Are you okay?" tanong niya. He squint his eyes on me. Napairap na lang ako. Naiirita ako sa kanya. If I know, acting-actingan niya lang ang lahat ng pag-aalala niya para maging okay kami at mas mapalapit siya sa anak ko.

"Ano naman?" pagtataray ko pa at nilampasan siya. Pumasok ako sa living room at naabutan ang anak kong nanonood pa din ng anime na pinili ni Phriam kanina.

"Reycon, it's late, you have to sleep." istorbo ko dito.

"Let him." si Phriam na kakapasok lang din at umupo sa couch, doon ko lang napansin ang hawak niya.

"Mommy, wala akong pasok bukas." reklamo ni Reycon at hindi tinatanggal ang tingin sa TV.

"Kahit na, masamang nagpupuyat."

"Ice cream?" alok ni Phriam sa hawak niya at handa na sanang subuan si Reycon.

"Gabi na, nag tooth brush na din siya." pagsaway ko. Nakita ko naman ang pagbusangot ng anak ko.

"Don't be such a killjoy." Phriam glared at me.

Aba, porke't may laya ka nang lapitan at makasama ang anak ko'y gagawin mo ang kahit anong gusto mo! Hindi ganun Phriam!

"At wag ka ding pakelamero." galit kong sabi dito. He just smirked like watching me get mad was a fun thing to watch.

"Tara na." kinuha ko ang kamay ni Reycon at pinatayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon