08

327 7 0
                                    

"Himalang nasa kwarto ka lang ngayon, ah?"

Thiago barged into my room just to say those words. Siblings are really weird sometimes, 'no? Parang papasok lang talaga sila sa kwarto mo para mambwisit.

I was reading a book. Wala naman din kasi akong klase ngayon. Usually, pumupunta lang ako kahit saan. Palagi akong may lakad just to distract myself.

Kaso tinamad lang ako ngayon.

Maling desisyon yata na manatili lang dito sa bahay dahil nandito ang kakambal ko. Thiarra's probably in her condo too. She prefers to be alone during weekends. I can't blame her, ang ingay-ingay din kasi ni Thiago.

Mas matanda kami sa kaniya ng three years kaya baby na baby talaga namin siya. Tig-three years lang ang agwat naming magkakapatid.

"Ano naman?" I raised a brow.

"Road trip?" pag-aaya niya. He leaned against the doorframe with his arms crossed on his chest.

I shook my head as I flipped a page. "I'm not in the mood,"

"Really? Ikaw ba 'yan? Si Thalysia the Explorer, nasa bahay at nagmumukmok?" He gasped, obviously trying to piss me off.

Inirapan ko nalang siya at bumalik sa pagbabasa. Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin at tumabi.

"Alis!" pagtataboy ko sa kaniya. "Kama ko 'to!" I tried pushing him away but he was like a huge boulder!

Sinenyasan niya akong tumigil gamit ang mga palad niya. "Chill, I'm clean!" sabi niya. "Naligo ako galing gym, 'no!"

Inamoy niya pa ang sarili. Inilapit niya pa ang katawan niya sa akin at pilit na pinapaamoy sa akin ang kili-kili niya.

Umusog ako. "Iw! The hell, Thiago?!" I irked.

He just chuckled. His plan succeeded, napausog niya ako kaya ngayon ay nakahilata lang siya sa kama ko.

Napabuga ako ng hangin at hindi nalang siya pinansin pa. Maiirita lamang ako sa kakambal kong 'to.

Bakit ba puro nakakainis ang mga taong nakapaligid sa akin? Ang hilig mamikon! Si Thiago, si Klein, at lalong-lalo na si Santi!

Thiago just fished out his phone and watched some Instagram stories and reels beside me. Napailing nalang ako.

Mas maayos nalang siguro kesa naman patuloy niya akong bwisitin.

Minutes passed, silence enveloped the both of us. 'Yung cellphone lang ni Thiago ang tumutunog pati na rin 'yung mga pahina ng libro ko kapag nililipat ko.

"Party boy talaga 'tong si Santiago, e." aniya at ipinakita sa akin ang IG story ni Santi na nasa isang cruise, mukhang may party nga doon. Puro mga cocktails and such, may swimming pool din.

Kumunot ang noo ko. "Umagang-umaga?"

He chuckled. "Active na active sa social life niya, e."

As the video replayed again, bigla akong napatigil nang may mahagip 'yong camera. Sa gilid iyon pero kitang-kita 'yong mukha ng lalaki.

Beyond the Fields Where stories live. Discover now