01

631 11 8
                                    

"Aly, saan ka na naman pupunta?"

Thiago was snooping around again. Mamayang gabi kasi ay may family dinner kami na kasama 'yong dalawang love birds at halos alas singko na rin. Ipapakilala na raw kasi ni Thad 'yung fiancée niya.

"Just mind your own business, Thiago." I rolled my eyes as I walked out of the mansion.

Wala na akong pakialam kung susundan niya ako o hindi, bahala siya sa buhay niya. Palibhasa kasi, bored na bored ang lalaking 'yon at walang ibang mabwisit kundi ako lang. Wala naman si Thiarra, ewan ko rin sa batang 'yon.

As if I'm going to do something illegal? I'm just going to surprise my boyfriend since it's our first anniversary today.

Yeah, well, no one knows about him.

We kept our relationship private, 'yon din kasi ang gusto niya. Wala naman akong pakialam as long as we are both happy, that's all that matters.

Suddenly, my phone beeped. Sinulyapan ko lang iyon dahil nagda-drive ako.

I pressed the notification.

From: Marco
hi babe, i'm going to pick you up later. let's have dinner. sorry, i'm a bit busy right now.

Hindi ko na iyon nareplyan pa. Too bad, he's busy. Ano naman kayang ginagawa niya ngayon?

Huminto muna ako sa isang bakery shop upang kuhanin 'yung cake na pinareserve ko. I also bought him a rolex watch as a gift.

"Sana magustuhan niya..." I said to myself as I drove to his condo.

Pagkapasok at pagkapasok ko pa lamang sa lobby ay dala-dala ko iyong cake at pati na rin 'yung box na relo ang laman.

Kaagad naman akong binati ng mga staffs. Yep, he lives in Castuarez Condominiums... it's my gift to him on our first monthsary.

I was smiling as I walked. I can't wait to see him! Kung busy talaga siya, I can leave naman... gusto ko lang talagang ibigay sa kaniya ang mga ito.

Just then, as the elevator opened... I saw two people kissing.

And I dropped the cake box I was holding in shock.

The way they kissed each other... parang hayok na hayok sa isa't-isa. Kulang nalang ay pumasok sila sa kwarto at doon ituloy.

"What the fuck?" I muttered.

Kitang-kita ang mukha no'ng lalaki... and it's none other than my boyfriend, Marco.

Doon lang naputol ang halikan nilang dalawa no'ng babaeng hindi ko kilala. Bakas ang gulat at takot sa mga mata ni Marco habang 'yong babae naman ay mukhang nagtataka at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

I fought so hard not to tear up.

"B-Babe..." he stuttered.

I composed myself. I crouched down and open the lid of the box. Kinuha ko 'yong cake at kaagad na idinikit iyon sa kaniyang mukha. I hardly pressed the cake on his face.

"Fucking cheater." I hissed.

Gulat na gulat 'yong babae sa ginawa ko. "You're an asshole!" she said, dumping Marco on the spot and walked away. Mukhang wala rin siyang alam na cheater ang lalaking 'to.

Beyond the Fields Where stories live. Discover now