Chapter 11

66 3 0
                                    


 Kinabukasan, nagkausap kami ni Kiara. Tinanong ko siya kung bakit sinabi niya yun sa mga magulang niya. Sabi nya naman na habang naghahalikan kami, narealized nya na mahal niya rin ako. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na sabihin ang relasyon namin.

"Sobrang pinasaya mo ako Kiara. Kahit sinagot mo na ako, liligawan kita araw araw." Dagdag ko. Niyakap naman ako ni Kiara.

"Sorry if binigla kita Krelo kagabi. I just want you to be mine. Thank you dahil hindi ka nag object at tatamaan ka sakin." Sabi niya at nag action pa na susuntukin ako.

"Kiara, kahit binigla mo ako, hinding hindi talaga ako mag oobject. Mahal na mahal kita no, hihindi paba ako sa isang Kiara Leon na bumihag sa puso ko since college days?" Sabi ko at pilyong ngumiti sa kanya.

"So Kiara, kailan natin ipagpapatuloy yung naudlot nating alam mo na?" dagdag ko.

"Sira ka talaga, Krelo. Ang pervert mo." Hinampas naman ako nito at tinalikuran ako. Napatawa naman ako dahil naasar ko nanaman siya.

Pagkauwi namin sa Pilipinas ay naging masaya din ang magulang ko sa balita na hatid namin ni Kiara. Niyakap siya ni Mama Celeste at sinabi pa na mommy at daddy na rin ang itawag sa kanila.

Napagdesisyunan din na mag kita kita muli ang K Band na barkada nila daddy dahil birthday din ni Kiara sa next few days. Invited din mga business partners nila at mga kaibigan ni Kiara.

Sobra sobra ang paghahanda nila para sa birthday ng unika iha nila. Syempre, tumutulong ako dahil ako rin ang katuwang ni Tita para maready lahat.

May mga araw din na nagkikita kami ni Krage at Kass dahil may plano ako. Haharanahin ko si Kiara pero may twist. Gusto ko talaga kunin ang loob ng mga magulang niya lalo ni Tito kasi ang strikto parin niya. Hindi niya ako pinapapasok sa kwarto ni Kiara at dapat sa sala lang kami. Natatawa nga ako kasi di alam ni Tito na muntik na may mangyari sa amin ng anak niya. Pero naintindihana ko naman si Tito Karlo.

Dumating na rin ang Birthday ni Kiara. Bongga talaga mag asikaso si Tita. Ibang klase ang mga bisita dahil parang naging business event ito. Halos mga negsoyante dito. Nandito rin ang Lee Family at si Tito Gray at anak niya na si Alexander.

Naguusap naman kami sa gilid ni Krage at Kass para sa surprise ko.

"Karlo, ito naba ang boyfriend ng inaanak namin?" Sabi ng mga naglalakihang lalaki na kasama ni tito sa Air Force.

Pucha natatakot ako sa mga tingin nila. Magkasing tangkad naman ako sa kanila pero parang si Tito Karlo sila.

"Good Evening po mga Sir, I'm Krelo, boyfriend po ni Kiara." Sabi ko na parang di pinapakita ang kaba ko.

"Aba, matapang naman pala ito Karlo ah. Huwag mo saktan ang inaanak namin, alam mo ang kalalagyan mo." Sabi naman ng isa pang ninong daw ni Kiara.

"Mga ninong, huwag niyo nga takutin boyfriend ko. Isusumbong ko kayo kila Ninang. Sige kayo." Sabi ni Kiara. Nagtawanan naman sila. Nalaman kasi namin na tiklop pala sila sa mga asawa nila.

Pagkatapos ng ilang segments sa program. Kinakabahan na ako sa gagawin namin. KInausap na rin ni Kass ang host kaya kami na ang susunod.

"Ladies and Gentleman, may we request your attention because we have a very fine young man that prepared something for our celebrant and to her family." Sabi ng host. Nagkatinginan naman ang audience dito sa stage kung nasan kami nila Krage and Kass.

"Good Evening everyone. I'm Krelo De Valle, the boyfriend of Kiara." Nagtilian naman mga kaibigan namin sa college dahil nandito rin sila. Ang saya ko din dahil sa wakas na announce ko na sa lahat na boyfriend ako ni Kiara. Ilang taon ko rin itong hinintay.

SwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon