"Hoy Kassandra, you know naman I'm not a team player as a drummer diba? Kaya nga solo drum competitions ang sinasalihan ko." Sabi ni Krage.
Hindi kasi talaga ito makasundo ang mga kasama niya kasi habang nagpeperform ay kusang nagkakaroon ng ibang Krage sa stage. Nasosolo niya at mangha mangha naman ang mga nanonood. May own style kumbaga.
"Bossing Kass naman, alam mo naman na classical pianist ako. Gusto mo ba talaga na mag chopin na rockstyle version ako?" Napatawa naman kami ni Krage. Yumuko naman agad kami dahil nakita namin ang pagtaas ng kilay ni bossing.
Nagulat rin kami kasi bigla hinawakan ni Kass ang kamay namin. Nagpapacute nanaman siya sa amin. Alam na alam niya kasi kung paano kami ni Krage kunin eh. Dinadaan niya kami sa charm niya, palibhasa alam niyang maganda siya at happy crush rin siya namin ni Krage noon since elementary.
"Pleaseeee love, I really want to perform this time as part of the band kasi sinabihan ako ni Alexander na I won't ever be half as great as my mom." Medyo paiyak naman na sabi ni Kass. Lagi kasi syang pinepressure ng relatives niya before na dapat gayahin niya ang mama niya at magbanda dahil sayang daw talent. Ang dami na man napatunayan ni Kass no lalo na ang mga solo guitar covers nya at ang angel voice nya. Sa Youtube Channel niya palang na million views kahit nga si Taylor Swift ay finafollow siya sa IG at nakasubscribe sa channel niya.
Pero mas nainis kami nung sinabi nya na minamaliit siya ni Alexander. Kaaway kasi namin yun ni Krage at kaedad din namin. Nakasuntukan yun ni Krage nung highschool dahil ang yabang nun. Hindi naman kami nag away ng pisikal ni Alexander, pero siya kasi yung karibal ko manligaw kay Krsytal non. Kaya ayun, medyo may galit kami doon. Napaoo nalang agad kami sa request ni Bossing Kass.
Nag audition kami nun after few days ng practice. Sabi namin, basta feel free to perform our style basta siguraduhin rin naming mababagay. Dahil sobrang angelic voice ni Kass, ako ang ginawa nilang vocalist kasi sobrang lamig daw ng boses ko. Singer/Keyboardist ako, Drummer si Krage and Electric Guitar si Kass. Solid naman practice namin kahit ilang days lang. Iba kasi ang connection namin tatlo, parang triplets lang pagdating sa music. Napagusapan din na dapat daw original song iperform namin para maiba daw. Nalaman rin nila na may kanya ako for Kiara kaya ayun sabi nila iperform daw namin sa audition. Wala naman ako magawa dahil si Bossing Kass ang batas.
"You may start now." Sabi ng panelist. Grabe, audition palang mga bigatin na ang judges. Nag play naman kami. Happy vibe talaga ang kanta na to kahit love song. Nag sesecond voice din si Kass sakin, meanwhile, may mga portion na solo din sa drum si Krage na pati kami napabilib dahil may tono ang drums niya. Napamangha naman doon ang judges sa segment nayun lalo na ang cool ng pag play ni Kass sa electric guitar. Napapasway pa sila ng ulo kasi jolly at rock pakinggan.
Syempre di naman ako nagpapahuli dahil may solo din ako sa piano at mas lalo nag standing ovation nung habang tumutugtog ay nag stop kami, at hinayaan ang boses ko na kantahin ang isang stanza, ang biglang bagsak ng drum, guitar, at keyboards to end.
"You really impress me Krelo. Aside from you're once a Chopin Piano Competition Champion last year, I did not expect that you have this jolly side." Sabi ng isang judge.
"Krage, your drum skills are beyond great. I'm excited for your band guys." Saad ng isa.
"Kassandra, I did not expect to witness such a talent. I'm your fan in your youtube account. " Dagdag ng isa.
Natapos ang audition after a day and sobrang saya namin kasi kami ang napili. They even informed the school president about it dahil napabilib namin sila and asked us to play the same song nung nalaman nilang original composed ko ito. Mas maganda daw kasi na original song ang ipa-play dahit witness ang buong mundo nito. They asked if anong band daw itatawag sa amin. Sabi nalang namin na K Band 2.0. Hindi narin kasi napatuloy ang K Band nila daddy kasi aside na busy sila eh, na aksidente si Tito Krei. Kaya di na rin ito nakakapagplay ng drums. Kaya mas na inspire kami na ipatuloy ang nasimulan nila.
"Bro, ang daming tao. Parang sasakit ang tiyan ko." Sabi naman ni Krage. Natawa naman kami ni Kass kasi nakakakaba kasi ang venue sa sobrang daming tao. Nandito kami sa open field ng school. Halos nandiyan rin mga sikat na athletes ng Ivy League.
Niyakap din kami ni Kass. Agad naman kami kumalma ni Krage. Iba kasi ang dating ni Kass sa amin, para syang ate figure talaga.
"Krelo, she's here. Kiara is watching later. Woudn't you like to inform the world that the song is for her?" Kass said. Agad naman ako inasar ni Krage. Sabi pa niya na dapat gawin ko daw. Talunin ko daw si Dad sa pag confess kasi ngayon, whole world is watching. May live kasi at syempre Ivy League ito, sikat ito masyado sa buong mundo. Even a lot of world renowned musicians are here.
"I'll try." Yan nalang ang nasabi ko at mas lalong naging eager kami tatlo na kumanta.
"Ladies and Gentlemen, to end the night of the Ivy League for today's year, let's welcome the K Band 2.0 of the Yale School of Music." Palakpak at sigawan ang rinig namin sa mga schoolmates.
"Are you ready to witness our classical musicians to turn the night into a happy rock music style tonight?" Nagsigawan naman agad sila.
"The Drummer is the one and only, Krage who won world solo drum competitions for three consecutive years, the guitarist and side singer is no other than the most sought choir singer of 3 famous ensembles in Europe, and a world class guitarist Kassandra. Lastly, the recently champion of the International Chopin Piano Competition, Klero. Around of applause please." Dumagundong naman ang ingay dahil sa pagpapakilala ng school sa amin. Naka create naman kami ng pangalan pero sa music lamang yun. Hindi namin akalain na marami talagang pumunta dito ngayon.
"They will be a performing an original song composed by Krelo and arranged by Kassandra and Krage. Do you want to know if this song is for whom?" Nagtilian naman ang mga tao.
"Hoy Kassandra, ano ang sinasabi ng host?" Sabi ko sa kanya. Tumawa lang naman siya at ngumiti pa ng nakakaloko. Parang delikado ito ah.
"Krelo, can you introduce the song? We discovered that this is your song for someone you love." Halos makabingi naman ang ingay sa open field. Humanda talaga si Kassandra. Nilagay niya talaga ako sa hotseat.
Nagsigawan naman schoolmates ko taas banner ng "Krelo heart Kiara." Nung nagpeperform kasi ako na accompanist ni Kiara ay maraming kinilig sa amin. Mas lalo pa nabuo ang mga fans club sa school nung nalaman nila na may gusto ako Kiara. Hindi ko kasi matago sa actions ko kaya ayan tuloy, na hotseat ako ngayon.
I played a piano intro while talking,
"Hi everyone, I'm Krelo and thank you for the support especially to my schoolmates." Nagtilian naman ang audience.
"Ahhmmm the song is for someone I admire the most, I can't see her right now but Kiara, the most beautiful violinist I ever seen, if you're watching, this song is for you." Agad naman nagtilian mga schoolmates ko. Nag ayos narin kami at nagsimula kumanta.
Nakafocus naman ang LED Screen sa banner ng "Krelo heart Kiara," at biglang nagshift sa babaeng hinahanap ko. Si Kiara. Namumula siya at sobrang ganda niya ngayon while in her casual pastel dress.
Kinindatan ko naman siya nung dumako ang tingin nya sa akin. Di ko alam na nakuha pala yun ng camera at halos napatili naman ulit ang audience.
BINABASA MO ANG
Sway
RomanceThe story is about the complexities of a past relationship that intervenes in the present love. Krelo Ginerva-De Valle, a 22-year-old classical piano prodigy, falls in love with a violinist. However, what will happen if the past intervenes with the...