FTMBD
Alora/ Cosette POV
I bit the inside of my left cheek nang makaramdam ako ng pangangalay. Bakit naman kasi ang tagal nilang hanapin ang batang 'to? Sa daming securities dito, imposibleng wala silang alam na may nag-report na may nawawalang bata.
Kanina pa ako naghihintay dito kung may nanay bang umiiyak at naghahanap ng anak para maibigay ko na ang bata. Pero heto, isang oras at kalahati na ako dito habang akap ang bata pero wala parin.
Bumaba ang tingin ko sa bata. Hindi talaga ako mahilig sa bata kahit noon pa man. Naiinis kasi ako dahil halos lahat ng batang nakikilala ko ay spoiled brats, dapat nasusunod ang lahat ng gusto nila. At kapag hindi naman ay bigla nalang sumisigaw and throw tantrums. I hate those kids.
Ever since, I have never become fond of kids. Pero ngayon, all I want to do is make the pain disappear so that this little girl can feel at ease. She's too young to feel any pain, kahit anong sakit pa 'yan.
I wanna protect this innocent little girl, even not knowing her personally. She's just too cute to ignore, you know.
Hinawakan ko ang ulo nito at marahang hinaplos ang buhok niya, while silently humming a lullaby. She comfortably groaned and continued her sleep. Ang soft ng buhok niya, nakakainggit.
Wala sa sariling umangat ang sulok ng aking labi sa isang maliit na ngiti nang mapagmasdan ko ang mahimbing na tulog ng bata.
Ganito siguro ang mga nararamdaman ng mga nanay habang karga ang kanilang mga anak. Kahit pa mangalay sila't lahat, hindi sila nagrereklamo. Just seeing their children sleeping comfortably, already warm their hearts and it makes them at peace as well.
I miss mom. I hope she's okay. Miss ko narin si dad. I hope they're doing fine sa Earth.
"Milady."
Umangat ang tingin ko nang makarinig ako ng seryosong boses. Nakita ko din na may mga sapatos na huminto sa harapan ko. Sinisira nito ang page-emote ko dito. Sino ba ang mga 'to?
Nangunot ang noo ko nang maging malinaw na sa akin ang mga hitsura nila. More than ten men-in-black were now in front of me, looking serious. May suot ang mga ito na earpiece tapos may dalang matataas na baril kaya naisip ko na baka mga bodyguard ito ng isa sa pamilyang dumalo sa event kagabi.
May nagawa ba akong mali? Akala ba nila balak kong kidnapin ang batang 'to? Kahit pa cute 'to, hindi pa ako ready na mag-alaga ng bata hoy! Saka hindi naman ako hayok sa bata ano. Naiinis nga ako sa kanila tapos pagbibintangan nila anong mangunguha ng bata?
Wala namang nangbibintang, Alora. Kumalma ka, self!
Who the hell are these buff men? Bakit kung makatitig naman ng masama ang lalaking nasa unahan ay parang handa na siyang iputok sa akin ang baril na hawak niya kapag may magawa o masabi akong hindi nito magugustuhan? Yah!
"Kalaban! Kalaban! Puksain! Pfft hahahaha!"
"Miss, can you lend the young miss to us? It looks like you take care of her, and we're thankful. But we really need to get her back to her family."
Umangat ang isa kong kilay dahil sa sinabi nito. Young Miss? So tama nga ang hula kong galing sa mayamang pamilya ang batang 'to. Halata naman eh. Hindi lamang sa kutis at pananamit nito, halata din sa suot nitong gold na polceras at kwentas!
Pero ang nakakapagtaka lang, kung bakit hinayaan nilang maglakad mag-isa ang batang 'to tapos may iniinda pang sakit sa tiyan. Sa sobrang dami nila ni wala man lang nakapagbantay ng maayos sa bata.
YOU ARE READING
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
Fiksi UmumAlora is a renowned firefighter. She has extinguished many fires and saved numerous lives, but she has also witnessed and experienced heartbreaking moments, even though she tries to remain tough. However, she met her demise due to a bomb explosion...
