She doesn’t know why she feels betrayed. That was her plan, to make the other fall in love with her; but why does it feel like she’s the one falling for her?
When did it even start? Has it begun since the first time she looked at the Mayor’s photograph? Their first encounter at that restroom? When they make eye contacts across the senate building? Or the nights she spent researching the woman’s identity? As far as she knows, she doesn’t feel anything for the woman, not even after last night.
Or maybe has she been lying to herself all along?
𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟
Pang ilang araw niya na ito nakatutok sa mga dokumento at papeles na naglalaman sa pagkakakilanlan ng alkalde ng Bamban. Matapos ng unang pag-dinig, hindi siya makatulog sa kakaisip ng mga posibilidad na rason sa palaisipan na larawan ng dalaga.
“Anak sa labas pero kasal ang nanay at tatay niya. Hindi kilala ang kapatid pero nagta-travel together. Matalinong negosyante pero hindi alam kung saan pinanganak. In fairness sa kaniya ang mixed signals niya.”
Patuloy siyang nagsasaliksik, kahit na patay na ang lahat ng ilaw sa kanilang tahanan ay masigasig pa din siyang tumitingin sa mga ebidensya. Mula sa mga papel na hawak niya, napunta siya sa pook sapot ng alkalde, at nang hindi pa ito sapat, sa kaniyang Facebook page naman.
Nasaksihan niya kung paano siya suportahan ng kaniyang mamamayan, nakita niya kung paano makihalubilo ang mayora sa mga tao doon. Animoy tropa-tropa lang ang datingan, yung tipo na pwede mong maka-trash talk, j3j3 style pa nga. Malinis at mayumi kung manamit ang dalaga, isang larawan ng makabagong Maria Clara; hindi makabasag pinggan ang itsura, ngunit kalog kung makasama.
Hanggang sa nahanap niya ang kaniyang sarili na kusang ngumingiti. Nakangiti, napapatawa, tangina. Kailan pa niya naisip na ang cute ni Alice? Isa siyang extranejo ngunit sa bawat pindot ng panoorin ay mas lalo siyang napapasaya… she felt at home.
“Okay. Tama na.” Sambit niya sa sarili ng matauhan; nanonood na lang yata siya sa mga videos ng alkalde dahil natutuwa siya sa presensya nito. “Need ko na talaga ng tulog.”
Nagpaalpas ng malalim na bugtong hininga ang senadora. Nakatitig siya sa kisame habang ang ilaw ng buwan ay sumisinag sa kaniyang bintana. Halos dalawang dekada na nang muli siyang makaramdam ng ganito.
“Sayang ka talaga.”
𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟
It finally made sense as to why Angelito Guo and Amelia Leal’s date of marriage varies at every Guo sibling’s birth certificate. Simple: they were using Amelia Leal’s name to get valid Filipino citizenships so they can own lands to use for their family syndicate business.
Well that’s a check from the mystery list.
“What do I even do with this information, kung hindi ko din naman pala magagamit sa senado.” sambit ng senadora.
Nag-kibit balikat ang alkalde, “I can reveal more po?”
“No. No, thank you. That will be a waste of time for the both of us.” Risa says. She drank her water and fixed herself. “It was lovely eating with you, Mayor Alice. I will get going, good bye.”
“Agad po?” Alice stood up with her and Risa pretended to not hear her.
The senator entered her car and sulked. Bakit ba nawala sa isip niya na fraud itong babae na ‘to. Was she actually hoping that the woman wasn’t lying?
“Distracted na naman ako tangina.”
𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟
Few days had passed and not a day went by without Alice greeting her good morning and good night.
YOU ARE READING
Your Honor
RomanceWhat happens if a Filipino senator falls in love with a Chinese agent? SATIRE!!! PLEASE DO NOT TAKE THIS SERIOUSLY