Chapter 16

9 1 0
                                    

Kiven enjoyed the feeling of soft mattress on his back. Few minutes passed 5 in the afternoon. Ilang minuto na ang nakalipas n'ung makauwi siya galing paaralan. He was still wearing his school uniform. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo. From the ceiling, his gaze shifted to his side. There he saw him. Lance. Nakabukas ang dalawang unang butones ng kanyang uniform. Hawak nito ang gameboy ni Kiven.

"So kailan natin sisimulan ang assignment?"

Mula sa laruan, nagtungo ang tingin ni Lance kay Kiven. He smiled. Unti-unti siyang umusog at lumapit sa nakahigang si Kiven.

"Mamaya na lang, Kiven," Lance's soft voice exited his mouth pero agad naging irita habang tinitingnan ang laruan. "Papatayin ko muna tong si May, ang hirap talunin."

Napatawa na lang si Kiven sa turan ni Lance. Lance was too focus on his game yet he somehow manage to crawl his one hand to Kiven's hair. Hindi naman pumalag si Kiven.

Umiling na lang siya habang binaling ang tingin sa kisame. It was Lance's idea na gawin ang kanilang assignment sa kwarto ni Kiven. As he was staring at his white ceiling, Kiven's thoughts shifted to something else.

"Yung sinabi mo kay kuya Frank. Ano 'yung planong tinutukoy mo, Lance?" he asked not moving his head. Nahagilap naman sa gilid ng kanyang mata si Lance na nakatingin sa kanya.

"Secret," tipid nitong sabi at bahagyang tumawa. He then removed his hands from Kiven's head.

Unti-unti namang bumangon si Kiven at sumandal sa headboard. He crossed his arms at pinanliitan ng mata si Lance. Natawa naman ang lalaki sa kanyang ginawa. Binaba nito ang kanyang gameboy at humarap kay Kiven.

"Kiven... I was thinking pano kung gawin nating pang old school?"

Napakunot ang noo ni Kiven.

"Paano kung harana na lang. Gagawa tayo ng kanta."

Kiven immediately reacted. He was amused and surprised by Lance's idea. He smiled.

"Maranong kang gumawa ng kanta, Lance?"

Ngumiti lang si Lance. "Hindi naman expert, mga simpleng kanta lang."

Kiven smiled widely. Pumalakpak siya ng mahina at umiiling-iling pa nang bahagya.

"Ang talented mo talaga no," Kiven said. "Pwede ko bang mapakinggan mga songs mo?"

Tumawa naman si Lance at pagkapos ngumiti. Umiling siya. "Lahat baduy, Kiven. Baka pagtawanan mo lang ako eh." Tumawa ulit si Lance.

Napangiwi naman si Kiven at umiling. "Hindi kaya no? I'm sure maganda iyang nagawa mo. Ang ganda ba naman ng boses mo. Magaling gumitara. Sure ako nagugustuhan ko lahat ng..." Kiven paused he saw Lance's big smile at papalapit ito sa kanya, "lahat ng kanta mo."

Muling inabot ni Lance ang buhok ni Kiven. Dahan-dahan niya ginapang ang mga daliri sa itim na buhok. "Sa susunod na kapag," Lance shifted his sight from Kiven to his study table kung saan nandun ang sketchpad niya, "ipakita mo mga drawings mo sa akin."

Natameme si Kiven. Napatingin din siya sa sketchpad. Binalik niya ang tingin kay Lance. May kahulugan itong nakangiti sa kanya.

Umiling si Kiven at awkward na tumawa. "Sa susunod na lang."

Tumawa si Lance.

Ilang sandali pa ay sinimulan na nila ang kanilang math assignment na si Lance lang ang nagsagot. Nakaupo lang si Kiven sa tapat ni Lance. Hawak niya ng mahigpit ang kanyang sketchpad. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na ang kanilang assignment. Humiga ulit sila sa kama ni Kiven. Naglaro muna si Lance at ilang sandali pa ay nagpaalam na nauuwi.

Nakalipas ang ilang araw ay hindi muna pumunta sina Kiven at Lance sa bahay ni lola Marcela. Instead, tambay muna sila sa bahay ni Kiven. They were studying at ginagawa ang mga projects at ilang assignments nila. They also discussed their plans para sa harana.

"Guys," tawag ni Nina. Kasalukuyan silang nasa silid at naglilinis. Nakuha naman ni Nina atensyon ng mga kaklase. Everyone stopped doing their businesses. "Anong plano natin sa Valentine's day? Booth I mean."

Napakunot naman ang noo ng mga tao sa silid.

"Ang aga naman! January pa ngayon, Pres."

"Wow, excited ka Nina?"

"Competitive ha,"

Napailing naman si Nina at natawa sa reaksyon ng mga kaklase.

"Para manalo tayo," umirap siya at tumawa ulit.

Napailing nalang ang iba kasama sina Lance at Kiven na nag-aarange ng silya.

"Ikaw, anong idea mo?" Jacob asked habang nagsasauli ng bunot sa kabinet na laglagyan ng mga panglinis. "At tsaka anong para manalo tayo eh hindi naman competitive 'yun."

Nilingon ni Nina si Jacob. "Sira. Para matunog section natin, ano ka ba?" Inirapan niya si Jacob.

"Oh sige nga anong plano mo?" pag-uulit ni Jacob.

Mula kay Jacob nagpunta ang tingin ni Nina sa ibang mga kaklase. Nakatingin ito sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. "Blind date?" tugon niya at nahihiyang ngumiti.

"Wow very original," sabi ni Jacob na dumaan na sa kanyang harap.

Nagtagpo ang kilay ni Nina. Sinamaan niya ng tingin si Jacob pero pinipilit niyang itago ang kanyang pagtawa.

"Marriage booth na lang, Nina."

All eyes on Belle, na ang nagsuggest kay Nina. Napangiwi naman siya dahil sa mga kaklase.

"Magsama kayo ni pres at ng mga gasgas n'yong idea," pangbabara ni Jacob kay Belle na nasa tabi niya. Napahiyaw naman siya ng kurutin ng mahina ni Belle.

Natawa na lang ang mga tao sa classroom, pati na rin si Belle at Nina na kahit palaging binabara ni Jacob.

Nagsalita ulit si Nina. "Paano kung pagsamahin na lang natin ang blind date at marriage booth?" mungkahi niya. Puno naman ng pagtataka ang mukha ng mga kaklase, ulit siyang nagsalita. "Piringan natin sila tapos pagtanggal ng blindfold...ayon kasal na sila at maghahalikan na."

Napatawa naman ulit ang mga kaklase. Iba ay tumatango at sumasang-ayon kay Nina.

"Gusto ko 'yan."

"Okay 'yang idea mo pres."

"Tapos ang first trial ng booth natin ay sina Lance at Belle."

Napahinto saglit ang lahat sa sinabi ni Jacob then the room was now full of teasing. Everyone looked at Belle and Lance. Karamihan sa mga kaklase nunukso ay meron namang tikom lang ang bibig, kagaya ni Kiven na nasa tabi ni Lance. Tahimik lang siya. He felt a pinch on his chest. Nilingon niya si Lance. Umiling ito at tumawa ng mahina. He stopped when he saw Kiven watching him. Nginitian lang ng mapait ni Kiven si Lance at hindi naman iyon nakaligtas sa mga mata ni Nina.

"Ano ba kayo? No need na 'yang mga ganyan," suway ni Nina. He then looked at Kiven na nakangiti na ng tipid sa kanya.

Tumawa si Jacob. "Nagseselos ka ba, Nina? Uy si pres may pagtingin sa ating prince charming," sabi ni Jacob at ngumisi.

Nagsimula na ulit ang mga panunukso ng mga kaklase. Umiling naman ng may diin si Nina. "Baliw ka talaga eh no?"

Lumawak lang ang ngisi ni Jacob. "Pero alam ko naman na gusto mong tayo na lang ang magmodel, hindi ba, pres?" sabi nito at lalong lumawak ang ngiti.

Mas lumakas ang mga tukso.

Napangiwi si Nina. "Ew! Magmodel ka mag-isa mo!"

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon