Chapter Twenty-Six

853 44 17
                                        

FTMBD

Napatulala ako sa seryoso nitong mukha. This man is so freaking handsome! Para tuloy biglang nag-slow motion ang lahat sa paligid ko dahil nakakita ako ng gwapo.

Alam niyo 'yung kahit wala ka namang gusto sa isang tao, pero dahil sa hitsura nila, napapalingon ka talaga at parang bumabagal ang oras? 'Yung tipong sa isang iglap, biglang may background music na lang na tumutugtog sa utak mo kahit wala namang speaker.

Kumurap ako, seryoso pa rin ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa akin pabalik. Ang totoo tumigil ang paghinga ko 'di dahil gwapo siya kundi dahil nakakatakot ang aura-han ng lolo niyo! Kung makatingin parang jina-judge niya ang buo kong pagkatao!

Do we even know each other? How dare he look at me like that? Baka gusto niyang tusukin ko ang mga mata niya. Tsk.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay bago umiwas ng tingin. Aba, walang Alora na nagpapakabog! Kaso ayaw ko namang makipagtitigan ng matagal sa kaniya, baka biglang maglaho ang inis ko dahil sa mukha niya.

Napili ko na lamang na ngitian ang kalbong presidente na malawak ang ngiti ngayon sa akin. Kanina pa yata niya hinihintay na pansinin ko siya.

Basi sa obserbasyon ko, mukhang nasa edad 50 above na ang lalaking ito. Guwapo naman. Mas guwapo nga lang talaga ang tatay ni Cosette. Mas lamang din ng buhok.

Napaubo ako sa naisip tsaka pinagalitan ang sarili. Siguradong maraming magagalit sa akin kapag may makabasa man sa iniisip ko ngayon, lalo na ang daddy ko sa Earth dahil isa din iyong kalbo.

He motioned for me to sit down na kaagad ko namang sinunod dahil nakakangalay ang pagtayo. Why should I stand if there's a chair, right? Tsaka he invited me to sit down, kaya naman hindi na ako mag-iinarte pa.

He began our conversation by congratulating and welcoming me. I just smiled while nodding. Hindi na ako nagsalita kasi wala naman talaga akong sasabihin.

Nakakatuwa nga na hindi ako nito tinanong kung bakit nandito ako instead na nasa orientation. Basta nalang niya akong tinanggap at kinausap, even though it was clear that they were in the middle of a very important discussion. Parang nag-aaway pa nga yata dahil sa mga papel na nakakalat sa sahig.

Alam na siguro nito na isa sa dahilan kung bakit ako ngayon nandito is for formality and to get a map. Baka mawala ako sa lawak ng university na 'to kung wala iyon.

Nang matapos kami sa pag-uusap ay kaagad na akong nagpaalam na lalabas. I felt suffocated by the way the man the President was talking to earlier glared at the back of my head.

Iyong totoo, anong problema ng lalaking 'to sa akin?!

Tumayo ako tsaka nakipagkamay kay President. Ngumiti ito sa akin tsaka tumingin sa lalaking nasa likuran ko bago binalik ang tingin sa akin. Natahimik ito saglit, parang may malalim na iniisip bago lumawak ang kaniyang ngiti na nagpakaba ng husto sa akin.

Anong nginingiti-ngiti niya?

"I think the map won't help you familiarize the whole campus, Miss Cromwell. So, I will let Zacharias escort and tour you today."

Bumagsak ang ngiti ko nang may marinig na apelyidong ayaw tanggapin ng pandinig ko. Pakiramdam ko biglang nanginig ang aking nervous system dahil sa sinabi ng Presidente.

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish DaughterStories to obsess over. Discover now