FTMBD
Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang mga kahihiyan at katangahan ko sa Ruby Real Hotel.
Nagdesisyon akong magkulong dito sa regencia ng isang linggo para kahit papaano ay makalimutan ng mga animal na may Cosette palang humihinga sa mundong 'to.
Sa bawat araw ng pag-iisa ko, hindi ko maiwasang isipin ang mga nagawa kong kahihiyan sa harapan ng mga major death flags!
Ang dami kong katangahan na ginawa, mga desisyon na hindi ko na dapat ginawa. Wala nga talagang pagsisisi na nauuna, palaging nasa huli.
Sobrang lakas pa ng loob kong sabihin kay Aino na "Bring it on," pero heto ako ngayon sa kuwarto ko't nagkukulong.
"Jusko ka, Alora! Akala ko ba lalayo ka sa mga animal na posibleng papatay sa'yo sa future? Why are you provoking and involving yourself to them now?! Ugh?"
Pakiramdam ko tuloy, parang dinadala ko lang ang sarili ko sa kapahamakan. One of these days talaga, pupunta akong simbahan para magtirik ng kandila. Hihingi lang ako ng guidance and protection. Huhu, I really need it now.
Naaalala ko na naman tuloy ang nangyari noong huling araw sa hotel...
"I already ordered for us. It will be served soon, so don't worry."
Mabagal kong nilingon ang taong nagsalita, kumurap-kurap nang tuluyan itong makilala. Anong ginagawa ng unggoy na Aino na ito dito?
"You'll be joining us?" tanong ko, hindi tinatago ang disgusto ko sa ideya na makikisalo siya ng mesa sa aming dalawa ni Miles.
"Yes. Got a problem with that?" At talagang tinaasan pa ako ng isang kilay ng ulaga!
What the fuck.
Kumunot ang noo't nanliit ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang pag-upo nito sa tabi ni Miles na halatang tensyunado.
Siguro kasi alam niyang hindi kami magkasundo ng lalaking ito at kung may gagawin man ito ngayong hindi ko magugustuhan, isasabit ko talaga ito patiwarik.
"Here are your orders, ma'am and sirs."
Naalis lamang ang titig ko kay Aino nang marinig ko ang boses ng waitress na nag-serve sa amin ng pastries kasama na ang mga kape namin.
Aino had only ordered a dark roast coffee for himself. Meanwhile, he got a cappuccino and a latte for me and Miles, paired with a slice of dark chocolate cake.
Anong nakain nito ngayon?
My eyes narrowed even more when I noticed him staring at the chocolate cake in front of me.
Dahan-dahan akong umatras para sumandal sa upuan at pinag-cross ang aking mga braso. Nasa mukha niya pa rin ang buong atensyon ko.
What is he up to now?
YOU ARE READING
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
General FictionAlora is a renowned firefighter. She has extinguished many fires and saved numerous lives, but she has also witnessed and experienced heartbreaking moments, even though she tries to remain tough. However, she met her demise due to a bomb explosion...
