Chapter 5

18 3 0
                                    

THE CLOUDS WERE DARK. It was Friday. Tapos na ang klase. Palabas na sina Kiven at Lance sa paaralan. Pupunta sila sa Mutya para sa birthday kanilang lola Marcela. Tumawag ito sa kanila sa umaga para i paalala ang kanyang birthday.

"Nagpaalam ka na ba sa tita mo?" Tanong ni Lance. Nakalabas na sila sa paaralan at naghihintay ng masasakyan papuntang Mutya.

"Oo, kanina. Ikaw ba?"

Lance nodded. "Oo, kanina lang din."

Nagkalat ang mga estudyante sa daan. The road was busy. Nagmamadali ang ilan dahil na nagbabadyang pag ulan. May mga traysikel na dumaan na kanila pero halos lahat ay puno.

Ilang sandali pa ay may humintong motorsiklo sa kanilang tapat. "Toy, saan kayo?" tanong ng driver.

The two stared at each other. The clouds were getting darker. A second, Lance opened his mouth.

"Sa Mutya po. Kaming dalawa."

Tumango ang driver. "Hali kayo." He turned his head to the road.

The boys stopped for a moment. Lance pointed his lips to the seat. Kiven blinked. He threw his self to the motorcycle. Sumunod naman si Lance at umupo sa likuran niya.

Umandar agad ang motorsiklo. Kiven kept still. Hindi siya gaanong gumalaw. Ramdam na ramdam niya ang matigas na katawan ni Lance sa likod. His nose noticed his scent. Siksikan sila sa motorsiklo. Pustahan ramdam ng driver ang abnormal na pagtibok ng kanyang puso. Walang imikan ang dalawa. Seryosong nakatuon naman ang driver sa daan.

Ilang minuto pa ay sinalubong sila ng presko at malamig na hangin. Isang hudyat na nasa Mutya na sila. The trees welcomed them. The baranggay was once again peaceful and quiet. Nakatuon si Lance sa mga bahay. Si Kiven naman ay halos hindi parin makagalaw. Tinuon niya nalang ang pansin sa palibot.

Naglalakihang kahoy. Mga bahay. Maliit na waiting shed. Tindahan. Simbahan. Kulay itim at puting gate. Malaking bahay na gawa sa kahoy.

"Dito lang po," sabi ni Kiven nang masipat ang bahay.

Agad namang huminto ang sasakyan. Nagpakawala ito ng matulis na tunog gawa ng pabiglang pag break. Dumiin ang katawan ni Lance kay Kiven. Kiven held his breath. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo.

Bago pa maka react ay bumaba na si Lance. Sumunod naman si Kiven sa kanya. Kumuha sila ng pera at binayad sa driver. Nagpasalamat naman ito at umalis.

Naglakbay ang kanilang tingin sa mabahay. Kita nila ang iilang tao sa pangalawang palapag. They went near the gate. Nanatili lang sila roon. Ilang sandali pa ay may dumating na lalaki. May akay itong isang case ng soft drinks.

"Bisita ba kayo ni ma'am?" tanong ng lalaki. He was tall, moreno, at may gwapong ngiti.

"Opo." Lance nodded.

"Oh halikayo," tugon ng lalaki at binuksan ang maliit na pinto ng gate.

Sumunod naman si Lance at si Kiven. Nang makapasok, bumungad sa kanila ang mga pinong damo. The area was once again calming. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa mapunta sa pinto. Binuksan ito ng lalaki at pumasok.

A familiar area welcomed them, especially the paintings on the wall. Pinagmasdan ni Kiven ito ng mabuti.

"Ma, saan ko ba to ilalagay?"

"Diyan lang sa ibabaw ng lamesa, Frank." sigaw mula sa kusina.

Lumapit ang lalaki sa lamesa nasa gilid malapit sa hagdanan. Malaki ang lamesang gawa sa kahoy. May mga pagkaing naka latag roon. Dahan dahang nilatag ng lalaki ang case may espayong parte ng lamesa.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon