Chapter 2

21 5 0
                                    

PINK. BLUE. ORANGE. He mixed those colors to form a vibrant sunset on his sketchbook. A few hours ago, their adviser, Mr. Montes, announced na may meeting ang lahat ng teachers sa Dipag High School. Pinayuhan ang mga estudyante na umuwi na sa kanilang tahanan.

Half of students did what Mr. Montes told. 'Yung iba naman ay nag-invite na pumunta sa piyesta sa baranggay Mutya. Nasa medyo bukiring bahagi ang Mutya. 15 minutes ang layo nito sa paaralan.

Mabibilang lang sa daliri ang natira sa silid-aralan. Ang tatlo ay nasa likod at naglalaro ng chess. Ang iba naman ay gumagawa ng assignments. May tiga-ibang section naman ang umaalis at pumapasok sa room namin. Si Nina naman at ang dalawa pang officer na sina Belle at Brian ay nagsimulang mag walis at arrange ng mga upuan.

Kiven glanced at Lance na kakagaling lang matulog. Medyo pula pa ang kanyang mga mata at magulo ang buhok. Kiven immediately shifted his gaze to the drawing when Lance sighted him. Ilang segundo pa at tumayo si Lance at sinuot ang kanyang itim na bag.

Dumaan siya sa harapan ni Kiven. His scent scattered in the area. It was manly na may kaunting vanilla. Lumabas na siya ng room. Kiven couldn't help but felt gloom dahil sa pag-alis nya.

Kiven diverted his attention to the drawing. Mabilis nya itong tinapos at niligpit ang mga gamit sa bag. Napag disesyon niya na ring umuwi na lang. Nagpaalam siya kay Nina at lalabas na sana nang makita ang bagay na nasa armchair ni Lance.

"Naiwan nya siguro to," he said while looking at a black keypad phone resting on the armchair.

He immediately grabbed it at lumabas ng classroom. He decided na isauli ito kay Lance. Siguro di pa yun nakakalayo.

Nang makalabas ng classroom, he took the stairs para makababa sa 1st floor. Nang makalabas sa yellow building, bumungad sa kanya ang malamig na hangin. Maaliwalas ang panahon. The campus was peaceful. The trees were calm kahit na hinahangin ang kanilang mga dahon. Dry leaves were also blown gently by the wind. Wala gaanong estudyante sa paligid.

Dali-dali nyang tinahak ang daan papuntang gate para maabotan si Lance. Saktong paglabas nya ng gate ay nakita niya si Lance sa kaliwang bahagi ng daan, ilang metro ang layo sa kanya.

"Lance!"

Hindi siya narinig ni Lance. Tumakbo siya para maabotan ang lalaki. Nang ilang talampakan lang ang layo nila, naramdaman ni Lance ang presensya niya. Lumingon si Lance sa kanyang likod. likod.

Tumigil si Kiven at nakayukong hinabol ang kanyang hininga. Napagod sya dun ah.

Lumapit si Lance sa kanya. "Ayos ka lang, Kiven?"

Kiven. It was like music to his ears when his name escaped Lance's mouth.

"Ayos lang ako," he answered .

Inayos ni Kiven ang sarili at tinignan si Lance.

"Naiwan mo," sabi nya at pinakita kay Lance ang hawak niyang cellphone.

Nabigla naman ang binata nang makita ang cellphone. Agan anamn itong napatawa at di makapaniwala sa kanyang kapabayaan.

Inabot ni Kiven ang cellphone kay Lance.

"Thank you, Kiven," sabi ni Lance at kinuha ang cellphone mula sa kamay ni Kiven. Inilagay niya ito sa bulsa ng kanyang slacks. "Ang pabaya ko talaga, naabala ka tuloy," he said with guilt.

"Okay lang," sabi ni Kiven at lumakad papunta sa gilid ni Lance. Nagsimula ulit silang maglakad. "Uuwi na rin naman ako," dagdag nya.

Tumango lang si Lance at ngumiti. Tahimik ang paligid habang naglakad sila sa daan. May mga tindahan at bahay silang nadaanan. Ang linaw at tahimik ng lugar. Tanging kaunting sasakyan lang na dumadaan ang nagbibigay ingay. Nang nadaanan nila ang isang munting flowershop biglang nagsalita si Lance.

Fireflies On Our Skin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon