Chapter 3

18 4 0
                                    

NANG MAKASAKAY AY agad na tumunog ang makina ng tricycle. Nang umandar ito, bubati sa mukha ni Kiven ang may kalamigang hangin. Papunta na sila sa Mutya.

"Salamat po sa pag-invite, lola," sabi ni Kiven sa katabi niya.

"Salamat po," agad na sabi ni Lance nang madinig niya si Kiven.

"Walang anuman, mga iho," mahinahong sabi ng matanda. "Salamat din sa pagtulong sakin na makahanap ng sasakyan."

Ngumiti si Kiven na tinugunan naman ng matanda. Ang bait ng matanda sa kanila. She had a sweet smile pero pansin ni Kiven ang tila lungkot na nakatago sa mga ngiting yun.

ILANG MINUTO na ang nakalipas at narating nila ang baranggay ni Kiven. Karatig lang ito ng baranggay na kanilang pupuntahan. May iilang nakatambay sa gilid ng kalsada. Nakita nya ang kanyang kapitbahay na bumibili sa tindahan. The place was still the same. Napako sa tingin nya ang kanilang bahay. The house was quiet.

Few minutes passed at napasok na nila ang baranggay Mutya. Bumungad sa kanila ang makukulay na bandiretas sa daan. May mga tao sa gilid ng daan. Dinig na dinig ang mga kumakanta sa videoke. It was indeed a happy fiesta. Pero di tulad sa mga baranggay na nadaanan nila, baranggay Mutya gave off a peaceful vibe. May mga kahoy at puno ng niyog sa magkabilaang gilid ng daan. Ramdam na ramdam ang sariwang hangin. Mutya was really a place that connects nature and the busy life of the city.

"Dito lang, iho."

Kasabay ng pagtigil ng sasakyan ang pagkawala ng atensyon ni Kiven sa lugar. Lumabas siya ng tricycle at sumunod naman ang lola.

Nilibot niya ulit ang paningin sa lugar. Hindi na gaanong malawak ang daan kumpara sa highway. May mga taong nag-iinuman sa mga gilid nito. Iba-ibang musika ang umalingawngaw sa lugar.

Mula sa kanyang posisyon, nakuha ang atensyon ni Kiven ng berdeng bundok sa may kalayuan. Staring at it, Kiven felt calmness reaching him.

"Halina kayo, mga iho," sabi ng lola nang matapos magbigay ng pamasahe sa driver.

Sumunod ang dalawa sa matanda. Nasa harapan nila ang gate na may maayos na pinaghalong puti at itim pero ang bukod tanging naka agaw ng atensyon nila ay ang malaking bahay. Maayos itong pagkakagawa sa kahoy. Mula sa kinatatayuan ay kita ang mga bisitang kumakain sa ikalawang palapag ng bahay.

The moment they entered the gate, bumungad ang mga pinong damo sa kanilang paanan. The area was breathtaking. Sa gitna ang malaking bahay na ang sementado ang unang palapag at gawa sa kahoy ang ikalawa. Sa di kalayuang kanang bahagi ng bahay ay naka posisyon ang punong may mayabong na dahon.

Sumunod sila sa lola ng pumasok ito sa bahay. The house was clean. May mga makalumang sofa na maayos na naka posisyon sa silid. Sa dingding ay may mga nakasabit na makukulay na painting. Hindi maiwasan ni Kiven na kilatasin ang mga ito. The canvas were sunsets, hills, shores, and other beautiful things that the earth offers. Ganda.

"Ganda," sabi ni Lance na nasa tabi niya. It was as if he heard Kiven's thoughts.

"Just my thing," Kiven said at tumngin kay Lance.

"Yeah, just your thing," Lance said smiling while looking at him.

"Gawa yan ng mga anak ko," the lady interrupted at lumapit sa isang painting.

She was staring at a vibrant sunflower.

They were interrupted when a guy approached.

"Dumating na ho pala kayo, ma'am." sabi ng lalaki sa matanda. Mukhang galing lang ito sa kusina.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon