Chapter 05TW: Sexual Harassment.
"Liligawan daw niya ako."
Agad napatigil sa pagguhit si Tori at unti-unting bumaling sa'kin, magkasulobong ang kilay. Mukhang naistorbo ko pa siya sa paggawa niya ng plates, umayos naman ako ng upo at naghanda sa sasabihin.
"Hindi ko alam, bigla na lang ganoon kabilis." pumikit ako at mahinang hinampas ang ulo.
"Kay Philip Glence Saveedra?" tanong niya na parang gulat na gulat "Sa isang Saveedra?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango-tango. I bit my lower lip because I don't know what to feel. Oo, Glence asked if he could court me at wala sa sariling pumayag ako. Hindi ko na din napigilan ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Nahulog ka na din sa kaniya?" sarkastisko siyang natawa. Disappointment was evident in her voice. I nod again, slowly, in shame.
Kahit ako madidisappoint sa sarili ko, hindi ko lubos maisip na aabot ako sa puntong ito, na mahulog ang loob sa lalaking kaapelyido ng pamilyang muntikang sumira sa akin. Kapatid pa siya ni Phriam. Hindi ko na alam ang gagawin, palagi ko na lang hinahayaan na pangunahan ako ng nararamdaman.
"Wow Gene. Just wow." napailing si Tori "I thought you hate them?" tanong niya.
"Ang pamilya niya, oo. Pero iba siya Tori, iba siya. Iba siya sa kanila." pagtatanggol ko sa kaniya.
Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya, ni isang beses ay hindi nagpakita si Glence ng mga bagay na hindi mo ikakahulog ng loob sa isang tao. Caring. Gentleman. May mabuti siyang puso at may pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Kung paano siya mag-alala sa mga empleyado niya. Kung pa'no niya iniisip ang ibang tao bago ang sarili. At kung paano niya pinaparamdam na mahalaga ako.
"He's nice, at hindi mababago ng apelyido niya ang pagtingin ko sa kaniya." pagpapatuloy ko. Napahilot naman sa sentido niya si Tori.
"You don't know what you're doing Gene." she warned me.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Ikaw na mismo ang naglalapit sa sarili mo sa kapahamakan. Alam mong maraming kaakibat kapag pinagpatuloy mo ito." seryosong ani niya. "You don't want another heartbreak, don't you?"
I bit my lower lip and looked down, I feel the side of my eyes getting blurry. Nagbabadya ang mga luha dahil nasasaktan sa katotohanang pinaglalaruan na naman ako ng pagkakataon. I just want to be love again, but why does it have to be this hard?
Mali ba na nararamdaman ko ito? Bakit kailangang siya pa? Bakit ang liit ng mundo para sa akin? Bakit pinaglalaruan na naman ako ng tadhana? Bakit... bakit?
Natulog ako nang gabing iyon na iniisip na naman ang mga sinabi ni Tori. May punto siya. Palagi siyang tama kaya alam kong maaasahan ko siya tungkol sa mga opinyon. Pero mapapatawad kaya niya ako kung susuwayin ko siya sa pagkakataong ito?
Kinabukasan, maaga akong nagising para ihatid silang dalawa ni Reycon sa school. Pagkauwi ay naglinis ako ng bahay bago mag asikaso at binuksan ang laptop para magtrabaho. I now have a work online. Work from home. Maayos naman ang kita at masasabi kong convenient siya dahil nababantayan ko ang bahay at natutustusan din ang mga essentials.
Glence:
I'm excited to see you, beautiful. Are you ready?
Tanghali na nang matapos akong maligo at mag-ayos, sinipat ko naman ang cellphone ko at nagtipa ng i-re-reply kay Glence.
Gene:
I'm excited to see you too. Mag-aayos na lang.
Glence:
BINABASA MO ANG
Strange Destiny
RomanceGenesis Rose Venturez, a single mother and a secretary who jump from one company to another, find herself working with the business owned by the Saveedras, a surname she later confirmed owned by the family she despise for a long time. What falls nex...