30

370 4 0
                                    

"Finally, vacation time..."

Para akong nabunutan ng tinik. Finally! Bakasyon na ulit! I can now finally relax without worrying about any school works.

I'll be at my fourth year next school year and Klein had already graduated kaya magpro-proceed na rin siya sa law school.

Not to mention, he graduated as a Magna Cum Laude. I am very proud of him!

Nandito kami ngayon sa teresa ng mansyon nila at umiinom ng kape. Magkatapat kami ngayon na nakaupo at may coffee table sa pagitan namin. He was on his phone and his brows were furrowed.

May kaaway ba 'to sa text?

"Do you have a place in mind, darling?" he asked.

I sipped my coffee. "Well, I do..."

"Hmm? Where?"

"I want to take you to Agustria, it's a province not far from the city. It's my hometown," sabi ko sa kaniya at inilapag ang cup sa lamesa.

"Darling..." tawag ko sa kaniya. Mukhang busy na busy siya sa phone niya, ah?

Kaagad naman niya itong ibinulsa nang makita ang mukha kong nakabusangot. Inilapit niya ang kaniyang upuan sa akin at tumabi.

"Sorry, darling. May inaasikaso lang," sabi niya kaya napatango ako. "Agustria... alright, let's go there..." Inakbayan niya naman ako.

I smiled, I suddenly felt excited. "I'll tour you around! We also have a house there kaya walang problema, we can stay there for how long."

He kissed my forehead. "I can feel your excitement."

I giggled. "Very!"

Pinisil niya ang bridge ng ilong ko atsaka natawa nang mahina.

"Putangina, umagang-umaga."

Napalingon kami kay Keagan na mukhang kakagising lang dahil magulo ang buhok nito. Klein stuck his tongue out. "Wala ka lang, e."

Keagan rolled his eyes. "Sira na kaagad umaga ko, mga walang hiya. Kayo pa talaga ang bumungad. Respeto sa single," sabi niya at padabog na umalis.

Natawa nalang kaming dalawa ni Klein dahil sa reaksyon ni Keagan.

We'll, I just hope he'll find the woman of his dreams soon para hindi na siya maging bitter sa amin ng kapatid niya.

Matapos naming magkape ay napatingin ako sa orasan, it's still 8:00 AM.

We took Keila out for a walk.

"Hey, I just remembered something." I said when I passed our mansion's gates.

"Hmm?" tanong niya at napahinto. Siya ang may hawak sa leash ni Keila ngayon habang ako ay nakasunod lang.

"Here," Ngumisi ako. "Nakawala ba talaga si Keila o hindi?"

"Oh, that time with your ex?" He raised a brow. I nodded. "Hindi, syempre. Matibay 'to, e." pagtukoy niya sa leash ni Keila.

I blinked. "So? You did it on purpose?"

He nodded. "Bakit ba? Nakakairita, e. He was bothering you. And by the way, he deserved to be kicked on the balls."

"You were jealous,"

"I was." matapang niyang sagot. I crossed my arms on my chest. "Wala akong karapatan no'n, I know." He rolled his eyes.

I chuckled. Pinangunahan niya pa talaga ako! Adorable!

"Alam mo? Minsan gusto nalang kitang ibulsa dati para hindi ka maangkin ng iba. Even Santi, nagliliyab ako sa selos sa tuwing nag-aasaran kayo..." aniya sa mahinang boses.

Beyond the Fields Where stories live. Discover now