Chapter 14

73 5 0
                                    

Krystal's POV

Kanina pa ako naghahanap ng damit para sa family day na pupuntahan namin. Sabi ni Krelo mag pants, sneakers, at t shirt lang daw ako. Ayaw ko naman no, gusto ko magpaganda kay Krelo. Kaso baka hindi kami manalo sa parlor games dahil sa kaartehan ko.

"Anak, ano bayan, ang tagal mo. Mag kakalahating oras na ang hintay sayo nila Krelo sa labas." Sabi naman ni Mommy Sofia. Sinalubong niya din kanina si Krelo at si Baby Kaprice. Sobrang tuwang tuwa naman sila kasi napakabibo ni Baby. Lumabas na rin ako at nakikinig lang sa usapan nila.

"Baby Kaprice, you are so talented. I saw your video that you can already play a piano. "Sabi ni mommy.

"Thank you po ---." Napahinto naman si Baby kasi di niya ata alam ano itatawag sa mga magulang ko.

"You can call me grandma, iha. Since your mommy for today is my daughter." Dagdag ni mommy.

Natuwa naman si Baby Kaprice at tinawag nya nga itong grandma.

"You know Grandma, because you are so kind I will play a song for you. My Dada told me it's your favorite." Sabi ni Baby at lumapit sa Grand Piano.

"Dada, this is so big. Help me play the song. I'll play the right hand. You'll do the left hand. "Dagdag na sabi ni baby. Natawa naman kami kasi parang inuutusan ni Baby Kaprice ang daddy niya.

Pumwesto nalang din sila at nagsimula tumugtog. Ang cute ng mga kamay ni baby, dahil ang liit nito pero parang halimaw kung gumalaw at ang ganda pakinggan.

She's playing "Ikaw at Ako," a song composed by Tito Kryston for my mom before. Grabe, its my first time to listen to it in a pure piano melody.

Napaluha naman si Mama dahil for sure puno ito ng memories. After all, Tito Kryston is her first love. Hindi naman nagseselos si Daddy Fred dahil magkaibigan talaga sila ni Tito before. Nalaman ko rin na nagpapatulong pa si Daddy para ligawan si Mommy. They really have such a genuine friendship.

Patapos na rin ang pagtugtog nila. Grabe, that piano melody ay sobrang heartfelt. I can't imagine nabansagan na most romantic lover si Tito dahil tagos sa puso ang mga musika niya.

"I'm ready, let's go?" Sabi ko. Napatigil naman sila sa akin at nakatingin. Umiwas si Krelo kaya nalungkot naman ako.

"OMG, I have a really pretty mommy for today." Sabi naman ni Baby Kaprice na ikinapula ko.

"Dada, look at my mommy. You look good together." Dagdag ni Baby.

"I didn't know Kaprice is a shipper." Sabi ni mama nay may pilya pang ngiti sa akin. Mas excited pa nga ito sa akin nung malaman niya na sasama ako kila Krelo.

Umalis na din kami. Binuksan ni Krelo ang pintuan sa kotse ay inayos si Baby Kryston sa back seat. Agad niya naman ako pinagbuksan sa passenger seat. Feeling ko tuloy passenger princess ako dahil napaka gentleman niya. Hindi parin siya nagbabago. Ganyang ganyan siya nung 17 years old palang kami.

Maraming tao sa event. Mga family talaga. Sobrang tuwang tuwa naman ni Kaprice dahil hawak niya sa magkabilaang kamay ang kamay din namin ni Krelo. Nag eenjoy din ako dahil ang saya ng mga parlor games.

Pinasali din kami ni Baby Kaprice sa paper dance. Yung habang tumatagal ay kailangan namin umapak sa paper habang nababawasan ang size nito. Noong umpisa okay lang naman. Kaso kalaunan, sa liit ng papel. Kailangan na akon buhatin ni Krelo. Namula naman ako nung pa bridal style nya akong binuhat. Nanalo rin kami sa larong yun.

Grabe, sobrang kilig ko kapag napapalapit ako kay Krelo. Parang akong teenager na may crush sa kanya.

Nagpicnic rin kami at sinasabi pa ni Baby Kaprice na humiga si Krelo sa lap ko dahil nakita niya ito sa ibang family. Umiyak naman ito ng hindi sinunod ni Krelo. Kaya hinila ko na lang siya at pinahiga sa lap ko. Nagulat naman siya dahil hinimas ko din ang mga buhok nya. Ngumiti nalang ako sa kanya.

SwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon