Chapter 23

24 1 2
                                    

Saturday afternoon. Kiven was on his bed. Ilang minuto nang nakahiga at nakatitig sa kanyang hawak na larawan. It was the same photo his tita Tricia gave him. Litrato ng kaniyang ina at ang kasama nito. Huminga ng malalalim si Kiven at pinikit ang mga mata. Dinamdam niya ang malamig na atmospera na gawa ng malakas na pagbuhos ng ulan. Ni relax niya ang sarili sa tunog ng mga ulan na tumatama sa kapaligiran.

Ngunit sa lakas ng ulan ay nadinig ang tita Tricia at ang pagtawanag nito sa kaniya.

"Kiven! Baba ka nandito ang kaibigan mo."

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Isang tao ang diretsong pumasok sa kaniyang utak. Namalayan niya na lang ang sarili na nakatayo at lumabas ng kuwarto. Sa hagdanan pa lang ay rinig niya ang boses ng kaibigan na kausap ang kaniyang tita.

Natunton niya ang unang palapag. Doon nakita niya ang dalawa malapit sa main door ng bahay. Napatingin naman sila nang maramdaman ang kaniyang presensya.

"Oh nandiyan ka na pala, Kiven. Pahiramin mo muna ng damit itong kaibigan mo. Basang basa."

Doon bumilis ulit ang pagtibok ng kaniyang dibdib. It was Lance. Nakatingin ito sa kaniya. Hindi ngumingiti. Dumadaloy ang tubig mula sa kaniyang basang buhok pababa sa kaniyang mukha. Basang basa rin ang suot nitong puting damit at itim na short. Pinipiga niya pa ang mga ito at pumasok na ng bahay.

"May pag-uusapan daw kayo." Napatingin si Kiven sa kaniyang tita. "Talagang importante ha," nilingon ulit ng kaniyang tita ang basang si Lance at binalik ulit ang tingin sa pamangkin. Ngumisi ito kay Kiven. "Oh siya, doon kayo sa kuwarto mo para mapag-usapan na 'yan kung anong dapt niyong pag-usapan." Pagkasabi ay bumalik na papuntang kusina.

Naiwan ang dalawa sa puwesto. Ilang segundo lang ang titigan nila nang tumalikod na si Kiven at umakyat sa hagdanan. Dahan-dahan namang sumunod si Lance sa kaniya. Ilang saglit pa ay narating nila ang kuwarto.

Walang nagsalita. Nakatayo lang si Lance malapit sa pintuan habang si Kiven ay nagpunta sa kaniyang kabinet. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Nang makuha ang puting malaking shirt at dilaw na shorts at puting tumalya ay lumapit na ito kay Lance. Habang naglalakad papalapit ay siya ring pagkuha ni Lance sa basang damit at dahan-dahang hinubad sa kaniyang katawan. Napalunok si Kiven sa nasaksihan. Uminit ang kaniyang pakiramdam kahit na balot ng ulan ang paligid.

Inabot niya kay Lance ang mga damit at tuwalya.

"Salamat, Kiven." Nakangiti na ito ng tipid sa kaniya.

Ginamit nito ang tuwalya para punasan ang basang katawan. At nang ginamit niya ito sa kaniyang buhok ay siya ring natakpan ang kaniyang mukha. Napasulyap si Kiven sa kaniyang katawan. Napalunok siya at naramdaman ang pagtigas ng kaniyang sarili. Inalis ni Lance ang pagtakip ng tuwalya sa kaniyang mukha kaya agad na umiwas ng tingin si Kiven.

"A-ano bang," nabulol si Kiven kaya inulit ang sinabi. "A-ano bang nakain mo at sumulong ka sa ulan?"

Hindi sumagot si Lance. Pinulupot niya ang tuwalya sa baywang at sinuot ang damit ni Kive. Pagkayari ay lumapit si Lance sa kaniya. Doon nakita ni Kiven ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Nang ilang sentimetro lang ang kanilang layo, biglang dumuko si Lance at pinatong ang ulo sa balikat ni Kiven.

"Patawarin mo na ako please." Rinig ni Kiven ang mahinang maghikbi nito. "Hindi ko naman ginusto 'yun. Hindi ko naman siya gusto. Ikaw lang. Ikaw lang ang gusto ko, Kiven. Mahal kita. Please kausapin mo naman ako... ulit." Ramdam ni Kiven ang pagbasa ng kaniyang balikat.

Napakagat si Kiven sa kaniyang ibabang labi. Pinipigil ang nangingilid na luha sa mga mata. Ilang saglit pa ay iniangat ni Lance ang ulo at muling inayos ang posisyon. Doon nakita ni Kiven ang bumabaha nitong mga luha. Lalong sumikip ang kaniyang puso sa nakita. Namalayan niya na lang ang pag-agos ng mga luha mula sa kaniyang mata.

"Kiven, please hayaan mo naman akong magpaliwanag." Humihikbi pa rin si Lance. "I love yo-"

Hindi niya natapos ang sasabihin. Nasa pisngi na ni Lance ang dalawang kamay ni Kiven. At walang patumpiktumpik na hinalikan ni Kiven si Lance. Sumabog na ang kanilang mga puso. Nakapikit ang dalawa. Ninanamnam ang kanilang unang halik. Binitawan ni Lance ang mga hawak na damit at niyakap niya si Kiven. Nalulunod pa rin ang dalawa sa kanilang halikan. Ilang segundo pa ay bumitaw na sila sa sa isa't isa. Titigan ay hinahabol ang hininga.

"I love you too, Lance."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Lance. Tumulo na naman ang kanilang mga luha. Hinawakan ni Lance ang baba ni Kiven at uliit na hinagkan. Niyakap niya ulit ng mahigpit si Kiven. Sa pagkakataong ito, unti-unting naging mapusok ang kanilang halikan. Nilalakbay ng kanilang mga kamay ang katawan ng isa't isa. Unti-unti ring nabuhay ang bagay na nakatago sa kanilang shorts. Namalayan na lamang ni Kiven na hinubad na niya ang suot ni Lance at tinapon ang kaniyang damit. Nakahubad na ulit si Lance. Kumawala sila sa paghahalikan.

"I love you," ang tangi lang nasabi ni Lance nang ulit siyang hinalikan ni Kiven.

They missed each other. Puno ng pagmamahal ang kanilang halikan, at hindi rin mapagkakaila ang umuusbong na libog sa kanilang mga katawan. Kahit hindi man aminin, matagal na nila itong inaasam.

Namalayan na lang ni Kiven na nakahiga na siya sa kaniyang kama habang si Lance ay nakapatong sa kaniya. Prominante ang apoy sa kanilang mga mata. Napalunok si Kiven nang inabot ng labi ni Lance ang kaniyang leeg. Napalunok ulit siya nang maramdaman ang kamay nito sa ibabaw ng kaniyang short. Hinahaplos at nilalaro nito ang kaniyang katigasan.

"Gusto mo ba 'to, Kiven?"

Hindi nakapagsalita si Kiven. Tanging pagtango lang ang kaniyang nagawa.

Ramdaman ni Kiven ang matigas na katawan ni Lance sa likod. Magkaakap silang nakahiga sa kama. Nakabalot ang mga katawan ng kumot. It was still raining.

Nakatingin ang dalawa sa hawak na litrato ni Kiven.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo mong lola si lola Marcela," sabi ni Lance na nasa likod niya. Nilalaro nito ang buhok ni Kiven, habang ang isang braso ay nakaakap sa kaniyang katawan. "Kailan mo balak magtapat sa kanya, sa tatay mo?"

Hindi sumagot si Kiven. Pinikit niya lang mga mata at dinama ang kamay ni Lance sa kaniyang buhok.

"Kiven," tawag nito nang hindi siya sumagot. Biglang pinaharap ni Lance si Kiven. Nagtama ang kanilang mga mata. Matamis na ngiti ang binigay ni Lance sa kaniya.

"Lance," panimula ni Kiven, "hindi pa kasi ako ready."

"Alam ko naman iyan, Kiven, pero wala naman sigurong mawawala kapag nagtapat ka."

"Baka hindi niya ako tanggapin. Baka hindi niya ako mamahalin at kilalaning anak"

"Nandito naman ako, ang nga tita at tito mo," malumanay na sabi ni Lance. "Kung hindi ka niya tatanggapin, edi hindi. Basta ang importante nasabi mo na sa kaniya. At kapag na reject ka, lagi mong tandaan na nandito lang kami."

Tahimik lang si Kiven.

"At tsaka kung-" natigilan si Lance nang halikan siyang bigla ni Kiven. Nagulat man ay biglang ngumisi. "Ikaw ha, nagnanakaw ka na ng halik ngayon."

Tumawa si Kiven.

"At saka malakas ang kutob ko na matatanggap ka niya. Baka nga magsorry pa 'yun sa'yo."

"Tutulungan mo ba ako?"

Higpitan ni Lance ang pagkakayakap.

"Nandito lang ako palagi."


*KEME LANG, NAG CUDDLE LANG SILA HEHE

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon