22

318 6 0
                                    

"Good morning, darling."

I was just walking alone on the hallway when I suddenly felt someone's hands intertwined with mine.

Napangiti ako nang makitang si Klein iyon. His hair was fixed and he looked so fresh in his uniform. His eyes looked at me lovingly. Kaagad naman akong namula sa endearment na itinawag sa akin.

It's just the first day of back to school, ang landi-landi na kaagad naming dalawa! Heck! I still can't believe it!

"Good morning," I greeted him back.

I felt him kissing my temple.

Umagang-umaga pa lang at wala pa masyadong tao kaya malaya si Klein na makagawa ng lahat ng 'yon.

Hinatid niya naman ako sa building ko. Kaagad na nagtinginan ang mga kaklase ko dahil hinatid ako ng isang Klein Viorel... and he was carrying my bag.

Hanggang hallway lang siya at kaagad kong kinuha ang bag ko dahil nahihiya pa rin talaga ako. Nakakapanibago.

"Text me when your classes are over," I heard him say, only enough for me to hear.

I nodded. Parang wala lang akong pumasok sa loob. All eyes were on me. Wala akong pakialam. Bahala sila diyan! I'll just let them assume!

"Sila na ba ni Klein?"

"Well, bagay naman sila."

"Sana naman hindi! Malay niyo magkaibigan lang 'yong dalawa?"

Wala namang nagtangkang magtanong sa akin dahil nga naiintimida sila sa presensya ko. Dumating na rin 'yong professor kaya naman natahimik na rin ang lahat.

Ngayon pa lamang ang flight ni Coreen, bukas pa raw siya makakapasok. Baliw talaga, alam na delayed ng ilang oras ang timezone sa Canada rito sa Pilipinas, e!

Mabuti na rin siguro. Susulitin ko na rin ang araw na 'to na walang maingay sa tabi ko. Bukas ay gugulo na naman 'yong mundo ko dahil babalik na si Coreen.

Nang matapos na ang klase namin ay dumiretso ako sa cafeteria, doon ko na tinext si Klein. Wala pa masyadong tao dahil hindi pa nakakalabas 'yong iba. Nauna lang talaga ako rito para maka-reserve ng upuan. Maaga lang din kasi kaming dinismiss ng professor namin.

Mabilis lang talaga ang araw.

lethalysia: here na me sa cafeteria : )

Halos wala pang isang minuto ay kaagad naman siyang nagreply.

kleivoquez: Okay, i'll order food for us. What do you want?

Napatingin tuloy ako sa pila at doon ko namataan si Klein na may dala-dalang empty tray habang nakahawak sa phone niya. Mukhang hinihintay niya 'yung reply ko.

Ang pogi! Mapapa-shit ka nalang talaga. He was wearing his glasses, mukhang kakatapos lang din ng klase niya. Alas dose na rin kasi.

lethalysia: salad please

Nakangisi ako habang tinitignan iyong reaksyon niya. Seryosong-seryoso talaga siyang nagta-type at kitang-kita ko pa kung paano kumunot 'yong noo niya dahil sa reply ko. Damn hot.

kleivoquez: Ayan ka na naman sa damo mo, Thalysia Louise.

lethalysia: i want salad!!

kleivoquez: You must eat real food, woman.

lethalysia: fine. pork steak will do.

Hindi na siya nagreply pa at ibinulsa ang phone niya. Nang magtama ang paningin namin ay masamang tingin ang ibinigay niya sa akin napanguso nalang ako.

Beyond the Fields Where stories live. Discover now