Chapter 02

41 2 0
                                    

Chapter 02

"Tapos anong nangyari?"

Nilalagay ko sa loob ng bag ni Reycon ang kaniyang mga gamit habang nakikipagkuwentuhan kay Tori. Abala naman ito sa paglalagay ng tubig sa tumbler niya.

"Wala na." simple kong sagot at tumungo sa mesa kung saan nandoon ang lunchbox nilang dalawa. Sinimulan ko na itong ayusin at sumunod naman si Tori sa akin.

"Ano kayang ibig sabihin nun? Dalawang beses na kayo nagkikita." takang tanong niya.

"Syempre, maliit lang naman ang mundo kaya hindi nakakagulat na makita siya kahit saan." pagpapaliwananag ko naman.

Sinikop ni Tori ang buhok niya at sinimulang ipitin. Tinawag ko naman na si Reycon at pinuntahan upang suklayan ang buhok nito. Nakasuot na ito ng uniform niya at nakasapatos. Handa nang pumasok.

"Pero iba kasi eh, parang pinagtatagpo ulit kayo, parang... destiny." Pumalakpak pa ito sa tuwa. Natawa na lang din ako at inirapan ito.

"Hindi ko alam na ganoon pala kapogi at kagaling kumanta 'yong ex mo." dahil sa sinabi niya ay tiningnan ko siya ng masama.

"Bakit? Hindi ko naman bet 'yon." natatawa niyang saad.

"Hindi ko siya ex." pagtanggi ko. Hindi naman talaga. I can't remember any emotional attachment with him before.

"Ex-Daddy." patuloy na pang-aasar ni Tori.

"Daddy?" takang tanong ni Reycon. Agad ko namang sinuway si Tori dahil kung ano anong naririnig ng anak ko.

"Ssshh." Tinapunan ko siya ng unan at natatawa naman nitong sinalo.

"Tori, kung may type ka man sa isang lalaki, siguraduhin mong hindi katulad ng lalaking 'yon. Bubuntisin ka, iiwan, at kakalimutan." pagpapaalala ko sa kaniya nang nasa kotse ko na kami. Ihahatid ko silang dalawa sa eskwelahan nila at didiretso naman ako sa trabaho.

"Pero mukhang hindi ka naman niya kinalimutan. Sa susunod na magkita kayo, humanap ka ng tyempo para makausap siya." suhestiyon niya at sumakay sa loob. Napaisip naman ako.

Hindi pa ata ako handa. Abot kamay ko na ulit siyang natitingnan ngayon. Kung susubukan ko ulit, baka matulad lang sa dati, o baka mas lumala pa. At paano kung malaman niya? Kukunin niya si Reycon sa akin? Siguradong madali lang nila iyon magagawa, dahil may pera sila.

"I don't know. DNA?" sagot ni Tori habang nagtatanong ako sa kaniya habang nagmamaneho. Nasa passenger seat siya at nasa likod naman si Reycon na naglalaro sa tablet niya.

"Pero hitsura pa lang naman, masasabi mo nang kaninong anak 'yan eh." sinulyapan ni Tori ang anak ko at ganun din ako sa rearview mirror. Magkahawig nga sila. They resemble each other. Mula sa mata, tangos ng ilong, at kahit labi. Para siyang ang batang Phriam. Hindi nga maipagkakaila kung sinong ama ng anak ko.

Nagpatuloy lang kami sa kuwentuhan hanggang sa bumaba na ang anak ko. We waved him goodbye at tinanaw itong pumasok sa loob ng paaralan. Binilinan ko naman siyang i-update ako dahil binigyan ko siya ng phone na pwede niyang magamit para makatawag.

Nang makarating sa university ni Tori ay nagpaalam na din ito at sinabing hindi ko na siya susunduin mamaya dahil may lakad sila ng mga kaibigan niya. Binilinan ko naman siya na mag-ingat at tumawag sa'kin kapag may kailangan.

At ako naman ay dumiretso na sa trabaho ko. Ipinarada ko ang kotse sa parking lot at dumiretso ng comfort room para ayusin ang sarili. I checked my outfit in the mirror. Nag-apply lang ako ng lipstick bago lumabas.

"Goodmorning Ma'am." binati ako ng mga workers at ganun din ang ginawa ko sa kanila. Magaan ang loob kong magtrabaho dahil hindi kagaya sa mga dating working environment na napuntahan ko, mas welcoming at maayos ang pagtrato dito.

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon