Chapter 13

69 3 0
                                    

Hindi ko akalain na sa sobrang saya namin ni Kiara, ay biglang babawiin kaagad yun. Sobrang sakit ang naramdaman ko. Hindi ko parin matanggap ang pagkawala ni Kiara. Ilang buwan na rin ang lumipas pero hindi parin nababawasan ang sakit. Nabalita rin ang aksidente na nangyari kaya labis rin ang lungkot ng mga fans ng K Band at ni Kiara. Hindi rin kami tumanggap ng any interviews dahil gusto namin mamuhay ng pribado lang. Nakulong na rin ang driver dahil lasing ito habang bumibiyahe. Halos pagalitan naman ako ng magulang ko ng malaman nila na sinuntok ko sa presinto at pinagsisipa ang driver. Sising sisi naman yun pero wala parin eh. Hindi niya naman mababalik ang buhay ni Kiara.

Pero hindi ako dapat paghinaan ng loob dahil binigyan ako ng chance na maging ama sa anak namin. Alam ko rin na magagalit sa akin si Kiara kapag napabayaan ko ang baby girl namin. Sinakripisyo niya ang buhay niya at nila Tito at Tita para kay Kaprice at hinding hindi ko sasayangin yun.

Natuwa naman si Daddy at mommy nung bumalik na ako sa trabaho at naging hands on sa anak namin. Hindi ako marunong mag-alaga ng baby buti nalang at inaalalayan ako ni Mommy.

Kaprice Shiane Leon ang pangalan ng anak namin. Hindi kasi kami kasal ni Kiara kaya pangalan nila ang dala dala nito. Gustong gusto kong De Valle ang dalhin ng anak ko pero mangyayari lang yun kapag nagpakasal ako at magiging legitimated ang anak ko at maari niya nang dalhin ang apilyedo namin.

Sa trabaho ko lang binuhos ang oras ko at sa anak namin ni Kiara. Ang bilis lang ng panahon dahil 3 years old narin ito. Sobrang cute niyang bata.

"Hindi ko akalain na manang mana ang bata sa mga Leon. Kamuka niya si Kiara at hawig ni Karlo pag side view. Natalo mo ako Karlo. Tama ka nga." Saad ni Daddy Kryston nung binisita namin ang puntod nilang tatlo. Natawa nalang pati ang mga dating kabanda ni Daddy.

"Dada, up, up." Sabi naman ng anak ko. Gusto kasi nitong magpabuhat. Dada naman tawag niya sakin dahil nahihiraapn siyang magbigkas ng Daddy.

As time goes by, kahit malungkot ako dahil naalala ko si Kiara, nawawala naman agad yun dahil sobrang bibo ng anak namin.

Palagi siyang nakikipaglaro kila Krage at Kass. Ang mga kaibigan rin kasi namin panay bigay ng mga laruan.

"Ang bibo talaga ni Baby Kaprice. Tuwang tuwa sya sa regalo kung drums na maliit." Sabi ni Krage. Nakita kasi namin na naglalaro sya nun. Maya maya , kinuha ni Kass ang drums at binigyan ng laruang gitara.

"Hoy Kass, bakit mo kinuha ang drums. Alam mong naglalaro ang bata eh." Parang nagtatampo na sabi ni Krage. Sabi nya kasi baka maging drummer si Kaprice kasi panay palo nya kahit saan with a beat pa.

Pero imbis na sa may tyan ang pwesto nung maliit na gitara ay biglang nilagay ng anak ko sa balikat nya at parang nagviolin kahit wala itong bow. Natawa naman kami kasi sinasabayan niya ang background music ng bahay. Puro violin pieces kasi ni Kiara ang pinapatugtog ko lagi dahil araw araw ko siyang namimiss.

Habang naguusap naman kami tatlo tungkol sa business ay biglang naagaw ang atensyon namin ng biglang tumunog ang grand piano.

Nakaupo ang anak ko sa upuan at nakabahan pa ako baka mahulog ito. Pero halos maiyak ako nung magsimula siyang magpress ng keys.

She played along with a Caprice 4 Paganini na nakaplay on background. Narinig nya ako before nung sinasabayan ko rin ito ng piano pero di ko akalain na masasabayan niya rin at 3 years old. She can play by ear. Isang beses ko lang ito natugtog pero kuhang kuha niya ang pagiging accompanist.

Napaiyak naman ni Kass dahil alam niya ang story ng pagperform namin ni Kiara noon. Nilabas naman agad ni Krage ang cellphone nya at kumuha ng video. At ang ungas sinama pa ako habang umiiyak.

SwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon