19

253 3 0
                                    

"I should just reply, right? Wala namang masama roon?"

Napabuntong hininga ako. Isang oras ko na rin siyang hindi narereplyan. It's already 1:00 AM! Nagdadalawang-isip pa talaga ako! I really couldn't sleep.

lethalysia: Merry Christmas, Viorel.

Online pa naman siya kaya kaagad niyang na-seen iyon at nagreact siya ng 'heart'. Bahala na kung magrereply pa ba siya o hindi.

Bumalik ako sa pagso-scroll sa feed ko upang i-distract ang sarili. Baka umasa lang ako sa wala.

Nagparamdam pa talaga ang gago pagkatapos niya akong iwasan ng isang buwan? Anong nakain niya? Lasing nga ba talaga siya?

May nag-notify naman kaagad sa akin na message galing sa kaniya. Hindi ako magpapakarupok, anong akala niya?!

Kaya nagbilang muna ako ng 60 seconds bago tignan iyon sa inbox ko.

I frowned. Inunsend niya?!

I rolled my eyes and heaved a deep sigh. Bahala siya! Nakakainis! Hindi ko pa nakita! Sayang naman!

I breathed in and out, trying to calm my nerves because of the curiosity creeping up inside me.

In the end, hindi ko na inalam at hindi ko na rin siya tinanong o chinat pa. Baka napindot lang 'yon na sticker or like button.

Nakita ko naman na may IG story siya kaya pinindot iyon. Ivi-view ko lang naman, walang masama roon.

It was posted two hours ago.

And it was a picture of Keila! Nakaramdam tuloy ako ng pangungulila sa aso. Bakit ko pa ba kasi isinauli 'yon? Sana hindi nalang! She looked so adorable with her Christmas hat. Mukhang nakaupo siya sa lap ni Klein dahil kitang-kita ang maugat na kamay nito na nakahawak sa gilid ni Keila upang hindi siya nahulog.

I rolled my eyes.

I fought so hard not to 'like' it.

May caption pa iyon, 'she misses her mom' sa pinakagilid lang iyon at sobrang liit na para bang ayaw niyang makita ng kahit kanino, nag-caption pa talaga siya 'no? Baliw.

"Misses her mom? Ulol mo." I couldn't help but whisper to myself. "Hindi man lang ako miss ng tatay mo, Keila." dugtong ko pa at inis na isinara ang phone ko upang matulog na.

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit late naman akong natulog. While holding a cup of coffee, I leaned on the doorframe. Nakita ko ang parents ko at mga kapatid ko sa hindi kalayuan na mukhang mangangabayo.

Without me?

Seriously? Wala man lang nag-inform sa akin?

Well, hindi pa rin naman ako sasama pero kahit na, 'no! They should always include me kahit alam na nila ang magiging sagot ko!

I rolled my eyes and just watched TV on the couch. It's still 8:00 AM in the morning and I'm just wearing a white oversized tshirt, black shorts and my hair was in a messy bun.

May katulong naman kami rito, I think my parents hired them before we even got here. Tatlo lang sila at nagluluto pa ang mga ito ng pang-breakfast namin. Dinig na dinig ko pa silang nagtsi-tsismisan sa kusina.

Beyond the Fields Where stories live. Discover now