Chapter 14

12 2 0
                                    

Nakaupo si Kiven sa malambot na sofa kaharap sa kanilang TV. Kakatapos niya lang tumulong sa kanyang tita sa mga labada. Pasado alas 10 na ng umaga. Kasama niya ang kanyang tita Tricia at tito Adrian na nakaupo sa ibang sofa habang kumakain ng junk foods. Sa isang sofa naman ay nakahiga ang isa niya pang tito na si Raymart, ang bunsong kapatid ng kanyang mama, 4th year na nag-aaral sa karatig na lungsod. Sa harap nila ay TV at ang second segment ng palabas na tagalog horror movie. It was 3 days after Christmas. Sa mga araw lang na ito sila kumpleto lalo pa at holiday at walang pasok. Everyone was watching except for Kiven na abala sa kanyang gameboy, sa mga araw lang din na ito siya nakakapag focus sa kanyang laro.

Habang abala sa laro ay tumunog ang kanyang cellphone sa tabi. Binuksan niya ang keypad. May nagmessage.

hi kiven :-) musta?? anong gawa mo?? ako dito boring...

Napangiti si Kiven habang binasa ang text. Simula noong insidenteng nangyari sa bahay ni lola Marcela ay palagi na siyang nakakatanggap ng text galing kay Lance. Nirereplyan naman niya ang mga ito. Palagi na siyang nagtutungo sa tindahan ng kapitbahay para magpaload. Ilang araw pa ay nasanay na siya sa mga tagpong ito. Sa cellphone, they talked about how their Christmas went, they talked about how their days went, and exchanged good nights and good mornings. They talked about anything except for that night where moonlight, fireflies, and touches were involved.

ito nanghuhuli :)

He texted back at ilang minuto pa ay nakatanggap ng reply.

ng ano??? isda? saan? pwd sumama??. hndi ko alam nanghuhuli ka pla ng ganyan ah...

dito sa hoenn region. nanghuhuli ng pokemon haha

hehehehehehe...naglalaro ka pla nh gameboy ngayon? saakin kasi nasira na? namiss ko tuloy yan..

Kiven paused for a few seconds at nag-type ulit sa kanyang cellphone.

halika dito ipapahiram ko sa iyo haha

hala?! talaga? papuntahin mo ako jan? okay lang ba?? pero sige sure punta ako mamaya. salamattt :))

Napatigil si Kiven. He felt his burning face when he realized what he had done.

Tumingin siya sa mga kasama sa bahay at binalik ang tingin sa hawak na cellphone. Dahan-dahan niya itong nilapag sa kanyang kandungan.

"Pupunta kaibigan ko rito, okay lang po ba?" sabi niya habang nakatingin sa kanyang tita at sa kasama nito.

Mula sa TV ay napatingin ang dalawa sa kanya. May halong pagkagulat ang kanilang mukha.

"Uy may ipapakilala si Kiven sa'tin," his tito Raymart teased.

"'Yan ba 'yung palagi mong ka-text? Sige ipakilala mo sa amin, Kiven," hirit ng kanyang tito Adrian.

"Iyan siguro ang rason kaya gabi-gabi nalang umuwi galing paaralan," sabi ng tita sa katabi. Tumingin ulit siya kay Kiven. "Sige papuntahin mo dito yang jowa mo, Kiven. Sabihan mo rin na dito na kakain."

"Kaibigan ko nga lang 'to." Nag-arteng naiinis si Kiven pero hindi napigilan ang pagkurba ng labi dahil sa panunukso.

Kinuha ni Kiven ang cellphone mula sa kandungan. Paano kung hindi niya nalang kaya payagan. He texted back.

sige

ingat ka

Nilapag niya ang cellphone sa sofa. Unting bumilis ang kanyang dibdib.

A sweet smell of adobo went to his nose. Kiven, together with his tita and titos were at the dining table. Nakahain na ang kanin at ang adobong ulam. Sumandok si Kiven ng kanin at nilagay sa kanyang plato.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon