Chapter 03

30 1 0
                                    


Chapter 03

TW: Sexual Harassment, Trauma.

Hindi ko inakalang ganoon kaliit ang mundo para sa aming dalawa.

"Hayop na pamilyang 'yan, iniisip nilang nag-iimbento lang ang anak ko ng kuwento para perahan ang anak nila! Sa kanila na 'yang perang 'yan!"

I was sitting at the corner of my room. Madilim at mabigat sa pakiramdam. I slowly hugged my knees and covered my ears so that I won't hear what my parents are talking outside. I started sobbing while thinking of what I have just heard.

Nag-iimbento. Gumagawa ng kuwento. Ganoon ba talaga kababa ang tingin nila sa'kin?

Inaamin ko, I was careless for having sexual intercourse with a man I just met. We didn't even use protection. How foolish of me to think that he's nice enough to take full responsibility of the outcome of what we did. Mayaman nga sila at hanggang doon na lang 'yon.

Hindi ko man lang inalam kung anong apelyido nila, they're not even worth of my time to be bothered. After what happened, I started to live my life differently. Hindi ako nakapagpatuloy sa college. I was moved for my relatives house to save embarassments from my parent's neighbours. Pero hindi iyon nakaligtas dahil kahit sa social media, patuloy pa rin akong pinagkakaguluhan.

I deactivated all of my social media accounts. Lahat ng usapan tungkol sa lalaking iyon ay iniwasan ko. Simula din sa araw na iyon, lahat ng kamalasan na dumating sa buhay ko, sa kaniya ko isinisisi . Wala na din akong narinig tungkol sa kaniya. Ni hindi ko man lang nagawang makilala ang pamilya niya at wala na akong interes pa.

Pinangako ko sa sarili kong balang araw, babalik ako at babawi sa lahat ng pang-aargabyadong nagawa nila. Malayo pa man pero sisiguraduhin kong dadating ang araw na 'yon.

But as my son was growing, I realized that it's okay to live with peace. Tuloyan ko siyang nakalimutan to the point that I couldn't barely remember his face. Kahit naging magkamukha sila ng anak ko, parang tuloyan kong nakalimutan ang existence ng lalaking iyon sa aking isipan.

I graduated in college and quickly get my first job after a year. I can afford our expenses now without depending from anyone. Nagkaayos na din kami ng mga magulang ko. Nairaos ko ang sarili ko mula sa pagkakalugmok. I was proud to see my self improving for the last five years.

Truth is, I was traumatized to open any social platform aside from my email where I used to have connection with work related stuffs. Ang facebook ko ay nakadeactivate pa din hanggang ngayon. Sa tuwing naiisip kong buksan muli ito, my anxiety suddenly attacks.

Dumaan pa ang ilang buwan at sinubukan kong magpa therapy. Doon ko napatunayang hindi ko pa tuloyang nahahanap ang magaan na bahagi ng puso ko. Sa mga oras na nagmemental breakdown ako ay pilit kong ikinukubli ang katotohanang naaapektuhan pa din ako sa mga paninisi at mga sinasabi nila kahit matagal na panahon na ang nakalipas.

Malandi. Sinungaling. Desperada.

Parte ng mga taong unti-unti kong kinikilala ng ganap ang sarili ko bilang isang babae, hindi ko inakalang gano'n pala kabigat ang pinagdadaanan ng mga katulad ko.

Victim-blaming. Cat-calling. Objectifying.

Nagpalipat-lipat ako ng trabaho dahil sa iisang rason, hindi ako komportable sa mga lalaking katrabaho ko. May mali sa pagtingin nila. Sinasabi ng iba na lahat ng 'yon ay nasa isip ko lang daw at talagang mahirap lang akong pakisamahan.

"Hindi, nagpapaganda ka eh para mapromote ka ni boss." akusa ng isa sa mga katrabaho ko. Pinatulan ko siya. Nasisante na naman ako.

Nangyari ulit. Tinanggap ko iyon. Sa tuwing naiipit ako sa mga sitwasyong hindi ko kontrolado ang saradong isipan ng mga tao, hindi ko na sinusubukan pang magpaliwanag. Para saan pa? Kung alam ko lang ang patutunguhan ng isang bagay, hindi ko na ito patatagalin.

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon