40

399 7 6
                                    

"Doc? Ano po ba 'yung sakit ng Misis ko? Naku, walong taon din kaming nagkawalay tapos ngayon... Doc! Wag naman sana!"

OA talaga itong si Viorel!

Nagpa-check up kasi kami dahil paranoid siya. Napapansin niyang sumusuka ako, baka raw kasi food poisoning. Tapos sumasakit pa 'yung ulo ko nitong mga nakaraang araw kaya nag-off muna ako ng isang linggo. Itinigil ko naman na 'yung pagkakape, e. Hindi naman siguro dahil doon.

Hindi rin naman ako nagpupuyat dahil sinasaway ako palagi ni Klein. Ayaw niya raw kasi na ma-stress 'yong maganda niyang fiancé kaya tinatapos ko na kaagad lahat ng mga gawain ko habang nasa opisina ako.

Is it just stress?

Hinampas ko siya sa braso. Masyado talaga siyang OA! Kaagad niya naman akong nilingon at sumimangot.

"Hindi pa ako mamamatay, tanga!" inis kong tugon sa kaniya at inirapan siya.

He clung his arm on mine, "Darling, I'm just worried, okay?" mahinahong sabi niya tsaka lumingon sa doktor na nakatulala lang sa aming dalawa at tila'y naguguluhan.

Narinig ko ang buntong hininga niya. "Doc, hindi naman po malala ang sakit niya, 'di ba?"

"Ano ka ba? Pagsalitain mo muna—"

"Doc, kunin niyo na 'tong sakit ng asawa ko kahit i-transfer niyo nalang po sa'kin. Kahit ako nalang po ang magdusa," pakiusap niya sa doktor.

I face palmed. Natawa naman ang doktor tsaka tumingin sa akin na may maliit na ngiti sa labi.

"You're six weeks pregnant, Miss Castuarez."

Those words had instantly made my jaw drop to the floor. Nanlaki ang aking mga mata at tila ba'y hindi makapaniwala. I squeezed Klein's hand, naka-intertwine kasi ang mga kamay namin ngayon.

My heart fluttered with joy. I was at loss of words!

Napatingin ako kay Klein na ngayon ay nakatulala lamang sa aking tabi, parehong-pareho kami ng reaksyon.

Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin, naluluha ang kaniyang mga mata. "Klein..."

He suddenly stood up. "Fuck! I'm going to be a father! Oh my! I won! I won in life!" he happily said as he jumped up and down.

I laughed, sharing my joy with him. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko na wala yatang balak bitawan. I squeezed his hand, masyado talagang OA!

Muli siyang umupo at hinalikan ang likuran ng aking palad. He cupped my cheek, hinawakan ko naman iyon. "We're going to be parents..." he whispered.

I nodded repeatedly. "Yes, darling... we're going to be parents..." I smiled at him, he immediately wiped my tears.

He then kissed my forehead. "I love you! I love you!" paulit-ulit niyang sabi. Sobrang saya niya talaga sa balitang ito! Kahit ako rin naman!

I'm going to be a mother...

"I love you even more, Velasquez."

Halos makalimutan na nga yata naming may doktor pala sa aming harapan! Nakangiti lang siya sa amin, "Congratulations,"

"Thank you, Doc!" nakangiting sabi ni Klein at muling tumingin sa akin. "Thank you, darling... thank you for giving me an angel."

"Hindi pa nga lumalabas, Viorel!"

"Still! I'm already excited!"

His energy is really unmatched. Well, makakaya niya kaya ang mood swings ng isang buntis? I don't think so...

But knowing Klein, he is very patient and I'm sure that he'll make a great father. Nalaman niya pa nga lang ay abot langit na ang tuwa niya, paano pa kaya kapag lumabas na ang sanggol?

Beyond the Fields Where stories live. Discover now