02

462 8 3
                                    

"Lakwatsa na naman, Thalysia?"

I frowned as I faced Thiago, nakaangat ang kilay nito sa akin habang may kape na hawak.

"Why are you everywhere, man? Don't you have somewhere else to go? Wala ka bang girlfriend na susuyuin or what?" naiiritang tanong ko.

He shook his head. "I don't know if it's really a twin thing but we also broke up yesterday."

"Oof. Really?" Humalukipkip ako. "She dumped you? Poor Thiago..." naiiling kong sabi.

He sipped his coffee. "I dumped her." he emphasized. "Siya 'yong kahalikan ng Marco mo."

I blinked. "W-What did you just say?"

"You heard me. Parehas tayong niloko. Now, I don't even know if having you as my twin is a blessing or just pure karma,"

I laughed.

"So, whether you like it or not... I'm going to pester you even more now, I've got nothing to do."

See? I really hate it when boredom hits this asshole. Walang ibang gawin kundi ang bwisitin ako. Since according to him, I'm his favorite sibling.

And yes, we are twins. Just not identical, thankfully.

"I'm going to a party." sabi ko sa kaniya at ipinakita ang necklace ko, senyales na nagpapatulong akong isuot iyon sa leeg ko.

Inilapag niya ang kape sa coffee table. Hinawakan ko ang buhok ko at inilagay sa gilid upang mas makita at maayos niya ang pagsuot ng necklace ko sa leeg.

"Done." he said. Binitiwan ko na rin 'yong buhok ko at nagperfume. He immediately scrunched his nose, basher talaga since day one.

"Can I come?" he suddenly asked.

"No."

"Why?" He pouted like a kid.

"You're not even invited, duh." I rolled my eyes.

"So, what?"

"Ayaw kong sabihan nila akong nagdala ng plus one." sabi ko habang nag-aayos sa sarili.

"Is that even a big deal?" Sumilip siya sa salamin.

"No. I just don't want you to be hovering around me the whole time at the party." diretsang sabi ko sa kaniya. "Tsaka, baka makita mo pa si Marco." dagdag ko.

He chuckled as he started punching the air. "Mas maayos nga 'yon nang maupakan ko—"

Through the mirror, I gazed at him and gave him a death glare. Kaagad siyang napatigil sa ginagawa.

"Ginamit mo pa ako. Galit ka lang naman kasi siya ang pinalit sa'yo ng ex mo." I looked at him.

"Hindi ah." Napakamot siya sa batok. "Ayaw ko lang na niloloko ka ng mga lalaki. They don't deserve you."

"Huwag kana."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Okay, maybe a little. Ang pangit kasi ng pinalit. Nakakainis. 'Yung mas gwapo naman sana sa akin."

Beyond the Fields Where stories live. Discover now