Chapter 18

11 1 0
                                    

Golden beams of the sun hit all the red petals of roses. Nagkalat ang ilang manlalako sa ilabas ng paaralan. It was Valentine's day. Binati agad si Kiven ng mga iba't ibang paninda. Red roses, teddy bears, gift cards, at iba pa. Nagkumpulan at bumili ang iilang estudyante, pero siya, nilapampasan niya lang iyon. Pumasok na si Kiven ng gate. Ilang hakbang pa lamang ay na ay natanaw niya sa bandang kaliwa ang malawak at berdeng field. May mga estudyante na na nagseset-up ng makukulay na mga booth. Napailing naman si Kiven. 7 am pa at afternoon pa naman magsisimula ang mga booth for Valentine's day.

Tinuon niya ulit ang tingin sa daan at nagtungo papunta sa yellow building. Sukbit ang bag ay inakyat niya ang hagdan patungong second floor. Doon binati siya ng iilang mga estudyanteng kakilala. Ilang hakbang pa ay natungo na niya ang kanilang classroom. Kaunti lang ang tao. Hindi rin naman ito bago. Pero ang hindi bago ay ang makitang marami nang bag ang nasa upuan.

Nagtungo siya sa kanyang upuan sa unahan. Ilalapag na sana niya nang may tumawag sa kanya. Napalingon naman siya at hinanap ang may-arii ng boses.

"Kiven! Nandito ka na pala!" he then saw Nina may dala dala itong makukulay na mga papel at ilang design. "Halika tulungan mo kami sa field," masigla nitong anyaya.

Napailing nalang ulit si Kiven. Isa rin pala si Nina sa mga estudyanteng excited for Valentine's day booth. Kinuha niya muna ang wallet galing sa bag at naglakad papunta sa kaklase. Kinuha niya at dinala ang ibang gamit. Bumaba na sila sa hagdan at lumabas ng building.

"Excited n'yo naman masyado sa araw na 'to."

Tumawa lang si Nina. "Feel ko kasi may magbibigay ng gift ngayon." Tumawa na lang din si Kiven at umiling. "Feel ko rin may magbibigay sa'yo."

"Sino naman?"

Napatigil si Nina at bigla na lang ngumisi. "Iyan oh." Ngumuso ito sa harap.

Tiningnan naman ito ni Kiven. It was Lance. Nakauniform ito at hawak ang magkabilang strap ng itim na bag habang seryosong naglalakad. His hair was still wet. Napahinto ito nang magkita ang dalawa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang magtama ang tingin nila ni Kiven. Lumakad ito palapit sa kanila.

"Hi," bati niya sa kanila pero kay Kiven ang tingin. "Good morning."

"Good morning din, Lance," tugon ni Kiven at pinipigilan ang sarili dahil sa nakitang nakangising babae na katabi.

"Saan kayo pupunta?"

"Sa field," sagot ni Nina. "Para sa booth natin."

"Tara. Sasama ako." Nagpunta si Lance sa tabi ni Kiven. Siniko naman si Kiven ni Nina at tumawa ng mahina.

"'Yang bag mo, hindi mo ba ilalagay sa room?" tanong ni Kiven sa lalaking katabi.

Napatango naman si Lance. "Oo nga. Sige habol ako sa inyo mamaya."

Nagpaalam na ito sa kanilang dalawa at nagtungo na papunta sa yellow building. Nagpatuloy naman sina Kiven at Nina sa paglalakad patungong field. Ilang sandali pa ay narating nila ang pinong damo ng field. Natanaw nila ang mga booth na hindi gaanong magkalapit ito sa isa't isa.

"Update n'yo ni Lance?" tanong ni Nina na nakangisi.

"Anong update? Walang update."

Nina laughed and shook her head. "Nagsisinungaling ka pa. Nitong mga nakaraang araw, halatang mas naging close kayo eh. So ano boyfriend mo na ba siya? Nanligaw na ba sa'yo?"

Umiling lang si Kiven at mahinang tumawa. "Secret."

Nina's eyes widen at napaawang ang kanyang pulang bibig. Hinampas nito ng mahina ang braso ni Kiven. "So meron ngang something?! Omg kayo."

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon