17

270 3 0
                                    

"Shit. This is it,"

Tuesday. I am now carrying Keila as I knocked on their entrance door. It's surprisingly closed.

It opened. I smiled and was hoping to see Klein but then my smile faded when I saw his brother.

He looked at me then at Keila.

"Hey, you're Klein's friend, right?" he asked, making sure.

I nodded. "Nandito lang ako para isauli si Keila," I honestly said. Wala nang iba. Hindi naman ako nandito para makita ang gagong 'yon.

"He's..." He sighed, niluwagan ang butas ng pintuan. "He's not home right now. Come back later?"

I shook my head. "It's fine. I can just leave the dog here, please tell him I stopped by." sabi ko at ibinaba na si Keila. Kinuha naman ni Keagan ang leash nito.

I crouched down as I pet the dog. "Be a good girl." I said, kissing her forehead before standing up once again... meeting Keagan's blank eyes.

I smiled. "Thank you, I'm off now." pagpapaalam ko.

Nakita kong tinanguan niya lang ako bago ako umalis.

I heaved a deep sigh.

Mabuti na rin na hindi ko kaharap si Klein kanina. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko!

Hindi ko na rin siya nakita kanina sa school. I don't know where that guy went. He's clearly avoiding me and I don't even know why.

God, I'm gonna miss Keila too.

I feel like I won't be borrowing her for a while. I don't know. I don't feel like going back to their mansion knowing that Klein probably didn't want to see me...

Well, he should've just gave me a heads up instead of just ghosting me!

That asshole.

It went on for how many weeks. 'Yung walang pansinan naming dalawa at minsan ko nalang talaga siya makita sa buong university.

Saan kaya nagtatago ang isang 'yon?

Tinatanong ko naman si Santi pero puro kibit-balikat lang ang sagot niya sa akin. Hindi niya rin alam.

Mas naging busy ako over the past few weeks dahil mas tinatambakan kami ng mga gawain. Wala na rin akong oras para magparty o kung anu-ano pa.

Ni-hindi na nga ako pumupunta sa stadium.

Oo, palagi ko siyang hinahanap kay Santi... pero kapag makakaharap ko siya ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Mapapanganga lang siguro ako.

Iniiwasan ko na rin siya.

Nag-iiwasan kaming dalawa.

Parang pagkatapos ng gabing 'yon ay awtomatikong walang pansinan kami. We drifted away from each other, it's like we were back to strangers... and the saddest part is that I couldn't confront him. I just don't have enough courage to do that.

Hindi ko rin naman kasi maalala ang mga sumunod na nangyari matapos kong malasing. Thiago just told me that someone called him over tapos sinundo niya lang ako.

God knows what happened after I went home.

Baka tuloy lang ulit ang kasiyahan.

And I didn't even want to imagine what the two of them were doing after!

I shook my head. Mahina ko sinampal ang sarili ko para mawala ang mga palaisipan na iyon sa aking utak.

"You're getting weirder and weirder everyday, Aly." komento ni Coreen. Kaharap ko siya ngayon at kumakain kami sa cafeteria.

Beyond the Fields Where stories live. Discover now