Chapter 08"I'm sorry Gene... "
Hindi ko lubos na maisip na makikita ko pang muli ang lalaking muntik nang sumira sa buhay ko. Ni hindi ko inakalang aabot sa puntong papapasukin ko siya sa loob ng condo ko. While sitting comfortably on the couch, I was glaring at him from the kitchen.
"Nabigla ka ba?" hinawakan ni Glence ang balikat ko. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Okay lang." tipid kong sagot.
"Wala kasi si Kuya Mando at nakita niya si Phriam malapit sa school, and my brother insisted." pagpapaliwanag niya.
Sinasabi ko na nga ba. Umaaligid siya malapit sa anak ko. Ang lakas talaga ng loob.
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa direksyon ni Phriam na nasa sala. Hawak-hawak nito ngayon ang gitara at mukhang pupunta na naman sa isang bar o isang beerhouse. Mahina siyang nagpapatugtog nito habang hindi alintana na nakatingin kami ni Glence sa kanya mula sa likod.
"Alam kong galit ka pa rin sa nangyar–"
"Hindi. Ayos lang talaga." pagsisinungaling ko.
"Are you sure?" he held my cheeks.
"Mm." I nodded.
Ang totoo niyan. Hindi naman talaga ayos sa‘kin ‘to Pero ano pa bang pwede kong ipalusot? Aalis din naman ‘yan siya mamaya panigurado. Pinapasok ko naman kanina pa si Reycon sa kuwarto kaya panatag akong hindi na niya ito makikita pa.
Inaya ako ni Glence na lumapit kay Phriam upang kausapin ito. Napalunok naman ako at nagpatianod na lang. Anong sasabihin ko sa kanya? Nanatili na lang ang walang emosyon kong mukha at umupo na din sa tabi ni Glence.
"Phriam." tawag niya sa kapatid "Ano nga pa lang ginagawa mo malapit sa school?"
"Napadaan lang." ngumiti ito.
Nagsalubong ang kilay ko. Napadaan lang? Talaga lang ha? Ang sabihin mo gusto mo lang makalapit sa anak ko. As long as I'm here, I will stop it from happening before you could brainwash my son into thinking that you have every right to be his parent than I can. Sa lahat ng ginawa mo, iniisip mo pa talagang may lugar ka sa buhay niya.
"Weird." kumunot ang noo ni Glence at natawa. "Do you remember Gene?"
"Of course." sumulyap siya sa‘kin at napansin ang galit kong ekspresyon.
Agad naman akong nagulat nang senyasan ito ng kapatid at unti-unting lumapit sa akin. Biglang lumuhod sa harapan ko si Phriam at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Anong... " anong ginagawa niya?!
"Look, Genesis Rose Venturez, I sincerely apologiz–"
"Hindi. Hindi na kailangan." agad ko siyang pinatayo, hindi ko maatim na ganito siya kalapit sa‘kin "Okay na. Napatawad na kita."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Glence. Pinaypayan ko ang sarili dahil bigla akong pinagpawisan. Tumayo naman si Phriam at napalingon sa kapatid nang magsalita ito.
"How about on Reycon?"
"Luluhod din ba ako Kuya?" takang-tanong ni Phriam kay Glence. Tanga ba ‘to?
Akala niya siguro sa simpleng pagluhod lang ay mawawala na lahat ng kasalanan niya? Nagkakamali siya.
"Sira." natawa si Glence at tumikhim "Nakausap mo na ba siya?"
Tumingin muna si Phriam sa‘kin bago nito napagdesisyunang tumayo na naman. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero laking gulat ko nang papunta siya sa direksyon sa kwarto ng anak. Agad ko siyang pinigilan.
BINABASA MO ANG
Strange Destiny
RomanceGenesis Rose Venturez, a single mother and a secretary who jump from one company to another, find herself working with the business owned by the Saveedras, a surname she later confirmed owned by the family she despise for a long time. What falls nex...