34

244 6 4
                                    

"Klein... where are you? Comeback to me, please..."

Hawak-hawak ko pa rin 'yung phone ko, nagbabakasakaling mag-ring iyon at numero niya ang bubungad... ilang araw na ring ganito.

Umaasa pa rin ako.

Bakit bigla nalang siyang umalis?

Sobrang dami pa rin talagang mga katanungan sa isipan ko na tanging siya lamang ang makakasagot.

Suddenly, my phone rang. Kaagad kong sinagot 'yon, hindi ko na rin natignan kung sino.

"Hello?" I whispered.

"Uy! Aly! Musta?"

It was Santi.

Natahimik ako. I really thought that it was Klein. Napabuntong hininga nalang ako.

"Huy? Ayos ka lang ba?"

Hindi ko alam pero naiyak nalang ako. Mahina lang 'yon dahil ayaw kong marinig niya ito.

One thing about me is that I sometimes couldn't really contain my emotions. Naiiyak kaagad ako kapag may nagtatanong sa akin kung maayos lang ako.

I'm not... and will never be okay until he comes back to me.

Ang sakit naman.

"Tangina! Umiyak! Ganoon mo ba ako na-miss, huh?!" His voice panicked. "Where are you?!"

"Sorry, Santi..." I said in a low voice. "I just really can't match your energy right now," sabi ko at mahinang natawa. "Call back later, hmm?"

"Nasaan ka ba?!"

"I'm fine, don't worry." I assured him, wiping my tears.

"Ulol! Don't worry mo mukha mo! Ang pangit mo pa naman tignan kapag umiiyak ka! Ano? Inom?"

Napairap nalang ako. Kahit kailan talaga pinapasok niya palagi ang alak sa usapan! Tanghaling tapat tapos inaaya niya kaagad ako...

"Ayos nga lang ako, Santi. May gagawin pa ako, tawagan nalang ulit kita mamaya." I said as I hang up.

Muli akong napahiga sa kama at naramdaman ko nalang na dinidilaan ni Keila 'yung mga kamay ko.

"I miss him, Keila..." Nabasag ang aking tinig. "I miss hearing his voice, I miss his hair, I miss his scent, I miss seeing his smile, I miss staring at his gorgeous eyes..."

Hanggang kailan ka ba babalik, Klein?

Matatagalan ka ba roon?

Then again, I hugged my pillow as hot tears welled up in my eyes and came streaming down my cheeks.

Bakit hindi niya magawang sabihin sa akin 'yon?

Parang sirang plaka sa utak ko 'yung mga sinabi niya sa akin. He loves me, he'll eventually come back...

Tsaka, sinabi ko sa kaniya na maghihintay ako kahit ilang dekada pa ang magdaan.

I'll be patient, Klein.

Just please, come back to me.

Inangat ko ang aking kamay at tinignan ang singsing na iniregalo niya sa akin no'ng first anniversary namin.

I hope he still wears mine.

'Us Against the World, Darling.'

I pursed my lips.

"You promised." bulong ko sa sarili, my hands were now shaking. "You promised..."

Masyado bang confidential kaya hindi niya magawang sabihin sa akin kung nasaan siya? I just want to see if he is okay. I just want to ask him a few more questions...

Beyond the Fields Where stories live. Discover now