16

269 6 0
                                    

"Putang ina."

Parang nawala lahat ng kalasingan ko nang buhusan ako ng malamig na tubig ng kung sinong letseng animal man 'yon. Napahilamos ako sa aking mukha.

Fuck. I probably looked shit right now! 'Yung mascara ko! Kinusot ko nalang ang aking mga mata dahil wala talaga akong makita!

And then my evil twin brother came to a view. He was holding a goddamn bucket.

"Thiago?!" Pinanlinsikan ko siya ng mga mata. I roamed my eyes around, nakaupo ako sa harapan ng kaniyang kotse.

He smirked proudly. "Instant car wash."

"Gago kaba?!" Pinaghahampas ko siya. He laughed. "Gising na gising na tuloy ang kaluluwa ko!" inis na sabi ko pa.

"'Yon nga ang purpose e,"

"Asshole!"

Medyo nahihilo pa ako at biglang sumakit 'yung ulo ko kaya napahawak ako roon. Nagpapadyak akong pumasok ng mansyon at nagmukhang basang sisiw.

Bwisit.

Ang tanging naaalala ko ay ang halikan lang ni Klein pati na rin ang babaeng 'yon. Sa lahat ba naman?! Nilunod ko nga ang sarili ko sa alak para makalimutan 'yon kinabukasan, e!

And Thiago had to ruin all of it!

"Tangina, ano 'yon?!"

Binagsak ko ang sarili sa kama at inis na tinanggal ang heels ko. I buried my face on my pillow, not caring if ever my make up will stain it. Basang-basa na rin 'yong kama.

"Fucking assholes." sabi ko at sinusuntok-suntok ang unan. Ilang minuto ko ring ibinuhos ang galit ko doon bago napagdesisyonan na tumigil na dahil isang kabaliwan yata ang ginagawa ko!

"Bakit ba ako naiinis at nagagalit sa nakita ko?!" pakikipag-usap ko sa sarili.

Bigla nalang kasing kumulo 'yung dugo ko. I wanted to strangle that freaking woman and to slap Klein right across the face as if he just cheated on me.

What the actual hell, Thalysia Louise?!

We're just friends! Nothing more!

I heaved a deep sigh, calming my nerves.

And I freaking knew for the fact that I really liked that blondie even from the start... ever since I've first laid my eyes on him. I was already hooked.

Gina-gaslight ko na lang siguro ang sarili ko dahil ayaw ko na ulit mahulog sa patibong ng mga lalaki. I had built a tall wall for myself. Naging man hater na rin ako dahil sa paulit-ulit na ginagawa nila sa akin. Nanloloko.

Everytime I find out that my boyfriend had cheated on me, I really tried not to question my worth. Sinusubukan ko talagang maging confident pa rin. Iniisip ko na phase lang talaga sila at gumagawa si Lord ng paraan para ma-meet ko 'yung the one ko kaya inaalis niya ang mga lalaking 'yon sa buhay ko para maging lesson na rin.

But do I really deserve this?

Bakit palagi nalang? Wala na ba talagang matinong lalaki dito sa mundo? Kung mayroon man, sana dumating na dahil pagod na akong maloko... I feel like such an idiot.

Kaya ayaw ko na rin kumilala pa ng bagong tao dahil pareho lang naman ang cycle, aalis at aalis pa rin talaga sila sa buhay ko.

At some point, I really tried hating him... naghahanap ako palagi ng mga rason para lang kamuhian ko siya pero hindi ko pala talaga kaya. I still end up talking to him.

Should I be thankful to him that he gave me another reason why I should really stay single for the rest of my life and to protect my heart forever for those who wants to ruin it?

Beyond the Fields Where stories live. Discover now