Chapter 15

16 2 0
                                    

Kakatapos lang ng pambansang awit. His feet were moving fast on the green and wet grass. Maraming estudyante sa field. It was their first flag ceremony sa bagong taon. Mula sa likod ng mga estudyante, naglakad si Kiven papunta sa pila ng kanyang section. Mula sa kanyang pwesto ay kita sa ibabaw ang mga estudyanteng naatasan maglead sa flag ceremony.

Ilang segundo pa ay narating na niya ang kanilang pila. Pumila siya sa likod kung saan nasa hulihan ang matangkad na lalaki. It was Lance na agad namang naramdaman ang kanyang presensya. Himala, hindi late. Nakataas ang kanilang kanan na kamay at sinasaulo ang Panatang Makabayan. Lance slightly looked over his shoulder.

"Late," sabi niya at ngumisi.

"Nauna lang, ang yabang na," bulong ni Kiven.

Natawa si Lance. Nang matapos isaulo ang Panatang Makabayan ay binaba nila ang kanang braso. Agad na humarap si Lance kay Kiven. Using his hands, he grabbed Kiven's shoulders.

"Exchange tayo, baka kasi hindi mo makita yang nasa harap," Lance said.

Hindi nakapagreact si Kiven sa ginaha ni Lance. Agad na nagkapalit na ang kanilang pwesto. Kiven said nothing. Lance now shifted his gaze sa harap.

Nang nakabawi si Kiven ay lumingon siya. "Hindi ako pandak huy," mahina pero may diin niyang sabi.

Narinig niyang tumawa ang lalaki sa kanyang likod. Nang humarap si Lance ay baghaya siyang nagulat. Nakaharap ngayon sa kanya ang kaklaseng si Jimmy at seryoso ang tingin sa kaniya at sa lalaking nasa likod niya.

"Ano? Wala kayong respeto sa flag?"

Hindi agad nakapagsalita si Kiven. Agad, muling humarap si Jimmy at tinalikuran siya. Baghang nang-init naman ang mukha ni Kiven. Sumabay na lang siya sa mga kapwa estudyante sa pagrecite. Narinig niya rin ang tinig ni Lance.

Habang nagrerecite sa panghuling kanta ay nilibot ni Kiven ang tingin sa mga estudyante lalo na sa mga kaklase. Tiningnan niya ang mga kaklase sa dalawang linya mula sa unahang si Nina hanggang sa naabot ng kanyang tingin na si Jimmy . Wala namang masyadong nagbago. Parepareho parin ang mga pagmumukha. Sabagay ilang araw lang naman ang break.

Natapos na ang huling hymn kaya unti-unting maririnig ang mga bulungan ng mga estudyante. Humarap si Kiven kay Lance. Kating-kati na siyang may sabihin kay Lance.

"Ikaw kasi 'yan tuloy napagalitan tayo," bulong ni Kiven at tumawa.

Tumawa naman si Lance at lumapit ng bahagya. "Hayaan mo na, nainggit lang siguro," bulong ni Lance at tumawa ulit.

Hindi nakapagsalita si Kiven. Napakunot ng bahagya ang kanyang noo. Bakit naman maiinggit? Napawi ang kanyang pag-iisip nang marinig ang speaker sa harap. Humarap siya pabalik sa unahan. Some students were in front of them. Nasa sampung estudyante at halos lahat sa kanila ay grade 10 galing special section. Napabuntong hininga si Kiven. Zumba na naman.

Nagsimula ang tugtog ng speaker. Dumaloy ito sa malawak na field, hudyat na para gumiling sila. Nag-umpisang gumalaw ang mga estudyante sa unahang ibabaw. The music was upbeat. Most of his classmates were dancing. They were copying the moves ng mga estudyanteng nasa harap. For many flag ceremonies that school year, himala bagong tugtog ang kanilang sinayaw. Bagong taon nga talaga.

Kiven just stood there arms crossed. Few moments later, naramdaman niya ang pagkalabit ng lalaki sa kanyang likod. Hinarap niya ito at nakita si Lance na nakangiti at sumasayaw.

"Sayaw ka naman, Kiven."

Umiling si Kiven at tumalikod kay Lance. Nakatayo lang siya sa pwesto, tiningnan ang nakapalibot na mga estudyanteng sumayaw. Kiven was wise enough. Wala siyang balak magpapawis sa umaga pa lang.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon