Chapter 12

9 1 0
                                    

Music travelled the room as Jacod turned the speaker on. Most of the students were in the room. Nakaayos ang lahat. Ang mga upuan ay nakaposisyon sa gilid ng silid. May malaking lamesa sa harap kung saan nilagay nila ang kanilang mga pagkain at dalang mga plato. Sa gilid ay may lamesa rin kung saan nila pinatong ang mga makukulay na regalo. It was christmas party.

Dinala ng kanyang mga paa si Kiven sa isang sulok ng silid. Umupo siya roon. Marami nang tao sa silid pero ang iba pa ring wala, including their adviser, at si Lance na siyang hinihintay ni Kiven.

Lance was always late, ano pa bang bago?

Kinapa ni Kiven ang kanyang pantalon at binunot ang kanyang cellphone. Napasinghat si Kiven, malapi na palang mag alas nuwebe.

"Kiven."

He turned to the person. Papalapit ito sa kanya. It was Lance. Suot nito ang biniling itim na t-shirt noong Sabado. Hinawi nito ang kanyang buhok nang makalapit kay Kiven at ngumit.


"Good morning," bati ni Lance. "Ang aga mo naman."

Kiven let out a small laugh.

"Ilagay mo yan doon," utos ni Kiven nang makita ang bitbit na gift ni Lance.

"Okay... wait tayo ka nga."

Naguguluhan man ay tumayo si Kiven. Lance crossed his arms at kinilatis siya. Agad ay ngumiti ito.

"Oh 'di ba. Bagay sa 'yo yang pink."

Kiven smiled at iniling ang kanyang ulo. He then looked at Lance.

"Sa'yo rin."

A few minutes passed ay dumating na si Mr. Montes at nagsimula na ang kanilang program. Nina, ang class president, ang naglead ng prayer. Pagkatapos ay sinimulan na nila ang kanilang games.

Kiven was sitting at the side katabi si Lance at iba pang kaklase. Pinanood nila ang ibang mga kaklase na magsaya sa unang laro. The game was paint-me-a-picture, at sila ang nagsilbing hurado.

They were having fun. Maaga pa lang ay puno na ng hiyaw at tawa ang lumabas sa kanilang bibig. Ang iba ay nakikipag daldalan but most of them joined the games.

"Pwede ba same gender na lang?"

One of their classmates asked after Nina announced the next game, ang pambansang laro, tomato dance.

"Hindi pwede dapat babae at lalaki lang," Nina answered. "Sige na."

May mga pares na ang nasa gitna ng room. Ang iba ay naghapat pa ng makakapares at ang iba naman ay naghilaan pa. Kumuha na ng kamatis ang mga gustong maglaro. Pero mabibilang lang sa daliri ang pares.

Niyaya pa ni Nina ang mga kaklase pero hindi naman ito nag agree. Nina saw Kiven na katabi si Lance. She the grinned.

"Okay, pwede babae sa babae at lalaki sa lalaki. Bahala kayo sa mga partner niyo."

Pagkatapos niyang inanonsyo ay may iilan na tumayo at lumapit kay Nina para kumuha ng kamatis.

On their seat, kinilabit ni Lance si Kiven.

"Sali tayo."

Hindi na nakapagreact si Kiven nang tumayo si Lance at hinawakan ang kanyang kamay. Nagtungo sila malapit kay Nina at kumuha ng kamatis sa supot.

Nagtama ang mata ni Nina at Kiven. Nang papalayo ang dalawa ay binigyan ni Nina si Kiven ng makahulugang ngiti.

Pumuwesto sina Kiven at Lance sa gilid. Medyo malayo sa mga pares.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon