Chapter 4

10 3 0
                                    

Madilim na ang paligid. Tanging street lights lang at mga ilaw sa bahay ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nakasakay sina Kiven at Lance sa kotseng minamaneho ni Jeric, ang driver ni Marcela.

Tahimik lang sila mula pa nong pag-alis nila sa bahay. Dinalaw na ng antok ang dalawa kaya hindi sila gaanong nag-usap. Sa katahimikan ay ramdam na ramdam ni Kiven ang presensya ng katabi niya. Sinipat niya ito. Nakahiga ang kanyang likod sa upuan at nakatingala. Pinagmasdan ni Kiven ang lalaki. Hindi niya maiwasang mamangha sa itsura ng lalaki. Nang lingunin siya nito ay agad na nag konekta ang kanilang mga mata. Napalunok ng laway si Kiven.

Ibinaling niya ang atensyon sa labas ng saksakyan at nakita ang kanilang bahay.

"Dito lang po."

Agad na bumagal ang sasakyan at huminto sa tapat ng isang bahay. Nakalagpas ito ng ilang distansya sa bahay niya. Agad siyang nagpasalamat sa driver. Sinipat niya si Lance at tinanguan. Nginitian naman siya ng lalaki.

Akmang baba na siya nang kinilabit ni Lance ang kanyang balikat. It was quick. The touch sent jolt to his body. Nang lingunin niya ang lalaki ay may hawak itong cellphone.

"Pwede ko bang makuha ang number mo, Kiven?"

Natigilan siya pero agad din namang naka bawi. "Sure." Kinuha niya ang cellphone at tinipa ang kanyang number. Ibinalik niya ito sa may-ari. "Ingat kayo."

Nginitian ulit siya ni Lance. "Salamat, Kiven."

Tumango siya. Lumabas at sinara ang kotse. He was the still standing at the spot. Hinintay niyang makaalis na ang sasakyan. Nasa bintana si Lance at kinakawayan siya.

Nakaalis na ang kotse pero naka tayo parin siya sa pwesto. He was promising what just happened. And a few seconds after, he found himself smiling.


"Oh, Kiven bakit ngayon ka lang?" Bungad agad nang tita niya nang makitang pumasok ng bahay. "Halika, kain tayo." Dagdag niya at pumunta sa kusina.

Hindi na gaanong nagtanong pa ang tita niya. Nasanay na kasi ito na paminsan minsang gabi na umuwi si Kiven. Lalo na kapag may mga project at group practices. She was a teacher kaya alam niyang may mga pagkakataong gabi na makauwi ang kanyang pamangkin.

Sumunod si Kiven sa kanyang tita papunta sa kusina. Doon bumungad kanya ang kasintahan ng kanyang tita. Nakahanda na ang pagkain.

"Tita galing po kasi ako ng Mutya."

"Aba'y anong ginawa mo dun," sabi ng tita niya habang sumasandok ng kanin.

"May fiesta po kasi," sagot niya. "Kasama ko si ... kasama ko kaklase ko."

"Oh baka jowa mo kasama mo. Nako, Tricia magkakaapo ka na." Sinipat kaagad ni Kiven ang tito Adrian niya. Tumatawa pa ito.

"Tumigil ka nga dyan, Adrian," sirmon ng tita niya. "Ikaw talaga! Bata pa yang si Kiven. Tsaka lalaki naman gusto niyan."

Natigilan si Tricia sa nasabi pero agad namang tumawa na sinabayan ng kanyang kasintahan. Umiling si Kiven.

"Pinagtutulungan nyo na naman ako." Hindi niya naman napigilang matawa. Alam nila ang pagkatao ni Kiven. Sa paglaki niya ay inilagaan siya ng tita at mga tito. They were his family nang iwan na siya ng kanyang ina.

"Pupunta na po ako sa kwarto."

"Hindi ka na ba kakain?"

"Busog na po ako tita tsaka medyo napagod ako kanina," sabi niya at umakyat sa hagdanan.

"Oh diba napagod yung pamangkin mo." Kahit sa hagdanan ay dinig ni Kiven ang sinabi ng tito niya.

"Tigilan nyo na nga ako." Tanging tawa lang ang narinig niya.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon