09

348 7 0
                                    

"Baka sumakit lang 'yung tiyan mo dahil sa gutom..."

I nervously laughed it off. But that wasn't really the case. He was feeling those damn dangerous butterflies!

With me?

Hindi naman siguro... o baka gutom lang talaga at mali lang ang pagka-describe niya?

Ganoon kasi 'yon, e. Kapag gutom 'yong isang tao at kakain sila, biglang sasakit 'yung tiyan.

Oo, baka gano'n nga 'yong sa kaniya...

Malabo namang kiligin siya sa akin, 'di ba? Bakit naman siya kikiligin? Why would he even feel those? Hindi naman ako bumabanat o ano sa kaniya!

"Maybe," He shrugged.

I tried shaking those thoughts away. No, hindi. Malabo talaga! Sobrang labo! Hell no!

Nag-usap pa kami saglit at pagkatapos naming kumain ay sabay din kaming lumabas. Wala talagang tao, kaming dalawa lang.

I looked up at the sky, the moon was shining so bright together with the stars. Malamig din ang hangin. I just love the atmosphere. I really love the night.

Hindi ko alam pero mas better talaga gawin ang lahat sa gabi, 'no? Eating, showering, clubbing, watching some videos, doing chores, and whatnots. O baka ako lang talaga dahil night owl talaga ako.

Tulog sa umaga, gising sa gabi.

"May iba ka pa bang dadaanan?" he suddenly asked me. We were standing right beside each other.

Nilingon ko siya at umiling. "I will go home na," I replied.

Tumango siya at ibinulsa ang mga kamay. "Sabay na tayo? Delikado na rin ang daan, baka mapaano ka pa. Uuwi na rin naman ako," His voice was laced with concern.

"Okay."

And then we started walking. Hindi naman masyadong kalayuan, e. Honestly, I really like his company though, I won't deny it.

As silence enveloped us, I saw how he fished out his phone and took a zoomed in picture of the moon.

Napatingala ako.

"The moon is really pretty," I commented.

"It is." Through my peripheral vision, I could feel him staring at me as he said it.

Hindi ko nalang pinansin, baka guni-guni ko lang talaga iyon dahil paglingon ko sa kaniya ay nakatingala lang din siya sa kalangitan.

I licked my lower lip.

"Thanks for accompanying me," I sincerely said.

He smiled. "I should be the one saying that,"

I chuckled. "Then we're grateful to have each other," I unconsciously said. In a split second, I immediately realized it. "As company," dugtong ko pa.

He nodded. "So, are we friends now?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap niya ako, ganoon din ako.

"Aren't we?" balik kong tanong sa kaniya.

"You just told me few days ago that you didn't want to be friends with me." he said in a joking way just so it wouldn't sound so mean and harsh.

"Really? I said those?"

He nodded. "Yeah..." We continued walking. "You said that I was a play boy and said you hated it,"

"Because you are."

Naalala ko tuloy 'yung nakita ko kaninang umaga. Wala rin naman ako sa lugar para magtanong, e.

Napabuga siya ng hangin. "Here we go again..."

Beyond the Fields Where stories live. Discover now