Chapter 01

41 2 0
                                    


Chapter 01

Warning: Mature

"Sumama ka na. Isang gabi lang naman."

Patuloy akong kinukulit ng mga kaibigan ko na sumama sa after party mamayang gabi. Graduation namin ngayon bilang Senior High School students. Sa huli, napapayag pa din nila akong sumama dahil ipinagpaalam nila ako sa magulang ko.

Hindi naman ako iyong tipo ng tao na mahilig sa gimik. Kung graduation ball pa ito ay papatulan ko pero kung isa lang naman itong party at puro alcohol ay mas gugustuhin ko na lang na nasa bahay. Pero wala na akong nagawa habang sinusuot ang pinaka revealing na damit na meron ako. Hapit na hapit ito sa akin.

"Kung wala ka dito, boring dahil wala ang ating class valedictorian." saad ng isa kong kaklase at naghiyawan naman silang lahat. Ngumiti naman ako at sumimsim sa cocktail juice.

Umiinom din naman ako. Nauna akong nasanay noong debut ko kaya hindi na din sa akin bago ang lasa ng mga alcohol na iniinom ko ngayon. Hindi lang ako magpapasobra at ina-update ko naman ang mga magulang ko maya't-maya. Sumabay na din ako sa pagsayaw at nakihalo sa iba pang mga tao.

Madami akong nakilala at masaya kausap ang ilan sa kanila. May ibang mga lalaki naman na malagkit kung makatingin kaya iwas na iwas ako. May ilang sumusubok na makipagkilala pa pero agad kong pinaparating sa kanila na hindi ako interesado.

Nakaupo kami ngayon sa couch kasama ang iba pang mga girls nang may dumating na group ng boys at nagpakilala. Isa-isa ding pumunta ang mga ito sa iba pang girls at nagsimula nang makipagusap.

"Phriam..." nilahad ng isang lalaki ang kamay niya sa harap ko. Agad ko naman itong tinanggap.

"Genesis." nakangiti kong pagpapakilala. Umupo naman ito sa tabi ko. Sa una ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa magsalita siya.

"So, I heard you're the class valedictorian?" he asked which I politely responded into a nod. May mga sumunod pa siyang tanong ngunit sa palakas na palakas na sound ay hindi ko na masyadong narinig kaya napagdesisyunan naming lumabas.

"And then, he fell into the floor and I was laughing my heart out when the paint was all over his face!" he was laughing so hard while telling me a funny story of his friend. Hindi ko inakalang ganito pala siya kababaw at masayahing tao.

We decided to walk on the streets habang nagki-kwentuhan. It's 10 PM at 11 PM ay magpapasundo na ako para umuwi. May nadaanan kaming convenience store kaya tumigil kami saglit at pumasok.

"I just want to live the life I want and what my parent's wants for me." ani ko habang hinihipan ang noodles sa harap ko. He bought us two cup noodles dahil nakakatulong daw ito to make us sober.

"Pareho pala tayo. Nakakulong sa pangarap ng mga magulang natin." he said while casually eating.

"Ano bang gusto ng magulang mo para sa'yo?" I asked him. Hindi ko naman akalain na may ganito din pala siyang problema.

"Gusto nilang magtrabaho ako sa company ng family namin." malungkot niyang saad at nagbaba ng tingin "I want to follow my passion."

"And that is to sing?"

"How did you know?" nagliwanag ang mukha niya. He squint his eyes on me.

"I can tell." I shrugged my shoulders and laugh.

"You're stalking me, don't you?" tumaas ang kilay niya kasabay ng pagngisi. Nang-aasar.

Truth is, I know him even before. Matagal ko na siyang napapansin pero hindi naman pumasok sa isip ko na magkakaroon kami ng ganitong kahabang interaksyon at pag-uusap.

Strange DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon