F O U R T E E N
Nakasunod lang ako kay Miss Sanchez sa likod niya at hindi ko siya iniimik, hindi ko din alam bat wala akong plano kausapin siya o harutin man lang siya.
Hindi katulad ng mga ginagawa ko naman sa kanya ng mga nakaraang linggo, dahil rin siguro siya ang tinutukoy ni kuya Aki na ang babaeng inaantay niya o dahil may nobya na pala siya.
Oo, aaminin ko. Delulu akong tao pero hindi ko magagawa maging kabit at makasira ng relasyon ng iba para lang masabi ko na nakuha ko na ang lahat ng gusto ko.
Masyado akong maganda para sa ganong bagay.
Kaya kahit hindi pa sobrang masakit titiisin ko, kasi ito ang pinili ko.
Naging masaya din naman ako sa pagiging delulu ko sa kanya nung mga nakaraang linggo. Kahit na para akong kinakagat ni Godzilla sa sakit na pinaparamdam ng propesorang nasa harapan ko.
Habang may kausap si Miss Sanchez ay nag hahanap naman ako ng pwede kong maupuan at sakto merong bakante sa pang walo na hilera at malapit pa ito sa bintana.
"Hi, may I sit here? If it's okay with y–" Hindi ko na, na tapos ang sasabihin ko ng may biglang humila sa hoody ng jacket ko.
"What the hell are you doing?" Inis na tanong ni Miss Sanchez sa akin at salubong ang kilay niyang naka tingin sa akin.
"I was about to sit down, Miss, why? Do you want to sit here?" Tanong ko sa kanya at pa linga-linga ng pwesto na pwede kong ma-upuan at para makatulog na ako.
Hindi ko na pinansin ang masasama niyang tingin sa akin, masyadong mahalaga ang pag tulog ko ngayon. Kaysa sa masasama niyang tingin sa akin.
"Tsk. Sit here next to me. I've been asking you if you want the seat by the window since earlier." Inis na saad niya sa akin at pinipisil ang tungkil ng ilong niya, sign na naiinis na naman siya.
"Bat parang kasalanan ko?" Paniningkit na matang tanong ko sa kanya, pero syempre naka salamin ako kaya hindi niya ito makikita, pero masamang tingin ang tinatapon niya sa akin.
"Dapat kasi kinalabit mo ako. Kitang lutang ang tao kasi walang maayos na tulog at wala pang kain." Inis kong saad sa kanya at umupo na malapit sa bintana. Hindi ko na siya pinansin at sinuot na ang earpads ko at nag hoody ng jacket ko.
Naramdaman ko naman na umupo na siya sa tabi ko dahil sa pabango niya na na aamoy ko. Hayss.. na babaliw na naman ang buong pag sistema ko at alam kong mali ito dahil unang-una may nobya siya.
Bigla naman kumirot puso ko kaya napa hawak agad ako dito, sakit talaga! Kahit wala namang label huhu.
Itutulog ko na lang itong sakit.
Onti-onti ko na lang nakita ang sarili ko na nagiging komportable na ako sa pwesto ko kaya naman nag padala na ako sa antok.
Nagising na lang ako dahil may kumakalabit sa akin, kaya naman naka kunot ang aking noo ko na bamaling sa katabi ko.
"What now, Miss?" Tanong ko dito, hindi ko naman sinasadya na ang tono ng boses ko ay parang nag susungit.
Please lang, na gising kasi ako sa masarap kong tulog kaya pag bigyan niyo na.
"Let's stop over for breakfast. Come on, they're already outside." Saad niya sa akin, hindi ko na lang pinansin ang malambing niyang boses.
Tumingin na lang ako sa bawat gilid ng bus para tingnan kung naka na ba ang iba, at tama nga siya lahat sila ay nasa laba na at kami na lang dalawa ang nandito sa bus.
![](https://img.wattpad.com/cover/368701908-288-k391825.jpg)
YOU ARE READING
Addicted Love (EDITING & REVISING)
RomanceAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...