Chapter 22

9 1 0
                                    

Nakahiga sa kama. Nakatitig lang sa kama. It was only 8 in the evening. Kakatapos lang niyang gawin ang assignment. Sinakop ng kadiliman ang kanyang kuwarto. Nagsipasukan naman ang mga ilaw mula sa labas. He was about to sleep, paraan para maglaho ang halo-halong emosyon na naramdaman, nang tumunog ang kanyang cellphone. He extended his arm to pull it from his study table. Tiningnan niya ang cellphone. Tita Bridget was calling. Sinagot niya ito. Narinig niya ang babae sa kabila. Nakakahawa ang lungkot na tinig nito. As she was talking to him, muling sumikip ang kanyang dibdib. Nangingilid ang luha, at kalaunan ay kumawala na sa kanyang mga mata. Lola Marcela was dead. His lola was dead.

Malamig na hangin ang dumampi sa mukha ni Kiven. Hinawi nito ang magulo niyang buhok. He was in Mutya. Nasa labas ng bahay ng kanyang lola Marcela. Nasa bakuran, bandang kaliwa ng harap ng bahay, kung saan naroon ang unang lamay ng lola.

He was sitting on a white monoblock a monoblock chair, nasa last row, kaharap ang kabaong ng lola. Sa gilid nito ay may malaking bulalak, may larawan ng kanyang lola, at iilan pang disenyo.

Naroon ang iilang kaibigan ni lola Marcela. Naroon ang kanilang school principal at ang mathematics teacher. Naroon din ang mga kapitbahay ng namatay. Mula sa kanyang puwesto, kita ni Kiven ang panganay na anak ni lola Marcela, ang kanyang ama, na nag-aasikaso at ang lubos na nakatanggap ng pakikiramay. Hindi mapagkaila ni Kiven na ito nga ang lalaking nasa picture na kasama ang kanyang ina, hindi man ito nakangiti katulad ng nasa larawan. He still couldn't believe, nasa harap na niya, ilang metro ang layo, ang kaniyang lalaking bumuo sa kaniya.

Sa kilid ni Kiven ay si Lance. Tahimik lang ito, pinagmamasdan ang paligid. Hindi magawang makipag-usap kay Kiven. Bagama't walang nagsasalita ay ramdam ni Kiven ang matinding presensya. He could feel a tight hug from Lance kahit nakaupo lang ito sa tabi niya. Na kahit hindi nagsasalita ay tinatahan siya nito. Nasa harap pa rin ang tingin, kaya klaro sa gilid ng mga mata ang pasulyap-sulyap ng binata sa kaniya.

Ilang saglit pa ay nakita ni Kiven ang kaniyang tita Bridget. Mula sa unahan ay naglakad ito papalapit sa kaniya. Nakatingin ang mga malulungkot na mata kay Kiven. Nang makalapit ay naramdaman ni Kiven ang paggalaw ni Lance.

"Punta muna ako kina aling Lani, Kiven," mahina nitong tinig.

Napatango siya. Hindi inaasahan ito inaasahan ni Kiven.

"Ate Bridget, maiwan ko muna kayo," sabi nito sa babaeng nasa gilid na ni Kiven.

"Sige, Lance."

Ang pag-alis ni Lance ay siya ring pag-upo ng babae sa tabi ni Kiven. Nang magtama ulit ang kanilang mga mata ay pareho silang napangiti.

"I still can't believe it, Kiven," mahina nitong sabi. "Noong una, akala ko namalik mata lang, pero kalaunan, hindi ko maitanggi na kamukha mo talaga si kuya."

Nakatingin na silang dalawa sa lalaki, naka upo na ito sa harapan at kinakausap ang kaibigang prinsipal ni lola Marcela.

"Kailan mo siya kakausapin?"

Hindi nakasagot si Kiven. Tahimik lang ito. Hindi niya alam ang isasagot kaniyang tita.

Ngumiti na lang ang babae at pinatong ang kamay sa balikat ni Kiven. "Pero kung hindi ka pa, hindi ka namin pipilitin. Iyan ang sinabi ni mama sa akin."

Nilingon ni Kiven ang tita Bridget. Ginawaran niya ito ng kaunting ngiti at tumango. "Salamat, ate.. tita Bridget."

Pagkasabi niya ay agad niyang naramdaman ang pagyakap ng kaniyang tita sa kaniya. Mahigpit. Nagulat man ay unti-unti niyang tinugunan ang yakap. Ilang segundo pa ay kumawala na silang dalawa. Doon pareho nilang hinawi ang mga luhang gumigilid sa mga mata. Ngumiti na lamang sila.

Mula kay Kiven, ay dumiretso ang tingin ng babae sa likod niya. Kung saan naroon si Lance at kausap si kuya Frank.

"May alitan ba kayo ni Lance?" Napatigil si Kiven sa tanong ng kaniyang tita. Nilingon niya naman si Lance. "O ako lang ba? Napansin ko kasing hindi kayo gaanong malapit ngayon kumpara noon. Ano ba ang nangyari?"

Kiven pursed his lips. Umiling na lang siya at ngumiti ng tipid. Hindi niya sinagot ang tita. Ngunit sa puso niya, alam niyang magiging okay din sila ni Lance. Hindi rin naman na nagkulit ang babae.

Ngumisi na lamang ito. "Ito ring si Frank, sa tagal namin magkakilala, ngayon lang talaga siya nagkalakas ng loob para mag make move sa akin." Umiling ito at tumawa ng mahina. Tumawa lang din si Kiven. "Ano bang ginawa niyo sa kanya ha?"

Napalunok si Kiven sa tanong ng tita Bridget niya. Part of him wanted to ignore the question but also a part wanted to confess it to his tita. Napabuntong hininga siya, at ilang sandali pa ay nagsalita.

"Sa katunayan n'yan, tita. Kami ang pakana ng lahat, especially si Lance." Tumigil siya ng ilang saglit, seryoso lang na nakikinig ang tita niya, "nagsimula 'yan noong note na nilagay namin sa bag mo, hanggang sa... napunta sa paghaharana."

Ramdam ni Kiven ang kaunting panginginig sa katawan, lalo pa at seryoso lang ang babaeng nakatingin sa kaniya. Ilang segundo pa ay umiiling-iling ang tita niya at tumawa. Nabunutan naman ng tinik si Kiven.

"Kaya naman pala. Pero salamat dahil nagkabayag si Frank dahil sa inyo."

Natawa na lang din si Kiven. Nakaramdam ng kasiyahan dahil piniling magtapat sa kaniyang tita.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon